25//

64 1 0
                                    

25//
Lee Niroh's

Akala ko talaga noong maayos pa ang lahat, si Hyunjin at Ahna na habambuhay. Pero ang dami na palang nangyari--- naghiwalay sila ni Hyunjin, nagkabalikan sila ni Kuya Shownu, pero kay Atty. Sangyeon sya ikakasal na nakilala nya lang last year.

Isang taon palang silang magkakilala, anim na buwan na in a relationship pero ikakasal na agad.

"Ate Niroh, inom ka naman dyan." Untag sa akin ni Guanlin at inabutan ako ng panibagong lata ng alak kahit na hindi pa ubos yung naunang Cass na ibinigay nya sakin.

"Alas nuebe na pero ang tahimik parin..." Bumuntong hininga si Yena at pinasadahan ng tingin ang Placebo na tahimik pa.

This place is so nostalgic. Naaalala ko pa ang mga nangyari noon. At sa tuwing naaalala ko, hindi ko alam kung sasaya ako o malulungkot.

Ang pang aaway ni Changbin sa mga nasa kabilang table.

Yung pagtutugtog ni Kuya Woojin at Kuya Chris.

Yung madalas na away ni Hyunjin at Ahna pag lasing na si Ahna.

Yung mga pagtakas namin ni Minho para pumunta sa kwarto nya sa third floor.

"Ate, ganito ba talaga dito? Ang boring naman..." Ngumuso si Nagyung na parang sising sisi dahil nasa Placebo sya ngayon.

"Ang mahal mahal ng bayad, di naman pala sulit." Umismid din si Chaewon.

Nginitian ko lang sila. Maaga pa kasi. Alas onse pa magkakagulo, alas dose ang peak ng party di gaya sa Uljin na alas nuebe palang pero parang peak na agad.

"Niroh, hindi ka umiinom?" Bulong ni Juyeon, pasimple naman akong umatras dahil sobrang lapit nya na.

"Umiinom." Pero tumigil na talaga ako matapos kong magbuntis. Nito nalang ako nag inom ulit.

"Wag ka matakot malasing, magkakasabay naman tayong uuwi..." Idinantay nya ang mga braso nya sa sofa pero lumayo nanaman ako. Ang init init.

"Ate, diba yun yung mga bisita ni Atty. Han nung nakaraan?" Mabilis kong sinundan ng tingin ang nginunguso ni Yena.

Nasa VIP area sina Kuya Chris, Changbin, Felix, Hyunjin, Minho, Ahna at Ali.

"Sino kaya yung dalawang babae? Ang gaganda noh?" Halos magliwanag ang mga mata ni Nagyung habang tinitingnan si Ali at Ahna na parehong mukang modelo na nagmula sa Paris.

They both look so expensive. Pero nag focus ang paningin ko kay Minho na nakatitig sa shot glass.

"Gyung, bathroom lang ako ha?"

"Sama ako ate, kanina pa ko naiihi eh. Di ko naman alam kung saan."

Mabilis kaming nakalusot ni Yena paakyat sa second floor. Sa pagkakaalam ko, si Ravn na ang may ari ng Placebo. Ipinasara ito ni Mayor Shin noon at binili nya naman. Hindi nya na pinalitan ng pangalan dahil sumikat na ito as Placebo.

"Ate, nakita ko sya." Makahulugang sabi ni Yena habang naghuhugas sya ng kamay sa sink.

"Ha? Sino?"

"Lee Minho. Nasa kabilang table sya diba? Sya din yung lalaki na pumunta sa building nung isang gabi."

I sighed. "Ate, kung gusto mo na umuwi, sasamahan na kita sa dorm."

"Okay lang ako Yen... mauna ka na sa baba. Susunod ako."

"You sure ate?"

"Hmmm, may pupuntahan lang ako saglit."

Nang makababa si Yena ay tinakbo ko kaagad ang hagdan paakyat sa third floor. Wala halos pinagbago maliban nalang sa muka itong bagong pintura. Kulay maroon ang pintura nito na dati ay kulay asul.

Mabilis kong pinuntahan ang kwarto ni Minho noon at laking gulat ko nang maabutan ko itong nakabukas.

Pumasok ako at halos walang pinagbago ang loob.

"You're trespassing... again, Lee Niroh."

Nabitawan ko ang door knob nang may marinig akong pamilyar na boses sa likuran ko.

"A-aalis na ako." Tatalikod sana ako pero naitulak nya agad ako sa loob ng kwarto at mabilis nyang hinarang ang sarili nya sa may pintuan.

"Tabi... baka hinahanap na ako ng mga kasama ko."

"No. Mag usap muna tayo."

"Ayoko! Pwede ba Minho, tumabi ka dyan."

Nanginig na ang boses ko habang tinititigan ang mga mata nya. Naaamoy ko ang whiskey sa hininga nya. Lasing sya. Nahahalata ko ang sobra sobrang kalasingan sa boses at itsura nya.

And he's really dangerous when he's drunk.

"Palabasin mo na ako." My voice is trembling.

"Minho, please... wag ngayon! Masakit pa rin ang---"

"Wala akong pakialam! Hubad!"

"Ayoko! Aray! Ano ba? Nasasaktan ako!"

"Akala ko ba gagawin mo ang lahat para mapatawad kita? Edi maghubad ka na dyan."

"Minho... asawa mo ako!"

"Wag kang malikot kundi itatali kita!"

Flashbacks of the night he raped me came back to my mind.

Napaatras ako ng ilang hakbang habang nanginginig.

"Fuck! Are you crying?"

Hindi ako nakasagot. Patuloy lang ako sa pagpunas ng mga luha kong nag uunahan. Making love is fine. But you don't force it.

"Shhh, stop crying."

"B-bababa na ako."

"Yes, yes. Bababa na tayo. Just... just stop crying."

Inalalayan nya ako hanggang sa makababa kami. Tatalikuran ko na sana sya nang makarating kami sa gilid ng bar counter pero hinawakan nya ng mahigpit ang braso ko at iniharap ako sa kanya.

"Can you... come with me?"

"Hinahanap na ako ng mga kasama ko..."

"Tell them you're coming with me."

"P-pero... fine."

Lumapit ako sa table namin at humarap kay Nagyung.

"Gyung... uuwi na ako. Okay lang ba?"

"Bakit ate? May masakit ba sayo?"

"Eh kasi..."

May sinenyas si Yena kay Nagyung at tumango tango lang sya.

"Ay okay, gets ko na ate. Sige ingat ka."

"Hmmm, thanks. Guan, Sammy, una na ako ha? Ingat kayo."

"Sabay na tayo." Tumayo si Juyeon pero huli na ang lahat dahil may humigit na sa akin palabas ng Placebo.

Impurities | Lee KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon