++

50 1 3
                                    

++
Lim Ali's

"Ayaw talagang sumama eh..." Bungad ni Jisung nang magkakasabay silang pumasok nina Jeongin at Seungmin sa Placebo.

Umupo sila sa kabilang couch at binati si Changbin at si Ate Ahna na girlfriend ni Hyunjin.

"Bakit ayaw? Akala ko wala syang lakad?" Tanong ni Kuya Woojin na naghahalo ng mga alak.

"Naku, nag kukulay ng kuko, alam mo naman yun, obsessed sa kuko nya." Sagot nung si Seungmin na kapatid daw ni Kuya Woojin.

"Pero pinautang nya kami ng five kyaw hehe..." Masayang sabi ni Jeongin, ngiting ngiti sya at kitang kita ang braces nya.

Ang cute shet!

"Wala si Nini?" Tanong ni Hyunjin.

"Ayaw sumama, busy sa kuko nya."

"Sus, di talaga yun sasama. Arte arte nun eh. Mas gusto pa nun tumitig sa kuko nya kesa makita tayo!"

"Nagsikain na ba kayo? Papadala akong pagkain." Sabi ni Kuya Woojin.

"Okay na kami kuya, nagluto naman si Nini kanina."

"Buti naman..."

I don't really know why I'm here. Kasama ko kanina sina Yedam, Yuna at Onda pero mukang lumipat sila sa Matryoshka. Inaya lang ako ni Hyunjin dito sa table nila ng mga kaibigan nya.

Kakilala ko din naman sila dahil sa Yellow Wood University din sila nag aaral at nakilala ko na sila through common friends.

"Naku tol, ayaw daw sumama eh. Paano na yan?" Bulong ni Kuya Woojin dun sa kaibigan nila na nagwewaiter sa bar. Kakilala ko sya. Sya si Lee Minho ng engineering department.

"Sayang naman..."

"Next week nalang, isasama ko na talaga promise. Gusto mo sunduin ko ngayon?"

"Nge, wag na tol. Nakakahiya sa pinsan mo eh..."

"Para kang sira. Torpe ka ba?"

"Gago hindi ah! Nakakahiya lang kay Niroh kung susunduin mo pa sya para sakin."

"Kulit mo kasi, nung isang taon ka pa Niroh ng Niroh, naririndi nako. Obsessed kang demonyo ka."

"Siraulo!"

Sinapak muna sya ni Kuya Minho bago ito bumalik sa bar counter para mag hatid ng mga alak sa mga table.

Now I'm really confused. Sa pagkakaalam ko kasi ay girlfriend ni Kuya Minho iyong si Shin Ryujin na anak ng mayor? Pero bakit parang interesado din sya kay Ate Niroh?

Well, when it comes to looks, Ryujin is really attractive. Maaliwalas ang muka nya at maganda talaga sya, kaya lang ay medyo boyish. Total opposite nung si Shin Niroh na kung makapag skirt eh halos kita na ang kaluluwa. Napakasungit pa.

"Uy Ali, mag hi ka naman daw kay Jeongin!" Sabi ni Changbin, ay hindi, sigaw nya pala.

Tiningnan ko si Jeongin. "Hehe..."

Kinilig talaga ako dahil ang cute cute nya. Pero syempre, umirap ako sa kanila. "Heh! Pakialam ko dyan?"

"Sungit talaga. Kaya walang nagkakagusto sayo eh!" Sabi ni Hyunjin na kanina pa minamanyak yung syota nya na sa pagkakaalam ko ay mas matanda sa kanya.

"Si Iyen ah--- ay potek!" Sumimangot si Changbin at binatukan si Jeongin.

Madalas talaga kaming asarin ni Jeongin. Kahit saan kami dalhin, ship talaga kami. Madami din ang nagsasabi na crush nya ako at bagay na bagay kami. Truth is, crush ko din naman sya.

Inaantay ko na nga lang na ligawan ako nan eh. Anyway, baka torpe sya. Eh handa naman akong mag hintay, so yun, kuntento na ako sa MU-MU.

"Ali, ano daw tipo mong lalaki sabi ni Jeongin?" Tanong ni Changbin.

"Hehe..."

"Ano bang type mo? Yung mga cute gaya ni Iyen?"

"No! Ayoko ng cute."

Shet! Syempre gusto ko! Pero dahil nga nasanay na akong mag taray kay Jeongin ay hindi ko na talaga naiwasan na tarayan sya.

Jeongin is really cute. He smiles a lot and he's really adorable. Pero pag seryoso sya at tahimik, which is really rare, sobrang gwapo at sobrang manly nya naman.

"So ano ngang type mo?"

"Dali na, baka si Iyen yan!"

"Gusto ko ay mas matanda sakin. Gusto ko magaling kumanta at magaling mag english. Gusto ko din gwapo! Tsaka manly at responsible. Ayoko ng mga bata! Gusto ko forenjer!"

"Wow, si Kuya Chris ba yan o si Kuya Woojin?"

"Siraulo!"

"Sayang naman to si Jeongin, di mo pala type, daks kaya to."

What the hell?

D-daks?

"Kuya Bin naman... hehe."

"Ang lamog---"

Napatigil ako sa pagsasalita nang  biglang dumating si Kuya Chris na may dalang gitara. Si Kuya Chris--- kakilala ko na sya mula noon pero hindi kami close dahil hindi naman malapit ang edad namin. Si Kuya Woojin naman, nakilala ko na noong elementary pa ako pero ngayon ko lang nakaclose.

We hang out once in a while but we're not friends. Nakakasama ko lang naman ang mga mga ito dahil sa common friends eh.

"Parang narinig ko ang pangalan ko ah?" Umupo sya sa tabi ni Hyunjin at kinalkal ang gitara nya.

"Eh type ka pala ni Ali eh." Humalakhak si Changbin kaya inirapan ko sya.

Baliw talaga yan. Ewan ko kung paano ako nagkaron ng kuneksyon sa taong to. Napaka ingay, napaka lamog, napaka lakas mang asar.

"Gago." I muttered at hindi nalang pinatulan ang pang aasar nya.

Tumahimik nalang ako habang pinapanuod silang mag inom at mag tawanan. Maya maya naman ay tinawag na sa stage si Kuya Woojin at si Kuya Chris. Tumutugtog sila dito at sikat talaga sila sa mga babaeng customers.

"If I don't say this now I will surely break,
As I'm leaving the one I want to take
Forget the urgency but hurry up and wait,
My heart has started to separate..."

Naunang kumanta si Kuya Chris. Tuwang tuwa naman ang mga babae at talagang kilig na kilig. Sus, para yun lang. Mas magaling kaya si Kuya Woojin at Seungmin.

"Oh, oh, oh
Oh, oh, oh
Be my baby
Oh, oh, oh
Oh, oh, oh
Oh, oh, oh
Be my baby
I'll look after you..."

Puro tili ang naririnig ko. Ngayon lang ba sila nakatagpo ng dalawang lalaking gwapo na magaling kumanta?

"Oh, oh, oh
Oh, oh, oh
Be my baby
I'll look after you..."

Lumipat ang tingin sa akin ni Kuya Chris nang patapos na ang kanta.

"I'll look after you..." Natapos ang kanta pero nanatili akong nakatitig sa entablado. I saw him waving at her fan girls. Sus, yabang.

"Ali hehe... para sayo oh." Natigil ako sa pagtitig nang kulbitin ako ni Jeongin. Inabutan nya ako ng isang baso ng juice kaya todo kilig ako pero di ko pinahalata.

Shet ang cute nya talaga.

--

Anyway, ito ay nangyari nung chapter 1 nung first book. Nung nasa Placebo na sila. Oke? Pero wala nun si Niroh dahil nga nagkukulay sya ng kuko.

Impurities | Lee KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon