++
Hwang Hyunjin'sAhna is not the perfect woman that she seems to be. She's always been composed, mature, straight forward, she knows what she wants and she have an easier way of accomplishing it. However, she's a fractured art and I happen to fall in love with her every broken pieces.
"You don't need me, Hyunjin. Put it this way... I love you but I couldn't imagine myself living the rest of my life with you."
Hindi ko alam kung paano nya nasasabi ang mga bagay na yun.
I don't need her. But I want her so much that it pains me.
She loves me but she can't imagine herself living her life with me. Imaginations won't do it, because we are going to share our realities.
"Seungmin in the building!"
Napatigil ako sa pag iisip nang marinig ang boses ni Seungmin, nilingon ko ang pinto ng bahay ni Changbin at magkasabay silang pumasok nina Felix at Ali.
"Akala ko may gagawin ka?" Tanong ko kay Ali nang umupo sya sa tabi ni Lix.
"Nah, mas importante to. Out of town ba tayo? Saan?"
"Sira. Anong out of town?"
"Ha? Akala ko mag paplano tayo ng bakasyon?"
"What? Anong bakasyon?" Naguguluhang tanong ni Seungmin.
"Mga bata kayo ata ay namali ng pinuntahan!"
"Ano palang gagawin ngayon? Akala ko magpaplano tayo ng out of town?"
"Akala ko naman maglalaro tayong PUBG? Mag aano ba?"
"Lalaro ba tayo?"
Sinamaan ko lang ng tingin sina Ali at Seungmin na hindi ata alam kung bakit sila nagsipunta dito.
Wala naman talaga kaming gagawin. Nag aaya lang itong si Changbin ng inom dahil may gusto daw syang i-share samin. Ewan ko ba, these days, parang problemadong problemado ang kumag na to.
"Inom nanaman?" Bulalas ni Ali na nauna nang umupo sa isang stool sa mini bar ng bahay ni Changbin.
Pinasadya nya talaga ang mini bar na ito. May billiards table din dito, disco ball at speakers.
"Pupunta si Ahna?" Mahina kong tanong kay Changbin nang maupo ako sa isang stool.
"Hindi daw. Nag away ba kayo?"
"Hindi ah... hindi naman ata. Bakit?"
"Pupunta dapat eh, nung nalaman na nandito ka biglang naging busy."
I tried removing her out of my head. Nilunod ko ang sarili ko sa alak at pilit na nakipag sabayan sa mga kwentuhan nila. Pero hindi ko parin talaga maikakaila na maya't maya akong lumilingon sa pinto at nagbabakasakali na bigla syang dumating.
"Dude... I screwed up." Panimula ni Changbin nang kaming dalawa nalang ang matira. Umuwi na si Ali, si Felix naman ay sumama muna kay Seungmin para ituloy ang inuman nila sa Placebo.
"No, that was an understatement. I messed up big time." Aniya at tinungga ang beer mula sa pint glass nya.
"Let me guess... babae ang problema mo ano?"
Humalakhak sya at nag sindi ng yosi. Humithit muna sya sa sigarilyo nya, ibinuga nya ang usok sa hangin at muling uminom ng beer.
"I see, muka ngang in love kang gago ka." I concluded at nag sindi din ng yosi.
Fuck. I never thought beer and cigar can be this relaxing.
"I think I am... pero it doesn't seem right. Hindi ako pwedeng mainlove sa kaibigan ko."
"What the fuck? Sino ba yan? Baka si Ahna yan ha? Mapapatay kitang gago ka!"
"Gago! Hindi si Ahna. Pero hindi ko muna sasabihin kung sino, much better kung hindi nyo na talaga malaman. This is so messed up!"
"Gago ka! Kaibigan natin yan? Si Ali?"
"Gago! Hindi kami talo! Ali's just Ali, kahit mag hubad yun sa harap ko eh hindi ako titigasan."
"What the heck Seo Changbin? Wag mo sabihing si Niroh yan? Mapapatay ka talaga ni Minho!"
"What? No! Hindi si Niroh!"
Hindi si Ahna, hindi si Ali, hindi din si Niroh. Sino pa bang babae ang malapit kay Changbin? Medyo close sila ni Hannah Bang, pero imposible dahil hindi na namin nakikita yung babaeng yun. Sino kaya?
"Siguraduhin mong hindi si Ahna yan ha!"
"Hindi nga si Ahna! At bakit ba ang possessive mo? Boyfriend ka?"
"Tamo sasapakin talaga kita."
"Kung makaakto ka kasi kala mo naman syota mo..."
"Mag hintay ka at makukuha ko ulit yun." Humithit ako sa yosi at binuga sa hangin ang usok.
It feels so wrong. Ayaw na ayaw ni Ahna ng amoy ng sigarilyo kaya tumigil ako noon sa pag yoyosi.
Sana bigla syang lumitaw kung saan at magalit sa akin dahil nagyoyosi nanaman ako. Kagaya noon. Kagaya nung dati.
Pero walang Yang Ahna na dumating para sitahin ang pag yoyosi ko.
"You're drunk... umakyat ka na sa guest room. Ako na dito." Inagaw ni Changbin ang lata ng beer na hawak ko kaya umakyat na agad ako sa guest room kahit na hirapan na ako sa paglalakad.
"Why can't you see that it is my passion? Why would you want me to give up something I love?"
"Noona please... we're getting married. Gusto ko, pag kasal na tayo, hindi ka na rarampa ng naka two piece sa harap ng madaming tao."
"Photographers and designers ang tawag sa kanila! Bakit ba ito nanaman ang pinag tatalunan natin ha?"
"I am just saying na siguro pag kasal na tayo, titigil ka na sa modeling career mo. Maybe... maybe you should try having cooking lessons."
"Cooking lessons? Seriously? You think magiging housewife ako na mag luluto at maglilinis sa bahay tapos huhubadan ka ng sapatos pagkagaling mo sa trabaho?"
"Noona, I'm serious. Pag kasal na tayo---"
"No!"
"What?"
"Pagtatalunan nanaman ba natin to? Napag usapan na natin to diba?"
"I was just thinking that maybe, maybe you should give up the runway after our marriage!"
"Alam mo Hwang Hyunjin, just because I love you doesn't mean I'll give up everything for you. Mahal lang kita... pero madami pa dyang lalaki na pwede kong pakasalan na hindi ako pipigilan sa passion ko."
I was stunned because of what she have said. My breathing hitched and I can feel the constriction of my heart muscles.
"You're being childish again. Kung lagi mong ipipilit ang gusto mo, then maybe we should end this. You know what Jinnie, I love you so damn much but I just can't have you controlling me."