++
Hwang Hyunjin's"Nasan ang mga kaibigan nating abogado? Mga wala na bang pera?" Humalakhak si Changbin at umupo sa isang couch. Puno ng ginto ang leeg nya, muka syang mayamang sugar daddy sa itsura nya ngayon.
"Gago, madaming ginagawa ang mga yun." Inabutan sya ni Kuya Chris ng isang lata ng beer at nagsimula na kaming mag inuman.
"Diba nasa Uljin din yung tatlo? Bat di pa sumama satin? Ang KJ ah! Sayang ang byahe ko mula Japan kung di sila sisipot."
"Siraulo ka. Madaming ginagawa ang mga yun... sa Seoul na tayo magkita kita pag okay na lahat. Para makasama din si Lix at... Minho." Bumuntong hininga si Kuya Chris at tinungga ang hawak nyang isang shot ng tequila.
"Hindi pa ba nakikita si Niroh?" Tanong ko kay Kuya Chris na kanina pang pinagbubulungan nung mga babae mula sa kabilang table.
"Di pa nga daw. Kaya nga nandito sa Uljin yung tatlo eh, pupuntahan daw dun sa pinapasukan."
"Alam naman pala nila kung nasan si Niroh eh, bat di pa nila iuwi?"
"Tanga ka ba Seo Changbin? Syempre di ganun kadali yun, magulo ang pamilya nila ngayon!"
Umiling iling nalang ako. Halos tatlong taon na nawala si Niroh. Akala nila Kuya Woojin ay maayos itong namumuhay sa puder ni Minho pero ang gagong yun, nilayasan pala ng asawa nya.
Last week lang namin nalaman ang tungkol sa nangyari sa mag asawa na yun. Bago kami magkahiwa-hiwalay ay maayos naman silang dalawa, kaya hanggang ngayon di parin ako makapaniwala na namatayan sila ng anak kaya nagkaganun si Minho.
Pero ang problema sa pamilya ng mga Kim at ni Niroh, matagal na naming alam. Naikwento na yun ni Kuya Woojin noon, ang hindi lang namin alam ay iniwan pala ni Niroh itong si Minho dahil napakagago ng putang ina.
Buti nga pinakasalan sya eh.
"Nga pala, nasan si Iyen? Akala ko isasama yung syota nya?"
"Papunta na yun... baka natraffic lang."
Bumyahe pa talaga kami mula sa Seoul hanggang dito sa Uljin para sumunod dun sa tatlo, kina Kuya Woojin, Seungmin at Jisung, na hinahanap daw si Niroh. Si Changbin naman, umuwi galing Japan para daw makipag kita samin at makapag bakasyon na din.
At para na din sa kasal ng bestfriend nya. Si Ahna Yang.
Humilig ako. Ayoko munang isipin.
"Tanggala si Yang Jeongin, nag text! Nasa My Side Pub daw sya! Napakabobo, sabing sa My Pace pumunta!" Tumayo na agad si Kuya Chris at naglapag ng sampung libo sa ibabaw ng table namin.
Mabilis kaming naglakad palabas ng My Pace Pub para lumipat sa My Side nang biglang tumigil si Changbin sa paglalakad.
"Hoy baba, lakad na aba!" Tinulak ko sya pero di sya gumalaw, tumuro sya dun sa table na malapit sa pwesto namin kanina.
"Tanga ka, mga college lang yan. Pedophile ka ba?"
"Gago! Tingnan mo kasi! Si Niroh yun diba?"
Hinanap ko ang tinuturo nya at nakita ko ang isang babae na nakaupo sa may isang sofa habang nakikipag usap sa mga kasama nya. Mahaba ang buhok nya at hanggang baywang halos, may suot syang salamin, petite ang pangangatawan at sobrang puti ng balat.
"Gago! Ang layo layo nan kay Niroh! Tara na nga!"
Hinigit ko na sya palabas ng My Pace. Hindi yun sa Niroh. Chubby si Niroh, at hindi yun tumatagay gamit ang baso na nagamit na ng iba.
"Tange kayo, si Niroh yun!"
"Sira! Sobrang layo ng itsura! Lasing ka lang ata eh!"
Kinaladkad namin sya papasok sa My Side at mabilis naming nakita ang table kung nasaan si Jeongin, isang babae na matangkad at mahaba ang buhok, si Kuya Woojin at si Minho.
"Tangina mo ka! Sabi ko sa My Pace! Hindi sa My Side!" Binatukan agad ni Kuya Chris si Jeongin.
"Kuya naman... pinapahiya mo ako sa girlfriend ko." Hinawakan ni Jeongin ang kamay ng babaeng katabi.
She's beautiful. Nakangiti sya at muka din syang mabait. Mukang inosente, and she's wearing decent clothes too.
"This is Jo Yuri, my girlfriend..." Pagpapakilala ni Jeongin sa girlfriend nya.
"Hayop! Nauna ka pa sakin ah!" Ginulo ni Changbin ang buhok nya at kinantyawan.
Nagsiupo na muna kami at nag order ng mga buckets. Pinasadahan ko ng tingin ang mga kaharap ko. It's been a while. Nakikita ko pa din naman sila sa Seoul pero bihirang bihira na. Lahat kami ay may kanya kanya nang buhay.
Si Kuya Chris, nasa Australia ang kumpanya na pinapatakbo pero nasa Seoul sya parati.
Si Kuya Woojin, Seungmin at Jisung, nagmamanage ng dalawang branch ng law firm ng mga pamilya nila.
Si Minho, may sarili naring engineering firm.
Si Changbin, may cruise ship line sa Japan.
Si Felix, may sariling publication company na may mga partnership sa malalaking universities.
Si Jeongin naman, nag sisimula palang sa career nya.
At ako, sinalo ang business ng tatay ko.
"Kamusta?" Awkward na sabi ni Changbin. "Bat ang tahimik natin? Magkakaaway ba tayo?" Tumawa sya at lumaklak sa beer nya.
"Akala ko ba pupunta din yung dalawang babae?" Tanong ni Kuya Chris.
"Sus, busy daw si Ahna sa preparation ng kasal nya. Si Ali naman, ayaw daw pumunta dahil wala si Ahna."
Napayuko nalang ako.
Idineretso ko sa bibig ko ang isang shot ng tequila.
Isa pang shot.
At isa pa.
"Hoy, wag kang magpakalasing. Di ka makakauwi ng Seoul sinasabi ko sayo." Inagaw ni Kuya Chris ang shot glass na hawak ko.
"Wala akong dalang kotse, sasabay nalang ako kay Bin."
"Sira, sa Daegu ako didiretso."
"Sakin ka na sumabay..." Sagot ni Minho na hindi manlang tumingin sa akin. Nilalaro nya lang yung shot glass nya.
"Uuwi kang Seoul? Pano si Niroh?"
"Nagkita kami nung isang araw..."