39 (After two years)

278 3 0
                                    

After Two Years..

“O Claire! Bigay ni Raffy!”magiliw na intrada ni Abby kay Claire nang masalubong siya nitong naglalakad. Napatingin siya sa isang box na chocolate na hawak-hawak ni Abby.

“Na naman?”reklamo niya. Napangiti ito sa reaksyon niya.

“Mahal na mahal ka lang talaga ni Raffy. Ikaw lang 'tong hindi pinapansin ang effort niya. Almost two years na friend, sino pa bang tao ang hinihintay mo at hindi mo magawang magpatali sa isang lalaki?”saad ni Abby. 

Almost two years na ang nakalipas. Almost two years na rin silang tinutulungan ni Raffy. Sa lahat, sa lahat lahat. Hindi sapat ang salitang salamat sa kabutihan na pinapakita ni Raffy. ‘Nong pumayag siyang tulungan siya ni Raffy noon. Hindi na ito tumigil. Si Raffy din ang nakiusap sa boss nila na huwag ng idadaan sa Atm ang magiging sweldo niya kundi cash na lang. Kaya naman, kahit kulang pa ang sinesweldo niya sa pang-araw araw nilang pangangailangan ng matanda. Kahit papano, natutulungan sila ni Raffy.  Almost two years nadin siya nangungulila sa Tita Sophia niya. Kung makita man niya Tita niya’y hindi naman niya ito susumbatan. Gusto niya lang alamin kung nasa mabuti itong kalagayan. At upang masagot lahat ng mga tanong niya. Almost two years na din, simula ng umalis siya. Si Ason.

‘Hay~ pano ko ba makakalimutan ang taong yun? Alam ko namang hindi na babalik ang taong yun. Kung babalik man 'yun. Baka hindi na ako kikilalanin pa nun’sa isipan niya.

Tungkol naman sa utang ng Tita Sophia niya. Isa pa iyon sa pinaka-problema niya. Almost two years na ay hindi pa sila nakaka-kalahati sa pagbabayad.  Habambuhay niya yata babayaran yung utang na iyon.

“O, kunin mo na 'to! Wag mong kalilimutan bigyan ako ha?”turan ni Abby.

“San ka?”tanong niya matapos tanggapin ang hawak-hawak nitong chocolate.

“Sa 6th floor. May pinagawa kasi sakin si Miss Papansin. Alam mo na"bulong nito. Ang tinutukoy nitong Miss Papansin ay walang iba kundi si Karen. Napangiti lang siya dito.

“O sya! Punta na ako sa work!”paalam niya.

“Sige!”

Napapangiti siya habang nilalakbay ang kahabaan ng hallway. Natatawa lang siya sa sarili dahil halos araw-araw yata siyang mayroong bitbit na chocolate sa tuwing dadaan sa hallway. Pagpasok na pagpasok niya sa opisina. Nagtataka siya kung bakit lahat ng mga katrabaho niya ay napatigil sa kani-kanilang ginagawa.'Sobrang ganda ko ba ngayon?'sa isipan niya.

Mahal Kita Ason!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon