“Uminom muna kayo ng tubig Lola! Tama na ho ang iyak!”paanyaya ni Claire sa matanda.
Nasa malaki silang kwarto ng matanda ngunit hindi parin nito magawang tumigil sa pag-iyak. Binigay niya ang tubig dito upang tumigil na. Ipinagpapasalamat naman niya na ininom nito ang tubig na dala-dala niya dahilan upang maging mahinahon ito.
“Sa-salamat!”anito. Napakunot-noo siya.
“Bakit ho kayo umiiyak? Di ba kayo naman ang may kagustuhan na makulong ang sarili niyong anak?”wala sa sariling na-itanong niya dito. At imbes na salubungin din nito ang galit niya. Nakita niya kung paano siya nito tingnan na may pagka-mahinahon.
“Tapos nagawa niyo pang paalisin si Aling Lorna at Mang Tiban? Ano ho ba nangyayari sa inyo Lola? Alam mo ba kung bakit nasasaktan kayo ng ganyan? Dahil kayo mismo ang lumalayo sa mga taong mahal naman kayo!”sumbat niya.
“Hindi ko ho kayo maintindihan Lola! Wala ho akong alam sa nangyayari dito kaya ho wag niyo ako sisihin kung bakit ho ako nagagalit! Concern lang ho ako sa inyo!”aniya bago tumayo na.
“Ang hirap ho kasi sa inyo! Hindi niyo sinasabi kung ano talaga nararamdaman niyo. Mas gusto niyong manahimik at manuod na lang sa mga mali niyong desisyon. Tapos sa huli ay kayo rin ho ang iiyak! Pasensya na Lola, hindi niyo na mababalik si Ason dahil nakakulong na. Kahit naman ho hindi ko alam kung ilang beses gumawa ng masasamang bagay si Ason. Bilang ina niya kayo, higit kanino paman ay kayo dapat ang umintindi sa pinagdadaanan niya sa buhay.”
Natigilan siya dahil pakiramdam niya’y walang narinig sa sinabi niya ang matanda. Mahinahon parin ito na animo’y mga musika sa tenga ang mga hinaing niya dito.
“Maari ba kitang pagkatiwalaan?”sambit ng matanda. Nagsusumamo ang mga mata nito na para bang binabasa ang takbo ng isip niya.
“Try me Lola! Wag niyo hong isipin na lahat ng tao ay kagaya ng mga kamag-anak ninyo! Hindi ho lahat ng tao kagaya nila! Wag niyo hong ilahat! Mas maiintindihan ho kayo ng taong hindi niyo kaanu-ano kesa sa kamag-anak ninyo”aniya. Napabuntong-hininga ito.
“Halika hija! Hang in there, beside me”paanyaya nito.
Nagtatakang umupo siya sa tabi nito at tinitigan ang matanda. Hinihintay niya kung anong maaring sabihin nito sa kanya. Kung bakit nasabi nitong maari siya nitong pagkatiwalaan. The whole area is seize with a long silence before Madam Dina equipped her mind in a casual talk with her.
BINABASA MO ANG
Mahal Kita Ason!
Mystery / Thriller“I don’t meet you when you were still baby or during your acquiring knowledge but I know you. Those ill-mannered of yours tell you who you are, a lonely and rare man like you who kept hiding in a roughly behavior di ba?”she muttered, unavoidably and...