12//
Lee Niroh's"Sigurado ka bang hindi mo ito ipapaalam sa pamilya mo sa Gwangju?" Tanong ni Dr. Yang habang nakasilip sa pinto ng morgue.
"Hindi na po. They hate us after all, kaya po naisip ko na wag na sabibin." Inabot ko sa kanya ang mga dokumento na ipinadala ng mga Kim. "Kayo na po sana ang bahala dyan, hindi ko po alam kung paano ko maaasikaso ang mga yan."
Divorce papers. My lola died last, last week at hindi manlang ako nakauwi sa Gwangju dahil nakaconfine ako for two weeks. Nang mailibing si lola ay nagpadala agad sila ng divorce papers. Hindi ko na nasabi kay mama ang tungkol dun dahil nagkaroon ng kumplikasyon ang medication nya.
She died without knowing na gusto nang makipaghiwalay ni papa sa kanya.
"Doc, one last thing, pwede nyo po ba akong matulungan na maipalibing si mama sa Mogpo? Doon po kasi sya pinanganak."
"Ako na ang bahala dun, hija. Matulog ka na muna. I know your mom is proud of you. Malakas ka at matapang, you can survive this."
Umikot ang paligid at mabilis na nagbago ang laman ng panaginip ko. I found myself standing in the middle of Yellow Wood University's gymnasium.
"Seungmin!"
"Nini! Papunas ng pawis!" He smiled at me at inabutan ako ng towel.
Pero imbes na punasan sya ng pawis ay niyakap ko sya habang umiiyak. I missed him so much and if dreams are the only way to hug him and be with him then I want to sleep some more.
"Hoy Ni, bakit ka nangyayakap? Papunas ng pawis."
Napabalikwas ako ng bangon at naghabol ng hininga. Nasa bus pa din ako pabalik ng Uljin. Alas otso pasado na pala at hindi ko na namalayan na nakatulog ako sa byahe.
Sumandal ako sa salamin habang inaalala si mama. Napaginipan ko nanaman sya. Hanggang ngayon, hindi ko alam kung nalaman na ng mga Kim na patay na si mama. Hindi ko na sila sinabihan noon na patay na si mama, I don't think they'll listen to me.
Siguro by this time... alam na nila. Baka nabanggit na si Dr. Hyunsuk.
"Don't tell them about my condition. At kung sakali man na mamatay ako... sana makahanap si Junho ng bagong asawa." Iyan ang sinabi ni mama sa akin nung araw ng huling therapy nya.
Sinubukan kong sabihin kay Seungmin pero masyado syang galit sa akin at ayaw nyang makinig.
I missed them. A lot. Pero wala akong magawa.
"Have you heard? Nasa Uljin na daw yung mag o-orient satin?" Balita ni Nagyung na masayang masaya ngayon dahil naipadala na daw ng tatay nya ang pera na pambayad sa internship fee.
"Talaga? Edi mas mapapaaga ang punta natin sa Seoul?"
"Yep, yun ang narinig ko eh. Baka daw mag advance tayo ng one week dahil isesettle daw ang lodging. Libre na daw ng firm ang tutuluyan eh."
"Wow? Talaga? Edi sulit pala ang internship fee natin!"
Nakinig lang ako habang nag uusap sila. Naibayad ko na sa treasurer ang pera na hiningi ko kay Minho. Mabuti naman na sagot na ng firm ang lodging namin. Mas mahal kasi ang mga apartments at dorms sa Seoul, halos triple ang presyo doon kumpara dito sa Uljin.
Magtetake na kami ng midterm examinations next week at baka sa susunod na linggo ay pupunta na kami sa Seoul. Kinakabahan ako dahil natatakot akong bumalik sa lugar na yun, pero wala akong magagawa kundi harapin to.
"Excited na talaga akong lumipat sa Seoul at maging malaya!" Humagikhik lang si Yena.
"Ako din noh! Mag iimpake na ako ng mga gamit ko sa weekends."
"Ate Niroh, diba sa Seoul ka nakatira dati?" Sabi ni Chaewon.
"Ahhh, ganun na nga." Ngumiti lang ako sa kanila.
Wala silang alam tungkol sa naging buhay ko sa Seoul at Gwangju. Wala akong pinagsabihan na kahit sino. Ang alam lang nila ay ako si Lee Niroh, nakatira sa Seoul dati at lumipat sa Uljin para magpaka independent.
"Buti kasama natin si Ate Niroh, di tayo maliligaw. Ang laki laki ng Seoul eh."
"Sa Glow District daw po ang location ng firm eh at yung tutuluyan natin eh."
"Glow District?" Gulat kong sabi. Malapit lang sa Yellow Wood at District 9 ang lugar na yun.
"Bakit ate? Maganda ba dun?"
"Hmmm, maganda naman. Ayos lang."
"Excited na lalo ako." Pumalakpak pa talaga si Nagyung.
"Palibhasa sa Seoul din mag iintern ang jowa mo eh!" Pabirong umirap si Yena.
"Eh ano naman? Hili ka lang palibhasa nasa Jeju ang boylet mo eh!"
Ngumiti lang ako habang nakikinig sa kanila. Nag asaran na si Nagyung at Yena. Si Chaewon naman ay nakikisabat lang sa kanila. Sa Chuncheon daw mag iinternship ang boyfriend ni Chaewon, malapit lang yun sa Seoul kaya hindi sya masyadong bothered.
"Basta ako mag iimpake na ako agad!" Sabi ni Chaewon.
"Mamili muna tayo ng damit sa weekends! Baka maubusan tayo ng isusuot noh!"
"Ya! Wala na kong pera! Ibinayad ko na!"
"Edi wag ka sumama! Ikaw Ate Niroh, sama ka?"
"Pass muna."
Tsaka hindi ko naman kailangang mamili ng damit. Lahat ng damit ko na mga mamahalin at signature ay naiwan ko sa Gwangju at sa apartment. Bago daw umalis ng apartment sila Seungmin at Jisung, iniwan nila kay Tita Chai ang lahat ng gamit ko. Si Jeongin kasi ay lumipat sa apartment ni Bang Yedam nung nakagraduate na yung dalawa.
Kukunin ko nalang kay Tita Chai ang mga gamit ko dun. Tsaka may mga gamit pa ako sa bahay ni Minho, kukunin ko na din bago pa kami tuluyang maghiwalay.
"Ate Niroh, okay ka lang po?"
"Uh, yep." Pilit akong ngumiti at pinunasan ang tumakas na luha.