Nakatingin si Claire sa kawalan matapos niya malaman lahat. Lahat ng totoo. Ang tatlong lalaki na nakita niya sa picture na binigay sa kanya ni Ason. Nakaharap niya mismo ang tatlong taong iyon. Inutusan lang sila. Sobra-sobrang taka, gulat, pangangamba ang naramdaman niya nang sabihin ng mga ito sa harapan niya ang mastermind sa pagkamatay ni Lola Dina. Nangako siya sa sarili niya na gagawin niya ang lahat. Maparusahan lang ang walang-awang tao na nagpapatay kay Lola Dina. At ngayon, paano niya gagawin iyon? Paano niya magagawang akusahan at kamuhian ang taong nag-alaga sa kanya at nagpalaki? Paano?
“E-excuse me? Nandito na po ‘yung suspek!”putol ng batang pulis sa kanyang pag-iisip.
Isipin pa lang na makakaharap niya ngayon ang Tita Sophia niya ay para bang gusto na nyang masiraan. Kung pwede lang na sana kahit ngayong araw lang. Kung pwede lang na maging bingi at bulag upang hindi niya marinig ang lahat. At hindi niya makita ang lahat. Ang lahat ng masasakit na katotohanan.
Natigilan siya nang makita niya ang Tita Sophia niya na nakayuko sa harapan niya. Namumutla ito. Awang-awa siya sa lagay nito.
“Tita Sophia!”sambit niya dito. Nagulat siya nang hinarap siya nito na animo'y galit na galit sa kanya.
“Hindi mo na kinakailangan na tawagin pa akong Tita mo Claire! Gustong sumabog ng tenga ko sa ‘twing tatawagin mo akong Tita”matapang na saad nito.
‘Bakit nagagawa mo akong kausapin ng ganyan Tita?’protesta ng isipan niya.
“Simula ngayon. Claire, gu-gusto ko na kalimutan mo na nakilala mo ako!”
“Tita------“
“Kahit kelan, hindi ako naging mabuting Tita sayo. Pag-sisihan ko man ang lahat ng kasalanan ko. Hindi parin pwede na hindi ko pwedeng pagbayarin lahat ng nagawa-----“
“Hi-hindi!”si Claire.
“Noon pa man, wala akong hinangad kundi isugal ka sa lahat ng mga gusto at hangarin ko sa buhay. Ni minsan ay hindi kita itinurin na anak o anupaman. Wala akong pagmamahal sayo. Lahat ng kabutihan na ipinapakita ko sa iyo noo’y may kabayaran. Hindi pa kita nakikilala’y mayroon na akong utang noon kay Madam Dina. Hindi ko din alam kung bakit napalaki kite dahil habang tumatagal nagkakaron ka na ng desisyon para sa sarili mo. Pero napakalaki mong hangal! Kahit marunong ka ng mag-isip para sa sarili mo ay nagawa mo parin na sundin ako sa huli, alam mo ba kung bakit pinaaral? O kailangan ko pang ipa-intindi sayo? Ngayong alam mo na kung anong tunay kong ugali ay-----------"
“Tita-----“
Naniningkit ang mga mata nito nang tingnan niya.
“Gusto mo pa bang sa bibig ko pa manggaling Claire? Gusto mo bang ako mismo maglahad kung bakit ko iyon nagawa?”
Animo’y hindi siya makahinga sa sinabi nitong iyon.
“Ako ang nagpapapatay sa pinakamamahal mong-----“
Nagawa niyang tabunan ang sarili niyang tainga sa sinabi nito upang hindi niya marinig ang gusto nitong sabihin. Sa halip, mas minabuti na lang na iwan niya ito. Mas mabuti na lang na hindi na lang niya ito harapin. Mas mabuti na lang na kalimutan na lang niya. Ang tita Sophia niya kahit ang sakit-sakit.
BINABASA MO ANG
Mahal Kita Ason!
Mystery / Thriller“I don’t meet you when you were still baby or during your acquiring knowledge but I know you. Those ill-mannered of yours tell you who you are, a lonely and rare man like you who kept hiding in a roughly behavior di ba?”she muttered, unavoidably and...