69//

44 1 0
                                    

69//
Lee Niroh's

"Teka, sila ba yun?" Nangangahaba ang leeg ko kakatingin sa dalawang shuttle bus na nakatigil sa tapat ng malawak na parking lot ng coffee shop.

Hanay hanay ang mga kainan sa lugar na ito, madami din ang nag stop over para kumain at mag bathroom. Nasa tapat lang ito ng expressway at malapit sa exit road ng Jecheon.

"Yeah, stop over muna tayo?"

"Sige sige, doon mo ihinto malapit sa kanila."

Inikot ni Minho ang sasakyan at pumarada sya sa mismong gilid ng shuttle bus na sinasakyan ng mga interns pauwi ng Uljin. Alas sais pasado na, madilim na ang paligid at medyo malamig na. Medyo traffic ngayon kahit Sunday na dahil sa mga last minute na gimmicks.

"Ayun sila oh."

"Dito ka lang ha, papalit lang ako. Umihi ka din kung naiihi ka."

"Sige na, Gi. Baka tumagos nanaman yan..."

"Heh!" Sinimangutan ko sya at sinundan na ng tingin ko ang mga kasamahan ko.

"Gyung! Nagyung!" Sigaw ko nang makita ko sila na naglalakad papunta sa bathroom.

"Uy si ate!"

"Antay! Sabay ako!"

Tumakbo ako palapit sa kanila at sabay sabay kaming pumasok ng bathroom. Umihi muna ako at nagpalit ng dapat palitan. Hindi na masyadong malakas ngayon pero malapit na akong tagusan dahil medyo tumagilid ang lagay ko.

"Ate, dito din kayo mag didinner?"

"Kayo ba?"

"Sa Blueprint ate, dyan sa gilid ng coffee shop. Kayo ba?"

"Sasabihin ko nalang kay Minho na dun nadin."

Lumabas na kami ng bathroom at doon ko naabutan si Minho na nakasandal sa pader at nag aantay sa akin.

"Hello po..." Bati sa kanya nung tatlo.

"Minho, sabay na tayo sa kanila mag dinner. Okay lang?"

"Sure. Tara na..."

Pumunta kami sa Blueprint, isa syang pizza house na nag ooffer din ng coffees, smoothies at rice meals. Kumaway sa amin ang ibang interns na mukang nag aantay na ng orders nila dahil may hawak na silang number.

"May table kayo dito!" Sigaw ni Jacob at itinuro ang table na katabi nung sa kanila.

"Niroh, you're here pala." Sabi ni Sarang na nilalaro yung number nila.

"Yep. Nga pala, si Minho, boyfriend ko. Mga interns sila ng MBC University."

After ng batian at kauntiang introductions ay nag decide na kami ng kakainin. Wala namang ibang customer maliban sa grupo namin. Kung meron man ay kumakain na sila kaya wala ng pila.

"Gi, ano gusto mo?"

"Hmmm... bukod pa yung take out ko sa kakainin ko ha?"

"Alam ko naman yun." Natatawa nyang sabi at tumingin sa menu na nasa table.

Sinabi ko kay Minho ang mga gusto kong kainin. Margherita at Double Cheese Pizza, large pareho. Mocha smoothie at isang Iced Mochaccino. Onion rings at Buffalo wings na sour cream. Alam kong kanin kakainin nya at uubusin nya ang mga matitira ko.

"Yun lang?" Tanong nya nang isa isahin ko ang mga gusto ko. Tumayo na sya bitbit ang wallet nya at cellphone.

"How about them?"

"Gyung, ano inyo? Ipasabay nyo na kay Minho."

"Kami na ate, nakakahiya naman."

"Sige na, hayaan nyo na sya, lalaki naman yan."

In the end ay si Minho ang nag bayad ng mga order nung tatlo. At napansin ko na ang takaw pala talaga namin ni Minho dahil sangkaterba ang inorder namin.

"Iniwan mo mag isa si Ryujin sa bahay?" Tanong ko kay Minho habang nag hihintay kami ng mga inorder namin. Tubig palang kasi ang naseserve.

"Dun ko pinatulog yung isang helper. Gusto mo bang samahan kita para makausap ulit ang mga magulang nya?"

"Wag na, si Kuya Woojin na daw eh. Maybe he'll pull some strings para makumbinsi yung mag asawa. Gusto na nung mama nya eh, kaso malupit talaga si Mr. Shin."

Naunang dumating yung pizza ng kabilang table. Kung alam ko lang na Double Cheese Pizza ang kanila, sana Margherita nalang ang pinaorder ko kay Minho at nang hingi nalang ako sa kanila. Gusto ko kasi matikman pareho.

Dumating din naman agad ang mga order namin. Kung kaming dalawa lang ni Minho, malamang ay lamon ang gagawin namin at hindi kain. Pero dahil may ibang tao, nag panggap kaming cultured.

"Gi... baka magsuka ka ha, dami mong nakain."

"Hindi naman siguro. Bagalan mo lang ang drive mamaya para di mabigla..."

Inabot ko sa kanya ang Iced Mochaccino ko at tinanggap nya naman agad. Bumawas sya at binalik nya din sakin. "Ubusin mo na, meron pa ko oh."

Pinakita ko pa sa kanya ang Mocha Smoothie na walang bawas. Buti nalang dahil inubos nya, baka isuka ko na talaga yun pag pinilit kong ubusin.

"Uuwi ka din ba sa Seoul pag hatid mo sakin?"

"Gi naman, syempre hindi pa." Nangangahaba pa ang nguso nya kakasupsop dun sa straw ng Mochaccino.

"Eh san ka tutulog?"

"Nag book ako ng isang suite sa hotel malapit sa school mo, dun muna ako until Tuesday."

"At bakit? Wala ka bang trabaho bukas?"

"Wala na, pinacancel ko sa secretary ko. Tsaka tinapos ko na lahat ng projects na kailangang pirmahan..."

"Bahala ka, madami akong gagawin bukas sa campus. Maiinip ka lang."

"Ayos lang, sasama ako sayo."

"Bawal ka dun noh. Anong akala mo dun Yellow Wood University?"

"Nah, sabi ni Sir Jaejoong pwede daw ako."

"Kilala mo si Sir Jaejoong?"

"Oo naman, Gi."

Inirapan ko lang sya. Wala na akong pakialam kung paano nya nakilala. Bahala sya. Maiinip lang sya sa Uljin. Maliit na bayan lang yun, walang restaurants na high end, walang shopping malls, hindi maganda ang facility ng gaming centers at walang skyscrapers.

However, tahimik talaga sa Uljin. Sa Levanter College, puro tunog ng alon ang maririnig dahil malapit sa coast ng East Sea ang school namin.

"Ano bang mga gagawin mo this week?"

"Mag fafinalize ng requirements for graduation, papapirma ng clearance, and sa Friday baka lalabas kami."

Impurities | Lee KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon