09//
Lee Niroh's"Ate Niroh, gusto mo pong sumama sa My Pace mamaya?" Tanong ni Nagyung habang nag lalapag ng mga gamit nya.
Maaga akong pumasok ngayon. Friday na kaya wala akong duty sa Talker Cafe. Inaantok pa ako dahil alas kwatro ako nagising dahil binabangungot nanaman ako. Hindi na din masama ang dalawang oras na tulog para sa kagaya ko.
"My Pace?"
"Oo ate. Bar po yun. Kasama din po ang iba nating kaklase. Magiging busy na po eh, baka last na gimmick na to dahil magsisimula na ang internship."
"Pasensya na ha? Pass muna, wala akong pera eh."
Ipinambayad ko na ng tuition at renta sa dormitoryo ang perang ibinayad sa akin ni Minho nung isang araw. I asked money from him in exchange for a night. Ayaw nya talaga, lumuhod lang ako sa harapan nya at nagmakaawa. Hindi na sya nakatanggi dahil....
Naibaba ko na ang pantalon nya nun.
Hindi iyon ang unang beses na hiningian ko sya ng pera kapalit ng isang gabi. Nag simula iyon nung nakaraang taon. Mag asawa padin kami sa batas, kasal parin kami kaya wala akong nakikitang mali. Siguro, nasa ikaapat o ikalimang beses na yun.
"Dali na, ate. Sagot naman ni Guanlin lahat eh. Tsaka last na to, di ka pa nakakasama samin."
"Eh kasi---" Wala talaga akong pera at medyo nahihiya din naman ako sa kanila. Magmula nang lumipat ako sa Levanter College ay puro tulong na nila ang bumubuhay sa akin, nahihiya na talaga ako. Wala manlang akong magawa para mabayaran sila sa mga kabutihan nila sakin.
Maliit lang ang kinikita ko sa Talker Cafe dahil limang oras lang naman ang duty ko dun at Sunday to Thursday lang ang ipinapasok ko.
"Ate bawal na tumanggi. Kasama naman kami lahat eh, please?"
"Ah eh... okay."
Friday ngayon at mahilig talaga silang gumimick pag Friday night. May trabaho ako mula Sunday hanggang Thursday at hindi talaga akong sumama sa kanila dahil umuuwi ako sa Mogpo tuwing Biyernes ng gabi dahil bumibisita ako sa puntod ni mama.
"Yun! The best ka talaga!"
"Sasama si Ate Niroh?" Tanong ni Yena.
"Yep!"
"Woah! Buti sasama si ate. Akala ko gagraduate tayo nang hindi manlang sya nakakainom eh."
"Ate Niroh! Lalasingin ka namin!" Sabi naman ni Samuel.
"Si Guanlin naman magbabayad eh, baka nagpadala na ang mayaman nyang lolo!" Nag apir pa si Samuel at Chaewon.
My classmates are nice. Mas bata sila sa akin ng dalawang taon pero nakakasundo ko sila. Masasaya silang kasama at maiingay din. Seryoso sila sa pag aaral pero pag sinabing party ay party talaga pag dating sa kanila.
Naalala ko naman ang mga kaibigan ko noon. Kamusta na kaya sila?
Napailing ako. Ayoko muna silang isipin. Siguradong maganda ang mga buhay nila dahil lahat sila ay nakagraduate sa tamang oras at may mga pamilya pa sila. Mayayaman din sila at paniguradong mga successful na sila ngayon.
"Ate, okay ka lang po ba? Nakatulala ka na po..." Untag ni Nagyung.
"Hmmm, okay lang ako. May iniisip lang."
"Yun nga Ate Niroh, uulitin ko yung sinasabi ko, hindi mo ata narinig eh."
"Hmmm, ano ba yun?"
"Kasi diba magkakaroon ng internship sa Seoul, gusto mo bang sumama sa amin nila Chaewon at Yena sa apartment?"
"Hmmm, sure."
Nagpasa na ako ng resignation letter sa Talker Cafe dahil nga magkakaroon na kami ng internship sa Seoul. Iniiwasan kong mamalagi sa lugar na yun pero wala akong magawa dahil doon kami naka-assign para sa internship namin.
Babalik ako ng Seoul at doon titita for two months. Malamang ay mas mapapalapit ako sa mga taong ayoko ng makita.
Si Seungmin at Kuya Woojin, hindi na kami nag uusap. Magmula nang mamatay si mama, hindi na ako bumalik sa Gwangju at sa apartment namin.
Si Jisung at Jeongin naman, wala na din akong balita.
Pati na kila Changbin, Hyunjin, Kuya Chris at Felix, pinutol ko na din ang kuneksyon ko.
They're all successful now at nahihiya at nanliliit ako sa sarili ko kaya minabuti ko nalang na magtago sa Uljin habang tinatapos ang pag aaral ko.
At si Ryujin naman...
"Pipirma ako ng annulment papers Lee Minho. Ayoko na." Matapang kong sabi nang maabutan kong natutulog si Ryujin sa tabi ng asawa ko.
Hindi ako makapaniwala na nakikita ko ang kapatid ko at ang asawa ko na nakahiga sa iisang kama. Hindi ako umiyak nun, tinitingnan ko lang si Ryujin na pilit tinatakpan ng comforter ang katawan nya.
Tatlong buwan magmula nang mamatay ang baby namin, napapadalas ang pag iinom nya at nagdadala sya ng mga babae sa bahay. Halos lingguhan sya kung mag uwi ng babae. O kung hindi man ay gagamitin nya ako hanggang sa hindi na ako makalakad.
At sa dami nila, naging manhid nalang ako kakapakinig sa ungol nila gabi gabi.
Kasalanan ko kung bakit sya nagkaganun. Imbes na magalit ay naiintindihan ko sya. Nasaktan sya ng sobra dahil namatay ang anak namin.
Nasaktan din ako pero ako naman talaga ang may kasalanan nun. Kung sana ay hindi ko isinekreto sa kanya na nagkaroon ako ng severe bleeding, baka naagapan pa ang anak namin.
"Ate, I- I can explain."
"It's okay Ryujin. I understand." Huminga lang ako ng malalim at tiningnan si Minho.
Truth is, I don't understand her at all.
"Hihintayin ko ang annulment papers. Ayoko na ng ganitong buhay."