34//
Lee Niroh's"Girlfriend sya ni Atty. Sangyeon?" Halos manlaki ang mga mata nila habang pinapagmasdan si Atty. Sangyeon na naka coat and tie at Ahna na mukang model ng Victoria's Secret. Naglalakad sila sa papunta sa VIP section kung nasaan sila Minho.
"Ang ganda nya. Paano nauto ni attorney yun?"
"Gwapo kaya ni Atty. Sangyeon!"
"Eh ang ganda kaya ng girlfriend nya. Parang nakita ko na nga sa fashion magazine yun eh."
Yumuko nalang ako. Hindi ko alam kung anong iniisip ni Hyunjin tungkol kay Ahna at sa boyfriend nito, na magiging asawa nya na in less than two weeks. Pero kung ako lang, nanghihinayang talaga ako.
"Huy Niroh! Nasobrahan naman ata ang kakatitig mo sa mga sosyalera na yun." Untag sa akin ng isang intern dahil napasobra nga talaga ang titig ko sa VIP section.
Hinahanap ko kasi si Jeongin. Pero ang nakita ko lang sa loob ay sina Changbin, Felix, Seungmin, Jisung, Minho, Ahna, Ali at si Atty. Sangyeon.
"Muka silang mga mayayaman talaga ano? Kay Atty. Han palang? Magkano kayang laman ng bank account nan?"
"Muka silang mga mamahalin ano?"
Masaya akong makita ulit sila. Tatlong taon ko silang namiss at ngayon na bumabalik na ang lahat sa tamang lugar nito, nagiging maayos na din ang disposisyon ko sa buhay.
Muka namang kasundo nila si Atty. Sangyeon. Nakikita kong nakikipag usap sila Changbin at Minho sa kanya.
Bandang alas nuebe nang pumasok ng Placebo sina Kuya Chris at Kuya Woojin. Nakipag batian pa sila sa mga kakilala nila sa ibang table at mukang hanggang ngayon ay mga party animal parin sila.
"Si Atty. Woojin yun diba?"
"Nubayan, ang gwapo nya ngayong gabi pero ang hassle ng presence nya dahil di ako makakapag wild."
Dumiretso ng lakad sila Kuya Woojin at Kuya Chris hanggang sa makalapit sila sa magkakasunod na table namin.
"Niroh, you're here? Nasaan si Minho?" Medyo malakas na sabi ni Kuya Chris nang makita nya ako.
"Nandun kuya. Kasama nila..."
"I see. Punta ka dun mamaya ha? Let's catch up."
"O-okay po."
"Ni, wag masyado uminom ha?" Sabi ni Kuya Woojin na tinanguan ko lang.
Dumiretso na sila sa VIP section at humarap na ulit ako sa mga kasama ko.
"Close kayo ni Atty. Woojin?" Tanong ni Juyeon.
Hindi ko alam ang isasagot ko. Natulala muna ako ng ilang segundo bago nakasagot. "Hmmm, medyo lang."
"Sa kanya ka ba naka-assign?"
"No, kay Atty. Sungwoon ako."
"Swerte mo naman girl, balita ko ang bait nun ni attorney."
"Hmmm, yeah. Mabait nga sya."
Pinilit kong makipag sabayan sa usapan sa table namin. Okay namang kausap yung mga taga MBC University. Naging familiar na din ako sa mga pangalan nila--- Juyeon, Jacob, Hitomi, Nako, Sarang, Joahae and so on.
"Tara sayaw na tayo!" Sigaw ni Jacob nang mag full blast na ang speakers at nabuhay na ang DJ sa taas.
Dati ay si Kuya Hyungwon o DJ H.One ang dj dito sa Placebo pero ngayon ay DJ Justin na daw ang pangalan ng bagong dj.
"Wooooh! Tara na! Dedma na sa mga boss!"
"Tara na! Bawal KJ!"
Nagtakbuhan sila papunta sa gitna. Naiwan naman ako sa table namin kasama ng iilan na mga lasing at mga KJ na katulad ko.
"Oh akala ko magwawild ka?" Sabi ni Guanlin kay Yena na nakaupo parin hanggang ngayon.
"Saglit, di pa ko lasing na lasing eh."
Nagkwentuhan lang kami ng mga naiwan sa table hanggang sa lumapit sa table namin si Minho at si Jisung.
"Atty. Han! Good to see you po!"
"I've heard birthday ni Jacob?" Sabi ni Jisung na nakuha pang umupo sa tabi ko, sa pwesto ni Chaewon kanina. Si Minho naman ay tumayo sa likuran ko at humawak sa balikat ko.
Naglipat ang iba pang interns nang makita nila si Jisung na nasa table namin. Nagbati sila at mga muka na talaga silang wasted.
"Ingat kayo pag uwi ha? Nasaan si Jacob?"
"Attorney, here po!"
"Oh, happy birthday. Sa opisina ko na ibibigay ang regalo."
"The best ka talaga attorney!"
"Mag enjoy lang kayo. I'll pay for your drinks." Naghiyawnan naman sila dahil sa sinabi ni Jisung.
Sumenyas sya at agad na lumapit ang pamilyar na lalaki. Si Ravn.
"Rav, charge their bill on me. Wag mong pabayaan ang interns ko ha?"
"Salamat po talaga, attorney."
"Thank you po."
Tumayo na si Jisung at hindi ko alam ang gagawin ko dahil hinigit din ako ni Minho patayo.
"Hinahanap ka ni Ali at Ahna." Sabi ni Jisung nang tingnan nya ako.
"Dito ka ba muna o sasama ka na samin sa table natin?" Dagdag pa ni Jisung.
"Okay lang ba?" Humarap ako kay Minho at hindi ko talaga alam kung bakit parang nagmumukang humihingi ako ng permiso nya na sumama sa table nila.
"Hoy Niroh! Wag kang madaya! Tara dito!" Sigaw ni Changbin kaya ngumiwi ako.
"Tara na nga..."
Humarap ako saglit dun sa tatlong babae at nagpaalam. "Dun muna ako ha?"
"S-sige ate."
"Hoy Niroh! Taksil ka sa friendship!"
Nakakahiya na ang bunganga ni Changbin kaya sumama na ako kina Minho palapit sa table nila.
"Uminom ka?" Tanong nya na medyo dinikit ang ilong nya sa bandang leeg ko.
"Nope. Juice lang."
Pumasok kami sa VIP section at niyakap agad ako ni Ali at Ahna.
"Kumpleto na tayo! Cheers!"
"After ng ilang taon! Thanks God!"
Kumpleto nga kami. Kagaya lamang noong college.
Si Kuya Woojin. Si Kuya Chris. Si Ahna at Ali. Si Hyunjin. Si Changbin. Si Felix. Si Seungmin, Jeongin at Jisung. Si Minho at ako.
Pero may nadagdag. Si Atty. Sangyeon at isang babae na nakayakap kay Jeongin.