61//
Lee Niroh's"Ano bang akala nyo sa bahay ko? Bahay ampunan? Hotel?" Tanong ni Minho habang inaayos ang pagkakahiga ng lasing na lasing na si Hyunjin sa guest room. Nagtutulungan na sila ni Jisung dahil medyo mabigat talaga si Hyunjin.
"Mabigat kargada nan eh..." Lagi yang sinasabi ni Ahna noon pag napag uusapan namin nila Ali ang bagay na yun.
"Pag sya pwede sa iba, bakit ako hindi? Tangina tol! Nakikipag kwentuhan lang kay Yeji! Sya nga muntikan pang makasal kay Sangyeon eh!" Sigaw ni Hyunjin, malinaw parin ang pag sasalita nya, pero hindi ko alam ang validity ng pinag iimik nya ngayon.
"Tangina tol! Naguguluhan na ako sa kanya! Ayaw nya ako sa kanya, ayaw nya din ako sa iba!"
Sinarhan namin ang kwarto at pinabayaan sya dung mag bunganga. Lasing na lasing eh. Maya maya ay makakatulog na yun.
"Bakit hinayaan nyo yung mag inom? Martes bukas, may opisina pa yun." Sabi ko kay Jisung habang naglalakad kami pababa.
Alas onse pasado na, matutulog na sana kami ni Minho nang biglang nangatok itong si Jisung bitbit ang sabog na si Hyunjin.
"Makulit eh, di nga namin alam na nag inom yan mag isa sa Matryoshka."
"Paano to bukas? Absent sa trabaho?"
"Wag nyo gisingin, hayaan nyo nalang."
"Eh ikaw? Makakapag drive ka pa? Baka mabangga ka ha!"
"Kaya ko pa, nakailang shot lang ako."
"O sige na, gabing gabi na oh. Ingat."
Sumakay na si Jisung sa kotse nya at pinaharurot ito. Si Minho naman ay nilock ang gate at ang front door. Umakyat din naman agad kami sa kwarto namin dahil pareho kaming inaantok na.
"Gi..." Malambing na sabi ni Minho nang mahiga sya sa tabi ko.
"Hmmm?"
"Wala lang naman."
"Sisipain kita, Lee Minho. Inaantok na ko..."
"Isa lang, promise!"
"Siraulo. Baka marinig tayo ni Ryujin at Hyunjin, nasa kabilang kwarto lang sila!"
"Gi naman, hinaan mo nalang ang ung---"
"Isa! Sisipain ko yang ano mo."
"Sabi ko nga sa isang araw nalang eh."
Pumasok sya sa loob ng comforter at yumakap sa akin. I've found purity in our relationship, kahit na minsan ay medyo may pagkamanyak talaga sya at mapilit, minsan nagtatampo sya pag di napapag bigyan. Pero sabi nga ni Minho, "Gi, ganito lang talaga ako. Medyo manyak, ganun. Pero sinasabi ko sayo, lahat ng kamanyakan at pangangailangan ko bilang lalaki... nao-over power yun ng emotional fulfillment pag nandyan ka."
"Matulog na..." Bulong ko at pasimpleng inalis ang malikot nyang kamay sa loob ng tshirt ko.
Niyakap ko sya ng mahigpit at nakatulog nalang ako habang inaamoy ang raw masculinity nya.
Nakikita ko ang sarili ko na nakatayo sa kalagitnaan ng hallway ng arts and sciences building ng Yellow Wood University. Mahaba ang buhok ko, kulot kulot ang dulo nito at daig ko pa ang lalaban sa pageant dahil sa ayos ko.
"Ate Niroh!" Umalingawngaw ang boses ni Ryujin sa hallway, hinabol ko ng paningin ang pinang galingan ng boses at nakita ko si Ryujin sa dulo ng hallway.
She's with Minho. Magkahawak ang mga kamay nila at parang napapaso ang mata ko habang tinitingnan ang magkahawak nilang kamay.
I felt something in my stomach. I can't name it. Kahit sa panaginip ay nakakaramdam ako ng ganito--- selos, panghihinayang, kilig, at kung anu ano pa.
"Ate, pauwi ka na?"
Naaalala ko ang pangyayari na ito. Second year ako nito, first semester at unang Friday ng semestre.
"Uh, hindi pa. Hinahanap ko pa sina Ji. May kasama ka pala..." I saw myself took a quick glance over Minho and rolled my eyes quickly at him.
"Ate naman, pinakilala ko na sya diba? He's Minho, my boyfriend... remember?"
"Uh, yeah. Of course, your boyfriend." I sound so mean and bitchy. Tiningnan ko pa si Minho at halos lumuwa ang mga mata ko kakairap sa kanya pag hindi nakatingin si Ryujin.
Umikot ang paligid at nabago ang pangyayari. It was in high school. I don't quite remember this exact scenario in real life but the feeling was nostalgic. I know it already happened in real life, I just can't narrate it in details.
"Ang yabang yabang talaga nung Lee na yun!" Himutok ni Kuya Woojin habang nilalaro ang bola ng basketball sa magkabila nyang kamay.
"Eh kung binabanatan na natin. Ang sama makatingin sayo oh! Parang gusto kang suntukin!" Batos ni Kuya Chris.
Nakaupo kami sa isang bench sa tapat ng soccer field ng high school na pinag aralan namin. First year ako nito at malamang ay graduating silang dalawa.
Si Minho, nasa hindi kalayuan sya at may kasama na dalawang lalaki habang nakatitig ng masama kay Kuya Woojin.
"Sino ba dyan ang kaaway nyo?" Tanong ko at kinuha ang iced coffee ni Kuya Woojin na nakalapag sa bench.
"Yan oh, yung si Lee Minho."
"Alin? Yung mukang tanga na may dalang tela na nakabalunbon?"
"Yun nga, sintu sinto ata yan."
"Niroh, crush ka ata nan eh. Laging nakatingin sayo." Pang aasar ni Kuya Woojin at sinundot sundot pa ang pisnge ko.
"Ew! Kuya naman! Wag mo naman akong asarin sa jologs na yun! Nakakadiri."
I felt his arms circled around my waist. Dahan dahan akong nagising dahil sa mga braso ni Minho na kinukulong ako. He's still sleeping, I know. Nasanay lang talaga syang higitin ako palapit sa kanya pag hindi nya ako nararamdaman.
Hindi ko talaga sya gusto noon. Ang pangit pangit nya sa paningin ko. And then I started having weird dreams about him and awkward realities--- and then I fell for him. Deep. Unconsciously. In reality and in dreams.
"Gi... matulog ka pa." Bulong nya at mas gumitgit sa akin. I can feel his growing erection poking my behind, and it was normal. It was... scientific and very human.
"Baka malate tayo, bangon na..."
"Gi..."
"Ano? Bangon na sabi eh."
"Gi..."
"Ano nga?"
"Wala. Mahal kasi kita..."
"Siraulo. Bangon na dyan."
I smiled secretly.
Gago talaga. Agang aga ako ay pinapakilig.