++
Lim Ali'sJo Yuri.
She seems nice. Her hair is blonde and shiny, pouty lips, she's also petite and her body is in its perfect proportion. She is kind of reserved, mahinhin sya kumilos at magsalita at limitado ang mga galaw nya.
"She's like the total opposite of you, Ali." Mahinang sabi ni Ahna nang umupo sya sa tabi ko.
"I know. Di mo na kailangang sabihin yun." Hindi ko na naitago ang inis sa boses ko.
Wala manlang nagsabi sa akin na may girlfriend na sya. Maski sya, hindi nya sakin sinabi. Halos araw araw kaming nag uusap sa Skype pero hindi nya manlang sinabi ang tungkol sa girlfriend nya.
Kung alam ko lang na may girlfriend sya, sana natulog nalang ako nung mga gabing napupuyat ako kakareply sa mga chat nya.
"Loosen up, gusto mo bang mahalata nya na affected ka?"
"I am not."
"Yes you are. Tingnan mo nga, everyone seems happy dahil nagkasama sama ulit tayo, tapos ikaw para kang napapalibutan ng itim na usok."
"Hindi nga kasi ako nagseselos eh."
Tinawanan lang ako ni Ate Ahna kaya nilayasan ko sya. Lumipat ako ng pwesto at doon ako umupo sa tabi ni Ate Niroh na medyo tahimik kumpara sa iba.
Nagbubulungan lang sila ni Kuya Minho at paminsan minsan ay nakikipag usap sya sa iba.
"Paupo ha." Sabi ko lang at umupo sa tabi nya. Umayos sya ng upo at humarap sa akin, tumalikod sya kay Kuya Minho na mukang nakainom na din.
"Hindi ka umiinom?" I asked her nang mapansin kong juice ang laman ng baso nya.
"Uh, hindi eh."
"Naku, uminom ka na. Wag kang masyadong sumunod dyan kay Kuya Minho." Sabi ko at inabutan sya ng lata ng beer.
"Wag na, Ali. Ayoko din kasi ng hangover eh."
"Sure ka? Baka masyado kang pinagbabawalan ni Kuya Minho ha?"
"No, hindi na talaga ako ang iinom."
"Okay, ayaw mo eh."
Binalik ko sa bucket ang beer at nakipag usap nalang kay Ate Niroh. Tumigil sya sa pag iinom noong unang beses na may mangyari sa kanila ni Kuya Minho. At hanggang ngayon ata ay hindi na ulit sya nag inom.
Ang laki na ng pinagbago nya. She looks so mature now at nag iba din ang aura nya. Sobrang taray ni Ate Niroh noon, matapobre at laitera. Pero bumait sya ng husto dahil gusto nyang maging mabuting girlfriend ni Kuya Minho.
"Hi Ali!" Nag angat ako ng tingin sa babaeng malawak ang ngiti sa akin. Ano naman kaya ang kailangan ng babaeng to?
"Oh, ikaw pala!" Ngumiti ako ng pilit. Hindi naman madami ang nainom ko, siguro naman hindi ako mag gagalas ngayon.
"Can I sit here?" Umisod ng kaunti si Ate Niroh kay Kuya Minho at mabilis naman na umupo ang babaeng to.
She's really nice. Mabilis nyang nakasundo ang mga kaibigan namin at wala naman talaga syang attitude problem. Magaling syang makisama at kumportable ba agad sa kanya ang iba.
Pero ayoko sa kanya para kay Jeongin.
"Umiinom ka pala..." Sabi nya habang nakatitig sa bote ng beer na hawak ko.
"Yep, konti lang naman. Ikaw, di ka umiinom?"
"No. Ayoko sa lasa ng alak..."
Eh sino bang may gusto? Kahit naman nag iinom ako, di naman ibig sabihin nun na gusto ko na ang lasa ng alak noh.
"Ah talaga?" I know it sounded so sarcastic but I just couldn't help it.
"Anyway Ali, I've heard na college classmates kayo ni In..."
"So?"
Hindi ko lang talaga mapilit ang sarili ko na maging mabait sa kanya at maging kaibigan nya.
Ayoko sa kanya dahil girlfriend sya ni Jeongin. Kung nameet ko sya under a different circumstance, malamang ay naging kaibigan ko sya.
But she is Jeongin's girlfriend, so I have to hate her dahil nasa kanya ang taong gusto ko.
"Pwede mo ba akong kwentuhan tungkol sa college days nyo? Alam mo kasi, hindi masyadong makwento si In eh..."
Humarap sya sa akin at humawak sa braso ko na para bang close kami.
Hindi ko naman sya bati noh!
"Pretty please, Ali? Gusto ko talagang mas makilala pa si Jeongin eh... after all, we're friends naman, diba?"
"You know what Yuri... we're not friends." Matalim kong sabi sabay inom ng beer.
"Ang funny mo pala!" Humampas sya sa braso ko at tumawa ng mahinhin. "Dali na, magkwento ka na kasi."
"Ano bang gusto mong ikwento ko?"
"Yung college days nyo, yung mga memories ganun..."
"Wala naman akong masyadong maalala nung college eh."
"Hindi ba kayo masyadong close ni Jeongin noon?"
"Not really. Nung hinalikan nya ako nung after party ng Sports Fest sa university na pinapasukan namin, nagkailangan na kami." Walang gatol kong sabi.
That was my first and last kiss tapos ay lumipat ako sa ibang bansa.
Muka syang na-offend at hindi na nakapagsalita kaya dinagdagan ko ang litanya ko.
"Though I can't say if he's a good kisser ha? First ko sya at first kiss nya din ako eh... tsaka he's wearing braces dati so lasang bakal yung halik." Humalkhak lang ako ng mahina dahil sa pinagsasabi ko.
"What?" Hindi maipinta ang muka nya, nakasimangot sya at kitang kita ko na na-offend sya sa kwento ko.
Para yun lang eh?
"Oh, di mo narinig?" Tumawa ako ng mahina. "Sabi ko, hinalikan ako ni Jeongin nung college..."
"Uy, don't get offended ha? Matagal na yun noh." Sabi ko at humawak sa braso nya.
"Na-offend ba kita?" I asked.
"No, o-okay lang ako..."
"Good. Matagal na yun eh, tsaka wala yung malisya. Hinalikan nya lang ako, that's it. Mabilis lang yun, hanggang third base lang."
"Third base?"
"Yep. Third base lang." Tumawa ako ng mahina at tiningnan sya. Muka syang nasaktan pero wala akong pakialam. "Mabilis kasi ang kamay ni Iyen eh, napisil agad ang pwet ko."
Ayan, nagpapakwento ka? Pwes yan ang kwento na gusto kong ikwento sayo!