“Hello Tita? Hello?”paulit-ulit na sambit ni Claire habang dinadayal ang number ng Tita niya. Nag-riring ngunit hindi nito sinasagot. Halatang iniiwasan siya. Hindi naman siya basta-basta makaalis ng bahay dahil baka kung anong isipin sa kanya ng matanda.
‘Tita, bakit hindi mo sinasagot mga tawag ko? Bakit hindi niyo ako bisitahin dito? Nag-aalala na kasi ako Tita. Kamusta na ‘ho ba lagay niyo? Magtext naman kayo oh!’text niya sa Tita niya.
Iniwan niya sandali ang cellphone upang pumunta sa CR. Natigilan siya nang malaman na animo'y mayroong dalawang nagtatalo sa ibaba. Hindi niya mapigilang tumungo sa hagdan at umupo upang pakinggan kung sino ang nagtatalo.
“Damn! Who the heck do you think you are? Ni sarili mong baho hindi mo maitama Ma!”malakas na boses ng lalaki.
Kung hindi siya nagkakamali ay boses iyon ng matangkad na lalaking naing-kwentro niya sa CR kanina. Nakakatakot pakinggan ang boses nito. Hindi niya ma-imagine ang itsura ni Madam Dina. Bakit ganoon na lang kung sagot-sagutin ito ng sarili nitong anak?
“Bastardo! Get out in this house if you keep on saying unskillful thought!”bulyaw ng matanda.
“No way Old women! That'll be the day! Hinahanap ako ng mga pulis!”walang ka-gatol-gatol na pakli ng lalaki.
'Hinahanap ng mga pulis?'
“Lumayas ka dito Ason! Hindi taguan itong bahay ko! Wala na akong pakialam kung makulong ka!”hiyaw ng matanda.”Kung hindi ka aalis ako mismo mag-susuplong sayo sa pulis!”
Napapalunok siya sa narinig. Bakit ganun silang mag-ina. Hindi ba nila mahal ang isa’t-isa? Naririnig kaya nila mga sinasabi nila? Ang weird!
“Go ahead poor Old woman! Do it now!”mariing wika ng lalaki bago umalis.
Nabigla siya nang malamang aakyat ng hagdan ang lalaki. Nagulat na lang siya nang makita siya nitong naka-upo sa may hagdan at halatang nakikinig sa kanilang mag-ina. Naniningkit ang mga mata nito habang papalapit sa gawi niya. Mabilis siyang tumayo upang pumanhik sa kanyang kwarto ngunit mabilis nitong kinuha kamay niya at idiniin sa pader ang katawan niya. Bigla siyang naalarma nang magdikit mga katawan nila sa pader at nasasaktan siya sa ginagawa nito.
“Let go of me!”mariin ngunit mahina niyang usal. Nag-aalala na baka marinig sila ng matanda sa ibaba. Akala niya'y kung anong gagawin nito sa kanya nang ilapit nito mukha sa kanya.
“Don’t want to hear any humor about this! Kung ayaw mong gawan kita ng ‘di mo makakalimutan sa buong buhay mo!”bulong nito sa kanya bago dinilaan ang tenga niya. Bago siya pinakawalan nito. Nanghihilakbot ang buo niyang kalamnan sa inasal sa kanya ng lalaki. Ni hindi man lang nagawang rumespeto kahit katititing man lang.
Tiningnan nito mukha niya bago siya tinalikuran. Napapikit siya sa ginawa nito. Habol ang hininga niya habang nakatingin sa baba ng hagdan. Wala man lang kamalay-malay si Madam Dina. Ayaw na niyang manatili pa sa bahay na iyon. Gusto na niyang umalis. Sa ugali ng lalaking ‘yun kanina. Na-iimagine na niya kung ilang tao na ang nabugbug nito. Napakabastos ng ugali. Hindi niya alam kung anong klase o paraan ito pinalaki. At ano bang inererebelde ng hambog na iyon? Ang weird nilang talaga!
BINABASA MO ANG
Mahal Kita Ason!
Mystery / Thriller“I don’t meet you when you were still baby or during your acquiring knowledge but I know you. Those ill-mannered of yours tell you who you are, a lonely and rare man like you who kept hiding in a roughly behavior di ba?”she muttered, unavoidably and...