32//

66 1 0
                                    

32//
Lee Niroh's

"Saan tayo pupunta? Tsaka paano ang oras ng internship ko? Baka di ako makagraduate." Sabi ko habang naglalakad kami sa may hallway ng building.

May mga employees at mga abogado na bumabati kay Minho. Hindi ko alam na may mga nakakakilala pala sa kanya dito. Baka madalas sya dito o kaya may mga connections sya.

"It's part of your job. We'll meet your Kuya Woojin later... may isesettle tayo."

"Ahhh."

"Get your things first."

Nauuna sya sa paglalakad at tumigil kami sa tapat ng mismong opisina ni Atty. Sungwoon. Kumatok si Minho at mabilis kaming pumasok nang mag bigay ng go signal si attorney.

"Engineer Lee, it's been a while." Tumayo si Atty. Sungwoon at nakipag kamay kay Minho.

"I'm here for my wife's things. We're meeting Woojin somewhere around the city."

"Ah, yes. Nabanggit nga sa akin ni Atty. Han."

"Hindi naman nabanggit nitong si Niroh na asawa mo pala sya..." Tiningnan ako ni Atty. Sungwoon at parang hindi sya makapaniwala na asawa nga ako ni Minho.

Although nagpirma na kami ng annulment documents, pinapakilala parin ako ni Minho bilang asawa nya. Hindi ko talaga alam kung ano na ang relasyon namin. Pero sana... maayos na to lahat.

Si Minho na mismo ang kumuha ng crossbody bag at laptop bag ko. Nagbow lang ako kay Atty. Sungwoon at sumunod na kay Minho sa paglalakad.

Sumakay kami ng elevator at bumaba nang makarating kami sa ground floor. Nasa mismong tapat lang kasi ng building nakaparada ang sasakyan nya.

"Bakit tayo makikipag kita kay Kuya Woojin?"

"You'll see... kumain ka na? Gusto mong kumain muna tayo?"

"Nah, katatapos ko lang."

Mabilis lang ang naging byahe dahil hindi naman traffic sa main road ng Seoul pag ganitong ala una palang ng tanghali. Nakarating kami sa isang fancy five star hotel kaya takang taka akong nakatingin kay Minho habang pumaparada kami sa basement.

"Oh Tea Nine Hotel? Mag aano tayo dito?" Paos kong sabi habang nasa elevator kami.

"I have a reservation, executive suite."

"Minho... ayoko, babalik na ako sa opisina. Hindi na tayo kasal, bakit mo ako dinala sa ganitong lugar? Anong akala mo sakin? Kaladkarin? Tskae seryoso ka ba, tanghaling tapat!"

Lumayo ako ng kaunti sa kanya pero tinawanan nya lang ako. "Tamo, patawa tawa ka pa."

"Relax, Gi. Nandun na ang Kuya Woojin mo. We're meeting him, remember?"

"Eh bat kailangang hotel pa?"

"You'll see..."

"You'll see bagang." Di ko na maiwasan na umirap. Akala ko kasi talaga, mag aano kami.

Aba malay ko ba. Nawala sa isip ko yung tungkol kay Kuya Woojin e.

"Don't worry... we won't do it unless you beg for it."

"Baluga ka."

Kinurot ko muna sya bago kami tuluyang makarating sa executive suite na sinasabi nya.

"Buti nakarating kayo..." Bungad ni Kuya Woojin na umiinom ng wine sa veranda ng hotel room. He is not alone. Kasama nya si Hyunjin, Ali at Changbin na ikinagulat ko.

"Akala namin kukuha na ng panibagong kwarto ang gagong to e..." Tumawa ng mahina si Changbin at nag apir sila ni Hyunjin.

Napaatras ako sa likuran ni Minho dahil hindi ko talaga inaasahan na makikita ko sila ngayon.

"Welcome back Niroh!" Sabi ni Hyunjin at ikinaway sa akin ang lata ng beer na hawak nya.

"Congratulations! Makikita mo na ulit ang gwapo kong muka!" Malamang ay hindi parin deflated ang hangin nya.

"At congratulations din kay Minho! No more blue balls!" Dagdag ni Changbin na nasundan ng mahinang sapak ni Kuya Woojin sa kanya.

"Anong meron?" Mahinang tanong ko kay Minho.

"Bat nandito yang tatlo na yan?" Sabi lang ni Minho at hinigit ako papasok.

Umupo ako sa kama kung nasaan si Ali. Nakatutok sya sa laptop nya at nag hi lang sya.

"Ewan sa mga yan... nagsisama pa dito."

Pumasok si Kuya Woojin sa mismong kwarto, naiwan naman sa veranda yung dalawa. Nag yoyosi sila at may mga bote din ng alak. Tanghaling tapat, nag iinom sila?

"Ali, dun ka muna sa dalawa. May pag uusapan lang kami."

"Sure, sure." Binitbit ni Ali ang laptop nya at pumunta sa veranda. Sinara ni Kuya Woojin ang glass door at umupo sya sa isang bakanteng chair sa tapat ng kama.

"Kuya... anong meron?" Tanong ko habang nakayuko.

Umupo si Minho sa tabi ko at humawak sa kamay ko.

"Niroh... your marriage with that idiot beside you is already nullified." Sabi ni Kuya Woojin kaya napatingin ako kay Minho.

Nailang ako bigla dahil nilalaro nya ang mga daliri ko. He's not my husband anymore... nakakalungkot pero pumirma na kami dun pareho eh.

"Here's the thing Niroh... your father talked to Minho and he want to get your full custody."

"Father?"

"Si Tito Junho..."

"Kuya naman... kaya ko na ang sarili ko."

Minho was about to protest pero naunahan sya ni Kuya Woojin na magsalita.

"Please Niroh... gusto lang nyang makabawi sayo. We're all sorry about what happened, gusto naming makabawi sayo at itama ang mga kasalanan namin. Pamilya tayo Niroh..."

"I understand kuya."

"O ikaw naman na jologs ka, lumayo ka sa pinsan mo. Di mo na yan asawa!"

"Alam mo, kahit ring bearer di kita kukunin sa kasal namin!" Sinamaan sya ng tingin ni Minho at mas inilapit ako sa kanya.

Ako naman na feeling teenager, nakuha pang kiligin.

"Uhhh, Kuya Woojin, tumawag si Kuya Chris..." Sumilip si Ali sa glass door habang nakangiwi.

"Anong sabi?"

"Nasa Seoul na daw si... Jeongin."

Impurities | Lee KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon