26//

63 1 0
                                    

26//
Lee Niroh's

"Ano pa bang... gusto mong pag usapan natin?" Yumuko ako at kinutkot ang kuko ko.

Hindi ako mapakali sa kinakaupuan ko dahil amoy na amoy ko parin ang alak mula sa hininga ni Minho. He's drunk driving earlier kaya nakiusap ako na itabi nya muna ang sasakyan dahil ilang beses na kaming muntikang bumangga.

"Tungkol sa annulment..."

"Napirmahan ko na, diba? Ano pa bang kulang? Pera mo ang gamitin mo sa pag papaproseso nun dahil sinasabi ko na sayo, wala akong pera." Walang gatol kong sabi habang nakayuko parin.

He's dangerous right now. I have to take note that he's drunk--- he can hurt me physically like back then if I pushed a wrong button.

"Niroh, anong nangyari sa pamilya mo?" Nag iba ang tono nya. Kung kanina ay medyo mahinahon pa sya, ngayon parang galit na ang tono nya.

"Ayokong pag usapan, Minho. Lalo pa ngayon na lasing ka."

"Makikinig ako... sabihin mo lang sakin lahat lahat."

"Para san pa ba kung malalaman mo? Alam mo, kung naaawa ka sakin, pwes hindi ko kailangan ng awa mo. Matanda na ako, kaya ko na ang sarili ko."

"Kung pwede lang... pwede bang ihatid mo na ako sa Glow District? Gusto ko nang umuwi." Mahinahon kong dagdag.

"Hindi kita ihahatid hangga't hindi mo sakin sinasabi lahat."

"Ano pa bang gusto mong malaman? Kulang pa ba ang impormasyon na nakuha ng mga taong binabayaran mo para sundan ako?"

Hindi agad sya nakaimik. Hindi naman ako ganun katanga para hindi mapansin ang mga yun. At sa yaman nyang yan, malamang ay alam nya na ang lahat ng kailangan nyang malaman tungkol sakin.

"Alam mo na, nagtatanong ka pa. Alam mo, kung naaawa ka lang sakin, tumigil ka na dahil kaya ko na ang sarili ko. Hindi ko kailangan ng awa mo..."

"Gusto kong... marinig mula sayo."

"Pinatay ko ang anak natin. At nagtago ako dahil nagi-guilty ako. Tinakas ng nanay ko ang pera ng mga Kim. Ano pang hindi mo alam?"

"Shi---" Pumikit agad ako nang iangat nya ang mga kamay nya. Naghintay ako na saktan nanaman nya ako gamit ang mga kamay nya pero wala akong ibang naramdaman.

Naiwan sa ere ang kamay nya at mabilis nya itong ihinampas sa manibela.

"Bakit di mo tinuloy? Ahhh... natatakot ka kasi hiwalay na tayo?"

Tumawa ako ng pagak at bubuksan na sana ang pinto ng kotse pero ayaw nitong bumukas.

Kailan ba ako makakapag walk out ng matagumpay?

"Buksan mo to, uuwi na ako."

"You stay in the car!" Hinawakan nya ng mahigpit ang braso ko at napangiwi nalang ako dahil sa hapdi nito.

"Hindi ka aalis hangga't hindi pa tayo tapos mag usap."

"Ano pa bang pag uusapan? Pag nagkukwento ako, nagagalit ka. Pag aalis na ako, ayaw mo din!"

"Just--- pwede bang wag na wag mong banggitin ang anak... natin." His features softened, at lumuwag din ang hawak nya sa braso ko.

"Minho... tatlong taon na yun. Pinagsisihan ko na yun, kaya sana tanggapin mo nalang din."

"Pakiramdam mo ba... okay lang sakin na mawalan ng anak?"

"Tingin mo, ginusto kong mawala ang anak natin? Minho hindi! Gustong gusto kong bumuo ng pamilya kasama ka..." Naramdaman ko na ang paninikip ng dibdib ko. Nag unahan na din sa pag tulo ang mga luha ko.

"Pero nung sinabi ng doktor na mamamatay kami pareho ng baby natin pag pinatagal pa, natakot ako kaya pumirma ako agad. Kasi alam ko naman eh! Hindi ka papayag! At dun ako natatakot na baka mamatay din ako!"

"Ayokong mamatay nun para sa anak natin kasi iniisip ko na..."

"Na gusto pa kitang makasama ng mas matagal. Na baka pwedeng gumawa nalang ng bago. Ayokong mamatay kasi ayokong mapunta ka sa iba pag wala na ko!"

"Tatlong taon na yun, Minho. Baka naman pwede mo na akong patawarin dahil nahihirapan na ako..."

Tumigil ako sa pagsasalita at sumandal sa head rest para ituloy ang paghagulgol ko.

Nakaconfine ako for two weeks. Nang magising ako, umuwi agad ako sa Gwangju kahit alam kong nailibing na nun ang lola ko. Nagalit ang mga Kim dahil umuwi daw ako kung kelan wala na si lola. Nagalit sila sa amin ni mama dahil nawala kami ng ilang buwan at hindi manlang nagparamdam. Sinubukan kong sabihin pero... pinaalis na nila ako.

Nung makauwi ako sa Seoul, nalaman ko na namatay si mama sa mismong kalagitnaan ng therapy nya. Ilang araw akong tulala, balisa at halos mabuang na sa kakaisip ng mga nangyayari.

After a month ay lumipat kami sa bahay na pinundar ni Minho at dun ko nalang napansin na nanlalamig na sya sakin. Masyado akong nawala sa sarili sa loob ng isang buwan kaya hindi ko kaagad napansin ang mga pagbabago sa pagtrato ni Minho sa akin.

"Uuwi na ako. Buksan mo na to."

"I'll drive you home."

Tahimik ang naging byahe pabalik sa Glow District. Diretso lang ang tingin ko sa kalsada habang nag iisip ng kung anu ano.

Iba ibang babae ang inuuwi nya noon pag sa bahay sya natutulog.

Uuwi lang sya pag gusto nya.

Lagi syang lasing.

Hindi nya ako kinakausap.

Pinipilit nya akong makipag talik kahit pagod na pagod pa ako.

Sinasaktan nya ako gamit ang mga kamay nya.

Pinapagsalitaan nya ako ng masama.

Kinukulong nya ako at araw araw na sinisisi sa pagkamatay ng anak namin.

"Uh... ingat ka pag uwi." Sabi ko nang tumigil ang mismong sasakyan sa tapat ng dormitory complex na tinutuluyan ko.

Bababa na sana ako ng kotse nang bigla nya akong hilahin.

Tumama ang muka ko sa bandang dibdib nya nang yakapin nya ako. At nung saktong oras na yun, bigla nalang akong umiyak at yumakap pabalik.

"H-hayop ka, mahal na mahal kita..." Bulong ko sa kanya.

"Minho... wag mo kong iwan. Iurong mo na yung annulment!"

"Bumalik na tayo sa dati..."

"Ayoko na ng ganito. Ayoko pag wala ka..."

"Please..."

"Gagawin ko lahat, basta wag mo lang akong iwanan..."

Impurities | Lee KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon