35//
Lee Niroh's"Oh my gosh! Did you see her blonde hair? So fake! At yung nails nya, sobrang baduy ng kulay!" Kanina pa naghihisterya si Ali sa backseat ng kotse ni Minho.
At kanina pa nya nilalait ang girlfriend daw ni Jeongin na Yuri ata ang pangalan.
"Babe, can you pass me the juice and ice? Pwe! Nasa harap nya naman, pinapaabot nya pa kay In." Pagpapatuloy ni Ali.
Hindi sya lasing. Pero kung makapang trash talk sya sa girlfriend ni Jeongin, daig nya pa ang nag gagalas.
Tahimik lang na nagdadrive si Minho at pinabayaan nya nalang si Ali na maglabas ng selos at hinanakit sa backseat. Wala namang mali sa girlfriend ni Jeongin, maganda ito, matalino at mabait din naman.
Pero syempre, pag ang babae nagseselos, madami yang lalaitin at gagawa yan ng paraan para may malait.
"Bwisit na lalaki yun! Di pa daw ready mag girlfriend tapos pagkaalis ko ng Korea, nagkajowa agad!"
Napailing nalang ako dahil sa ingay ni Ali. Sobrang tahimik nya kanina sa Placebo magmula nung dumating si Jeongin at ang girlfriend nito. Nakipag tawanan pa sya dun kay Yuri kaya akala ko wala lang sa kanya.
Pero heto sya ngayon at nagwawala.
"Salamat sa paghatid!" Ibinalibag ni Ali ang pinto ng kotse at pareho kaming napatalon ni Minho dahil sa gulat.
Dire-diretso syang pumasok sa entrance ng condo at ramdam ko ang bigat ng bawat hakbang nya.
"Ang tahimik mo..." Humawak si Minho sa bandang hita ko sa kalagitnaan ng pagmamaneho nya sa main road ng Seoul City. Madaling araw na kaya mangilan ngilan nalang ang mga sasakyan na nasa kalsada.
"Wala... may iniisip lang ako."
"Si Ahna at Hyunjin ba?"
Naunang umuwi si Hyunjin kanina, ala una palang ay umuwi na sya. Si Ahna naman umuwi nung alas dos kasama si Atty. Sangyeon.
Si Ali naman ay sumabay sa amin dahil ayaw nya ng makita si Jeongin at ang girlfriend nito. Naiwan sa Placebo sina Changbin, Kuya Woojin, Kuya Chris, at si Jeongin na kasama ang girlfriend nito. At ang iba ay nag uwian na.
"Yeah... di ka ba nanghihinayang sa kanila?"
"Kung mahal naman ni Ahna si Sangyeon and vice versa, wala na tayo dung magagawa... tinanggap na yun ni Hyunjin." He squeezed my thighs.
Kinuha ko ang kamay nya at sinalat salat ang kagaspangan nito. I've always loved his hands. Hindi ako magsasawang hawakan ito. This is the same hand that abused and hurt me, but I don't give a shit.
"Sayang kasi eh..."
"Kung dadating yung araw na hindi mo na ako pipiliin, tatanggapin ko yun kahit mahirap. Yun ang ginagawa ni Hyunjin ngayon, suportahan nalang natin."
I love this man. And I will choose him over and over, I will choose him for always. And whatever happened back then, handa akong kalimutan yun dahil mahal ko sya.
Malaki ang tiwala ko kay Minho. Sobra sobra ang pagtitiwala ko sa kanya.
"Nandyan na ba ang mga kasama mo?" Tanong ni Minho nang pumarada ang sasakyan sa tapat ng dormitoryo.
"Wala pa siguro."
"Sasamahan na kita, tsaka ako aalis pag nandito na sila."
"W-wag na. Kaya ko naman."
"Let's go."
Nauna pa talaga sya sa pagpasok ng building. Nakipag batian sya dun sa security guard at hindi ko alam kung paano sila naging close.
"Saan ang kwarto mo?"
"Hindi ako solo. Apat kami sa isang kwarto."
"Where?"
Pinapasok ko sya sa kwarto naming apat. Hindi ko alam kung tama ba na papasukin ko sya dito. Apat kaming babae na nakatira dito, lalaki si Minho at hindi din naman sya parte ng firm.
Although kaibigan naman sya nila Kuya Woojin. Aish, di ko talaga alam. Baka magalit yung tatlo pag nalaman nilang may lalaki akong pinapasok sa kwarto namin.
"Ang daming nagbago nung... nakaraang tatlong taon." I guess he wanted to have a wholesome conversation.
"Gi... buti hindi ka nagbago."
"Ha?"
"Come here."
"Ayoko. Mabigat ako."
"Mabigat ka? Eh ang payat mo nga."
Hinigit nya ako at napaupo ako ng tuluyan sa mga hita nya. Nagtakip ako ng muka dahil hindi nya naman ako kinakandong noon.
Akala ko ba gusto nya ng seryosong usapan?
"Amoy alak ka." Sabi ko para maitago ang hiya ko.
"Gi..."
"Hmmm?"
Amoy alak talaga sya. Pero hindi naman mabaho. Ang bango bango kaya nya lagi. I love the scent of his raw masculinity.
"Thank you."
"Hmmm? Para san?"
"Kasi lagi mo akong pinipili. Kasi kahit sinasaktan kita, inuuwian mo parin ako. Kasi... mahal mo ako sa kabila ng mga katarantaduhan ko."
"Oo na. You're welcome. Ibaba mo na ko."
"Nahihiya ka ba sakin?" Tumawa sya gamit ang paos nyang boses at sumandal sa braso ko.
Hindi ako nagsalita. Nanatili kaming tahimik sa loob ng ilang minuto nang bigla syang magsalita ulit.
"I love you, Niroh..."
"Alam kong sobrang gago ko noon. Akala ko... hindi mo na ako uuwian at kakausapin ulit. Akala ko, hindi na natin maaayos to."
"Tumigil ka na nga. May kasalanan ako nun kaya wag mong saluhin lahat. Kalimutan nalang natin yun, diba nga sabi mo, magsisimula ulit tayo?"
"Hmmm. I'm sorry. Mahal na mahal kita. Wag mo na ulit akong lalayasan."
"Hmmm. Promise."
And then I promised myself, that whatever happens, I won't leave him until he asked me to.
"You've grown a lot. I'm so proud of you, Gi."
Siguro iisipin ng iba na katangahan na itong ginagawa ko. Pinili ko parin si Minho kahit sinaktan nya na ako noon sa lahat ng paraan na pwedeng masaktan ng lalaki ang babae.
I have experienced heaven and extreme happiness with him. And everything else cannot compare to what he made me feel and experienced.
"Pagod ka na?"
"Nope. Antok lang dahil sa alak."
Humiga kami sa may kama ko at hindi ko namalayan na nakatulog na kami sa kakahintay dun sa mga dorm mates ko.