19//
Lee Niroh's"I can't believe na dito kita makikita ulit. I'm glad to know na nandito ka rin for the entire internship." Hanggang ngayon ay hindi parin makapaniwala si Lee Juyeon habang nakatitig sa akin. Ngiting ngiti sya at daig nya pa ang nakapulot ng isang libo.
Sya iyong lalaki na nakilala ko sa My Pace halos tatlong linggo na ang nakakaraan. Hindi ko na sya naaalala pero nang makasalubong ko sya kanina ay nagpakilala sya bilang Lee Juyeon na nakipag kilala daw sa akin sa My Pace.
"Hinahanap kita sa My Pace nung gabing yun pero di na kita nakita ulit. Sabi mo pa mga may anak ka eh, ikaw talaga, sana sinabi mo noon na magkaedad pala tayo." Dagdag nya at tuluyan na ngang umupo sa upuan na katapat ko. Inilapag nya ang tray nya at sumabay sa pagkain namin.
"Palabiro ka pala, Niroh." Aniya at ngiting ngiti parin
"Talaga?" I tried to sound as enthusiastic as possible. Wala na talaga akong ganang kumain pa dahil nakita ko sa loob ng mismong building na ito si Jisung na kasama si Kuya Chris at Changbin.
Siguro ay bumibisita sila. Mabuti nalang at hindi nila ako nakita. Hindi pa ako handang harapin sila. Tatlong taon. Tatlong taon akong nagtago at nawalan ng communication sa kanila, I should be ready by now but heck no! Hindi pa!
Pag naaalala ko lahat ng nangyari, parang nawawala ang lakas ko. Hinanda ko ang sarili ko dahil alam ko na dadating ang araw na muli kaming magtatagpo, hindi pwedeng habambuhay ko silang tataguan.
"Yeah. Buti nakita ulit kita. Hindi ko nahingi ang contact details mo noong nasa My Pace tayo."
"Ahhh..." Tumango tango ako at pinasadahan ng tingin ang buong cafe ng firm. They're not here. Buti nalang dahil hindi kumakain sa cafeteria ang mga may matataas na posisyon sa firm. Sa pagkakaalam ko ay bihirang pumunta si Kuya Woojin at Seungmin sa building, si Jisung naman ay nandito lagi pero hindi daw nalabas ng opisina.
"So Niroh, saang floor ka naka-assign?"
"Third floor."
"Ow, doon din ako. Sana lagi tayong magkita."
"Yeah..."
Tinuloy ko lang ang pagkain ko. He is hitting on me for sure. Hindi naman ako intereasado sa kanya kaya hinahayaan ko lang sya. He isn't the first one to do that anyway. At gaya ng ibang lalaki na nagtangkang pomorma sakin, siguradong lalayo sya agad pag nalaman nyang kasal na ako at nabuntis na. Yun nga lang, namatayan kami ni Minho ng anak kaya nagkandaletse letse na ang lahat.
"Ate Niroh, I think interesado si Lee Juyeon sayo." Sabi ni Nagyung habang nakaupo kami sa sahig ng dormitoryo habang kumakain ng pizza.
Sa kitchen ng dormitoryo sana kami kakain pero dinalan kami ni Guanlin ng pizza dahil napasobra daw ang padeliver nya.
"Kaya nga ate. Alam mo ba, tinanong pa nun si Chaewon kanina kung may boyfriend ka. Ito namang gaga na to, sabi wala kang boyfriend." Sinamaan ng tingin ni Yena si Chaewon at hinagisan ng hot sauce na walang laman.
"Eh wala naman ah. Diba asawa na ni Ate Niroh yung si Lee Minho?"
"Kahit na noh. Baka isipin nun, single and ready to mingle si ate."
Napailing nalang ako. I'm not even bothered. Wala na sa isip ko na pumasok pa sa panibagong relasyon. Hindi ko kailanman naisip na dadating ako sa punto na may iba akong magugustuhan. Hindi na ako dalaga.
I can't even fix myself, I don't think I'm capable of building a new relationship yet. Or maybe, not ever. Baka si Minho na ang una at huli. Kahit na nasasaktan na ako ni Minho, kahit na malapit nang matapos ang lahat ng meron kami, alam ko sa sarili ko na sya padin ang hahanap hanapin ko.
He's my home. Wrecked... but still home.
"Ang gwapo naman ni Juyeon ah! Kamuka nung member ng The Boyz!" Nakangusong sabi ni Chaewon.
"Mas gwapo parin si Minho." Nakangiti kong sabi habang inaayos ang mga kalat namin.
"Ate, you sound like you're so inlove with him." Sabi ni Nagyung at tumulong sa akin sa pagliligpit.
"I am. After all, asawa ko naman sya."
They already about how happened to me and Minho. Pero yung kuneksyon ko sa mga Kim at kay Jisung, nakalimutan kong sabihin. They know I am acquainted with our bosses, but they didn't know that I once became a family of them.
Sa susunod ko nalang sa kanila sasabihin at ipapaliwanag.
"Ate, someone's calling you. Baka emergency." Inabot sakin ni Yena ang cellphone ko.
Bumuntong hininga ako nang makilala ko ang numero. Unregistered number. But I am so familiar with the digits and I didn't save it on purpose.
Lumayo muna ako sa kanilang tatlo bago sagutin ang tawag nya.
"Hello?" Panimula ko. Nagsimula na ang mabilis na pagtibok ng puso.
Ang saya saya ko dahil tinawagan nya ako, at the same time, nananakit ang dibdib ko dahil alam ko naman na wala na talaga kaming pag asa.
Kahit subukan ko pang ipaliwanag sa kanya ang sarili ko, kahit na ipaliwanag ko pa sa kanya aaang mga naging desisyon ko noon, hindi nya ako maiintindihan. At okay lang kung hindi nya ako maiintindihan.
"6 PM tomorrow. My house." Malamig na sabi nya at mabilis na binaba ang tawag.
I sighed at halos tayuan ng mga balahibo dahil sa lamig ng boses nya.
I still love him though. Mahal na mahal ko sya at mas nangingibabaw ko. I should be mad at him. Dapat galit ako sa kanya dahil pinabayaan nya ako at hindi binigyan ng chance na magpaliwanag. Nagsisi na din ako. I should be mad at him--- hindi lang sa kanya kundi pati sa mga taong tinuring kong pamilya. Pinabayaan nila ako at hindi pinakinggan.
Pero okay lang. I love them all. Always. So damn much.