++
Hwang Hyunjin's"Sa Seoul ha? Next, next week!" Sigaw ni Kuya Chris bago pinaharurot ang sports car nya.
"Ingat kayo!" Kumaway si Kuya Woojin at umalis na din. May executive suite silang kinuka nila Seungmin at Jisung malapit sa gateway towers ng Uljin at doon sila tutuloy for the next three days.
Pumasok na ako sa kotse ni Minho. Kaming dalawa lang ang uuwi ng Seoul ngayong gabi dahil may mga trabaho pa kami na nag hihintay. Si Jeongin ay uuwi din ng Seoul pero kasama nya ang girlfriend nya.
"So... anong plano mo kay Ahna?" Inistart nya ang kotse at tinunton ang exit ng Uljin.
"Wala. She's a mature woman, after all. Ikaw, anong plano mo sa asawa mo?"
"Annulment?" Humalakhak sya gamit ang paos na boses. Siraulo talaga.
"Nababaliw ka na, Lee Minho."
"Napag usapan na namin to ni Woojin. Sya mismo mag aasikaso ng annulment."
Tahimik lang kami habang binabaybay ang national road pabalik ng Seoul. Madaling araw na kaya wala nang traffic. Ang lakas ng loob naming dumayo ng Uljin para mag inom, eh may mga trabaho naman kami na hindi namin maiwan.
"Minho... sabihin mo nga, tingin mo mahal talaga ni Ahna ang boyfriend nyang yun?"
"I don't... know. Pero siguro oo, papakasalan nya eh. Papakasal ba yun kung di nya mahal, diba?"
"They've met last year lang, tapos kasalan agad? Diba ang bilis naman? Pwede namang mag antay muna ng ilang taon pa bago magpakasal."
"So? Binuntis ko si Niroh nung first anniversary namin." Walang kagatol gatol nyang sabi.
"Eh first anniversary nyo naman yun! Anim na buwan palang ata silang mag boyfriend girlfriend! Kasalan agad!"
"Ano naman? Inaya ko ng kasal si Niroh nung third month namin. Pero natuloy nung buntis na sya." Humikab pa sya at tamad na nagdrive.
"Iba naman kasi yung inyo. Masyado kasing mabilis ang Sangyeon na yun. Six months, seriously? Six months palang pero inaya nya na ng kasal?"
Sumandal ako sa head rest. I sound so frustrated. Buti nalang dahil si Minho ang nakakausap ko tungkol sa bagay na to. He's married, at muntik na ngang magkaron ng anak.
Sya ang pinakang ideal na labasan ko lahat ng hinanakit ko. Mas maiintindihan nya ako kesa kina Kuya Chris o Kuya Woojin na mga virgin pa din ata.
"Di ko nakikita ang point mo, Hwang Hyunjin."
"Ang akin lang kasi... masyado pang maaga para sa kasalan"
"Sabihin mo kasi kung mahal mo pa, hindi yung ako ang sinisigawan mo." Kalmado lang sya habang nagmamaneho. Patawa tawa pa ang loko.
"Hindi sa ganun. Inaya ko din sya ng kasal nun! Pero tinanggihan nya ako! For fuck's sake, dalawang taon na kami nun!"
"Hindi ka pa graduate nun."
"Nung binuntis mo si Niroh, hindi pa din sya graduate!"
"So? Ako naman ang lalaki, ako ang magpoprovide. Alangan namang buntisin mo si Ahna tapos sya pa mag susuporta sa baby nyo kasi nag aaral ka pa."
"Papakasal lang kami. Di ko pa naman sya bubuntisin."
"Madali sabihin, mahirap magpigil. Ano yun? Nagpakasal ka tas di ka tutusok? Eh mas manyak ka pa saking gago ka."
Tumigil kami sa isang gasoline station at dun lang ako tumigil sa kakarant. Ewan ko ba dito kay Minho! Pwede namang kampihan nya nalang ako! Pero syempre di yan kakampi sakin dahil gaya nga ng sabi nya, maaga nyang inaya ng kasal si Niroh at maaga nya din itong binuntis.
"Oh." Inabutan ako ni Minho ng isang mainit na kape mula sa vendo. Itinabi nya ang sasakyan at mukang magkakape muna kami bago dumiretso sa Seoul.
"So mahal mo pa nga?"
Tumango lang ako. Mahal na mahal pa letse!
"Masama ba ako kung gusto kong sakin lang sya habambuhay?" Tanong ko habang nilalaro ang lid ng disposable coffee cup.
"Masama ba ako kung... gusto kong agawin si Ahna?"
"Alam kong ang isip bata pero... nagseselos talaga ako sa Sangyeon na yun." Bumuntong hininga ako at frustrated na ginulo ang buhok.
"Nung umalis si Gi sa bahay---"
"Gi?"
"Si Niroh."
"Ah..."
"Nung umalis sya sa bahay... doon lang ako natauhan sa mga katarantaduhan ko sa kanya. Sinisi ko sa kanya ang pagkamatay ng anak namin..."
"Pero sabi nung doktor, kaya daw sya pumirma non dahil... mamamatay sila pareho ng baby kung patatagalin pa."
"Hindi ko alam nun na may problema din sya sa pamilya nya. Wala akong kaalam alam. Si Woojin lang ang nagsabi sa akin two years ago..."
"Hindi ko nun alam na... nahihirapan din sya. Ang iniisip ko lang nun ay ang anak namin na nawala."
"Tatlong taon na. Sa loob ng tatlong taon na yun... pinagsisihan ko na lahat. Kaya hirap na hirap akong humarap sa kanya."
"Pag kaharap ko sya, lagi ko lang syang nasasaktan. Nagkukusa lagi ang mga kamay ko na saktan sya, lagi ko syang napagsasalitaan ng masama..."
"Gusto ko na ngang lumayo ng tuluyan sa kanya eh. Pero mahirap... kasi gusto ko syang nakikita. Kahit na alam kong nasasaktan sya sa tuwing nagkikita kami..."
"Bakit mo sakin to sinasabi?" Naguguluhan kong tanong.
"Yung annulment... hindi yun dahil sa hindi ko na sya mahal. Yun ay dahil sa... gusto ko nang makalaya si Niroh. Gusto ko nang palayain sya ng tuluyan... kasi unti unti ko na syang napapatay."
"Sana ganun ka din kay Ahna. Pasensya na ha? Alam kong mahal mo sya, pero kung ikakasal na sya sa iba at ayaw nya na talaga sayo, wag mo na ipilit. Kilala ka namin, alam naming nagpaplano kang agawin si Ahna sa boyfriend nya."
"Masasaktan mo lang sya, Hyunjin. Baka nakakalimutan mo, may girlfriend ka na..."
"I don't have a girlfriend."
"Meron o wala, ikakasal na si Ahna. Sinasabi ko to sayo bilang kuya mo... palayain mo na si Ahna. Kung kayo, edi kayo. Pero baka hindi pa sa ngayon..."
He sighed. Inistart nya na ulit ang kotse at nagpatuloy na kami sa byahe hanggang Seoul.
Hanggang makarating kami sa Seoul ay hindi na kami nag imikan. Sa opisina na ako nagpahatid dahil malapit na din naman mag umaga. Si Minho ay sa opisina nya narin didiretso.