23 (Abby say's sorry)

291 3 1
                                    

Napalingon si Claire  nang makita ang isang baso ng kape na inilapag ng kung sinuman sa kanyang table. Napatingala siya kung sinong gumawa ‘non. Si Abby. Matamis itong ngumiti sa kanya. At umupo sa tapat ng table niya.

“Starbucks coffee. Libre ko sayo galing sa sweldo ko!”anito

Bahagya siyang napangiti sa ginawa nito. Kinuha niya ang coffee bago natatawang binalik.

“Ito lang?”biro nya.”Kuripot ka talaga!”

Tumawa lang ito.

“Hindi ka na galit sa akin, friend?”

“Why should I? Nagtampo lang ako. Hindi ako galit ‘non. Nadala lang ako sa emosyon ko kasi ayokong madamay pa kayo sa problema ko! At patawarin mo ako sa naging reaksyon ko!”aniya.

“Sorry din, friend! Hindi ko kasi naisip na magagalit ka ng ganun!”anito.

“Hay~Tapos na ‘yun! So, may laman na ang Atm natin?”pag-iiba niya ng usapan. Napatango ito bilang sagot.

“Kinuha ko na nga agad ang sweldo ko eh. Madami akong bibilhin mamaya sa Mall, sama ka?”

“Sure!”

Bahagya niyang kinuha ang kanyang bag at wallet bago hinanap ang kanyang Atm pero hindi niya mahagilap ang bagay na hinahanap niya.

“O? Anong hinahanap mo?”

“Atm ko!”her eyes seems worried.

“San mo ba nilagay?”

“Dito sa wallet ko!”sagot niya.

“Hay~ baka naman na-misplaced mo lang. Makikita mo rin ‘yun!”anito.

Kinakabahan siya dahil wala naman siyang ibang lugar na pinaglalagyan ng Atm niya kundi sa wallet lang niya. Mayroon siyang kutob ngunit wag naman sana.

Mahal Kita Ason!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon