58//
Lee Niroh'sBiyernes na. Ito na ang huling araw ng mga taga Levanter College bilang interns ng MIA Legal Services, maliban sa akin na next week pa din matatapos ang internship kasabay ng mga taga MBC University.
Tinigilan na ni Moonbin ang pangungulit nya sa akin na pumirma ng internship withdrawal documents. Yun nga lang, ako naman ang pinuputakte ng mga interns ng MBC University.
"Pag pasensyahan mo na sila ha? Mababait naman ang mga yan... nape-pressure lang siguro." Malumanay na sabi ni Juyeon nang umupo sila ni Jacob sa unahan namin.
Nasa seminar hall kami ngayon ng firm dahil may meeting daw. At kanina pa ako pinaparinggan ng mga interns na to na akala mo ay sobra silang nag hirap nung umabsent ako ng isang linggo.
"Mas lalo ka nilang pag iinitan next week pag ikaw nalang ang natirang intern ng Levanter College..." Sabi ni Hitomi na umupo na rin sa unahan namin.
"Oo nga pala ate, paano ka next week?"
"Kaya ko naman eh. Isang linggo lang naman."
"Sa amin ka nalang sumabay, Niroh. Tsaka nasa dorm pa naman sila... sabay sabay padin kayong uuwi ng Uljin." Sabi ni Hitomi.
That's right. Kahit tapos na ang internship nila, sabay sabay padin kaming uuwi ng Uljin next week. Sa dorm muna sila for a week dahil ang awarding of certificate of completion ng internship ay ibibigay next week pag tapos na lahat para isahang ceremony nalang.
"Ang fresh ni Atty. Woojin..." Bulong ni Yena nang pumasok na sa seminar hall sina Kuya Woojin at Jisung na kasama sina Sir Jaehwan, Moonbin at si Madame Eunbi.
Unang nagsalita si Sir Jaehwan. Nagpasalamat sya sa mga interns at nagbilin ng kung anu ano. Si Madame Eunbi naman, namigay ng calling cards for future purposes, sa kanya daw tumawag pag hihingi ng tulong sa employment. Si Moonbin naman, nagpasalamat din sa mga interns at binati yung mga interns na kaclose nya.
"Napag usapan na namin ng board at ng iba pang nagpapatakbo ng firm na may mga oofferan kami ng job opportunities sa inyo..." Sabi ni Jisung matapos nyang bumati.
"Sa mga mabibigyan ng offer, congratulations na agad. Ibig sabihin nun, naging competent kayo at maganda ang naging takbo ng internship nyo sa firm. Sa mga hindi naman mabibigyan ng offer, handa po ang firm na gumawa ng endorsement letters nyo for job hunting at kung papasok kayo sa law school..."
Isa si Samuel dun. Yung documents nya lang ang nakita ko, hindi ko lang alam kung may offer sina Nagyung. Ako naman, kukuha ako ng ilang units na may kinalaman sa business dahil baka tanggapin ko yung offer sa akin ni Tito Jinwoo.
O baka mag apply ako ng apprentice program sa Virginia. Mag uusap muna kami ni papa tungkol dun, at kakausapin ko na din si Minho kung ano na ang plano namin.
"For now, we want to congratulate the interns from Levanter College who successfully finished their internships. For the mean time, the dormitory is available for your lodging until next week..."
"We'll award the completion certificates next Saturday, we will also announce the interns who will receive job opportunities from the firm."
Matapos ng ilang paalala at bati nila ay nagpalakpakan kami. Syempre tuwang tuwa sila dahil tapos na ang internship at ilang linggo nalang ay gagraduate na kami.
"May mga tanong pa ba?" Tanong ni Kuya Woojin.
"Nasan po si Atty. Seungmin?" Sigaw ng isa mula sa unahan.
Kinuha ni Jisung ang microphone at sya na ang sumagot. Patawa tawa pa sya habang nagsasalita. "May importante lang syang inaasikaso kaya hindi sya nakapunta."
Natawa din si Kuya Woojin at Sir Jaehwan na nasa gilid. Truth is, nag e-LBM si Seungmin kaya wala sya ngayon. Nag work from home sya ngayong araw dahil pabalik balik sya sa bowl.
"You may exit the hall now. Interns of Levanter College except Miss Kim Niroh may go to the dormitory now and we'll see you all on Saturday. Interns from MBC University may return to their respective posts and wait until 5:30." Sabi ni Madame Eunbi.
Nagsitayo na kami at nag handa na sa pag labas ng seminar hall. Naunang lumabas si Madame Eunbi at Moonbin. Kasunod ay si Sir Jaehwan na malamang didireto sa office ni Atty. Sungwoon dahil lagi silang naglalaro ng FIFA tuwing hapon.
"Ate, hintayin ka nalang namin sa lobby hanggang 5:30, para may kasabay ka mamaya." Sabi ni Yena habang inaayos ang mga upuan.
Pinapauna muna kasi silang lumabas. Wala pang interns na lumalabas dahil kailangang mauna nila Kuya Woojin at Jisung dahil syempre, big boss sila.
"Wag na, kaya ko naman, tsaka ang lapit lang naman."
"Sige na ate, para may makasabay ka. Aantayin ka na namin..."
Naramdaman ko ang paglapit nina Jisung at Kuya Woojin sa amin. Amoy na amoy ko na agad ang mga pabango nila kaya nakilala ko na sila kahit nakatalikod ako. Humarap ako sa kanya at hindi ko alam kung mag ba-bow ako gaya ng ibang interns.
"Muka kayong sasayaw ng Miroh." Mahinang sabi ko nang makalapit sila.
"Ha?"
"Sabi ko, muka kayong sasayaw ng Miroh. Bat nakaganyan kayo?"
"Si Changbin nakaisip nito. Abangan mo mamaya sa Placebo, nakaganito rin sila." Natatawang sabi ni Jisung.
"Nakakaaduwa kayo. Seryoso ba?"
"Oo nga. Makikita mo mamaya ang outfit ni Iyen. Naka Thrasher sya na green..."
"Hindi ako sasama." I said.
"Oh, sayang naman. Pag uusapan namin ang tungkol kay Moonbin at Ryujin eh. Tutal kadadating lang ng investigation docs tungkol dun..." Bulong ni Jisung.
"Sama ako. Anong oras?"