“Ason naman! Ke-lalaking tao ang bagal-bagal maglakad”nag-rereklamong sigaw ni Claire mula sa tapat ng gate ng kanilang apartment. Pinadala niya sa lalaki ang lahat ng mga pinamili nila para sa matanda. Natatawa siya dahil panay ang reklamo nito habang buhat-buhat ang mga mabibigat na plastik. Bubuksan na sana niya ang pintuan ng gate nang malaman niyang bukas iyon. ‘Ni-lock ko ‘to kanina ah!’turan niya sa isipan.
Kinakabahan na pumasok siya sa kanilang apartment bago mabilis na binuksan ang pintuan. A sudden shock and disbelief as she notice a littlered fluid locating at their sofa. Its a blood, a body fluid. As in Dugo. Mula sa sala. Animo’y hindi siya makahinga dahil hindi niya makita kung nasaan si Madam Dina. Sobrang gulo ng lugar. Para bang dinaanan ng malakas na ipo-ipo sa sobrang gulo.
“Lola?”malakas niyang sigaw nang mapansin niyang wala sa sala ang matanda.
‘Hindi. Hindi ako dapat mag-isip ng kung ano-ano. Nasa kwarto siya. Nasa kwarto lang siya. Sigurado akong nasa kwarto lang siya at natutulog'panalangin niya sa isipan
“What happened?”bungad ni Ason nang makita kung gaano kagulo ang paligid.
Hindi niya magawang sagutin ang tanong nito. Ito na mismo ang nag-obserba sa paligid kung anong nangyari. Natigilan na lang siya nang makita niya ang reaksyon ni Ason nang buksan nito ang pintuan ng kanilang kwarto. Ang mga bitbit nitong mga plastik ay tuluyan na nitong nabitawan. Walang ano-ano'y napaluhod ito sa tapat ng pintuan ng kanilang kwarto.
‘Hindi! Hindi 'to pwede mangyari! Hindi mo magagawa sakin 'to Lola! Bakit ngayon pa? Ngayong nandito na si Ason? Sisilayan mo pa ang mga ngiti ni Ason di ba? Hindi mo ako magagawang iwan di ba? Di ba Lola?'nababaliw niyang usal mula sa isipan niya.
“LOOLLAA!”sigaw ni Ason mula sa pintuan.
Hindi na niya namalayang pumatak ang mga luha niya sa sigaw na iyon ni Ason. Ito ba ang kapalit ng mga ngiti niya kanina? Si Lola Dina ba ang kapalit ng lahat?
BINABASA MO ANG
Mahal Kita Ason!
Mystery / Thriller“I don’t meet you when you were still baby or during your acquiring knowledge but I know you. Those ill-mannered of yours tell you who you are, a lonely and rare man like you who kept hiding in a roughly behavior di ba?”she muttered, unavoidably and...