80//
Lee Niroh'sWe should really enjoy things while we're at it. Because for sure, every moments are all once in a lifetime. We can't turn back time but we can always seize it.
"Gi, tulala ka nanaman... anong iniisip mo?"
"Sorry. Wala naman..."
Anong wala? Ang dami ko kayang iniisip! Huling araw na namin ito sa yate ni Changbin. Pagkatapos nito, bukas na bukas ay babalik kami sa Seoul--- babalik kami sa mga buhay namin, haharap kami sa mundo at magpapatuloy sa buhay.
"Amoy alak ka." I told him at mas sumiksik sa kanya.
Amoy alak. Amoy yosi. Amoy after shave. Amoy shower gel. Amoy pawis. Amoy utot. I like his smell.
"Si Woojin kasi, pilit akong nilalasing..."
May galas si Minho. Pag talagang lasing na lasing sya, nagiging ibang tao sya. Pero sya si Minho, hulas man, o lasing, o nag gagalas, mahal ko sya.
He doesn't have to change his drinking habits for me. Because I love him and I wanted to be with only him---better or worse.
"Masakit ulo mo? Gusto mo bang matulog na tayo?"
"Mamaya na, Gi. Mag usap muna tayo."
"Ano bang gusto mong pag usapan natin?"
"Bakit ka tulala? Bakit ka malungkot? Gawa ko ba?"
"Hindi ah."
"Eh bakit ka malungkot?"
"Eh syempre, pag tapos nito... mag aalisan na sila." Yumakap ako kay Minho at sumandal sa dibdib nya.
"Si Kuya Chris at Lix, babalik na ng Australia. Si Ahna naman... babalik na din sa Beijing. Si Changbin, babalik na din sa Japan..."
"Tapos si Ali, aalis din ng bansa. Si Kuya Woojin, magiging busy sa expansion ng firm. Si Iyen, mag ma-master's din sa ibang bansa..."
He circled his arms around me at ipinatong ang baba nya sa ulo ko. "Magkikita kita padin naman tayo, Gi. Hindi nga lang madalas pero magkikita kita padin tayo... they'll visit us, bibisita din tayo sa kanila."
"I know. Nalulungkot lang talaga ako."
I'm really gonna miss them. A lot.
Si Kuya Chris, best friend sya ni Kuya Woojin kaya kuya na din talaga ang turing ko sa kanya.
Si Changbin, kahit na lagi yang nang aasar at malakas tumawa, sobrang sincere nya naman at hindi talaga sya nang iiwan.
Si Jeongin, elementary palang ata ay kasama ko na sya. Kahit na mature na sya ngayon at may girlfriend na, sya padin si Iyen namin na parating nakabungisngis.
Si Felix, naging kaibigan ko sya noong high school. He's really quiet and shy. But once you get to know him, he's silly and playful.
"Gi, wag kang iiyak ha? Baka akalain ni Woojin may ginawa akong masama sayo..."
"Sira ka, bat ako iiyak?"
"Muka kang iiyak eh..."
"Sorry na, nalulungkot kasi talaga ako. Alam mo yun, nakakamiss na agad kahit di pa sila umaalis... di ka ba nalulungkot?"
"Nalulungkot din. Pero syempre hindi ko yun aaminin dahil ang bading."
"Sabagay, ang sama naman kung iiyak ka dahil mamimiss mo si Bin, or si Kuya Chris, or si Iyen."