9 (Strange Ason)

418 7 0
                                    

“Excuse me?”intrada ni Claire habang hawak-hawak ang tray ng pagkain. Nakahiga si Ason sa mahabang sofa habang umiinom ng alak.

“Ano yun?”tanong ni Ason bago napansin ang dala niyang pagkain.

“Kain ka na! Pinapahatiran ka kasi ni Aling Lorna baka raw nagugutom ka! I-ilalapag ko na lang dito sa center table!”mahaba niyang paliwanag bago ipinatong ang tray sa table.

Naiinis siya sa sarili niya dahil habang pinapatong niya sa table ang tray. Kitang-kita niya na nanginginig sa takot ang sarili niyang mga kamay. Hindi naman sa takot siya kay Ason. Nakakatakot ang mga tattoo nitong ewan at sa mga mata nitong ewan din. Hindi lang siya komportable sa presensiya nito. Bukod sa masasamang bisyo nito at sa mga pulis na naghahanap dito kahit sino naman ay matataranta dito. Iisipin na napakasama nitong tao. Pagkalapag niya ng tray. Tumalikod na agad siya at hindi na nag-atubiling magpaalam.

“I ain't no starving for food by now. Ibaba mo na lang ito!”sigaw ni Ason habang hindi pa siya nakakalayo ng lakad. Natigilan siya sandali bago biglang lumingon.

‘Ayan na naman mga tingin nitong ma-ala-halimaw’sa isipan niya. Lumapit muli siya sa gawi nito bago kinuha ang tray.

“Ok!”aniya.

Pinahalata niyang hindi siya naiinis. Ngunit sa totoo lang ay gusto na niyang isabog sa pagmumukha nito ang tray. Napatingin siya dito dahil hindi maalis-alis ang tingin nito sa kanya. Kung paano siya nito tinitigan kanina sa gate ay ganoon din ang paraan ng pag-sulyap nito sa kanya ngayon. Sobrang likot ng mga mata nito na para bang feeling niya lahat ng parte ng mukha niya ay sinasaulo nito. May halong pang-uuyam. Ilang minuto silang nakikiramdam ng tingin kaya napabuntong-hininga siya bigla at ibinalik muli ang tray.

“Bakit ba ganyan ka makatingin?”hindi nakatiis na tanong niya dito. Naasar lalo siya nang bigyan siya ng nakakainsultong ngiting aso. ‘Nang-aasar ba ‘to?’

“Bakit? Masama bang tumingin?”anitong sinuyod pa siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Nakakabastos na ang paraan ng tingin nito o dahil epekto ito ng iniinom nitong alak.

“Hindi naman masamang tumingin, ang masama kung paano ka tumingin.”pag-susungit niya na halatang hindi nagugustuhan ang ginagawa nito. Napakibit-balikat ito sa sinabi niya bago lumagok ng alak.

“Kung ayaw mo sa paraan ng tingin ko then don’t look at me too!”nakakunot-noong sagot nito bago sinimsim ang alak na nang-uuyam parin. Ang sarap sipain, sa totoo lang.

Bwisit talaga!’Walang atubiling kinuha na agad niya ang tray at dali-daling umalis sa harapan nito. Gusto niya itong pangaralan ngunit sa palagay niya’y kung pangangaralan niya ang lalaking iyon. Hindi siya pakikinggan bagkus baka insultuhin pa siya. Sa totoo lang, hindi naman talaga ito masamang tao. Mukha lang itong bad boy sa kilos, itsura, at salita. Ngunit kung iisipin, kung masamang tao ito. Bakit wala naman itong ginagawang masama? Binabastos siya nito ngunit hindi naman nito tinutuloy. Nandoon pa rin ang respeto nito na may halo nga lang pang-aasar. Natatawa lang siya sa naiisip.

‘Hmp! Ba’t ko ba iniisip na bastusin niya ako?’kausap niya sa sarili. Napatingin na lang siya sa tray na hawak hawak. Nanghihinayang siya sa pagkain. Napaka-arte naman ng lalaking iyon at hindi man lang magawang kumain.

           

“O, bakit nakabusangot ‘yang mukha mo?”nakakagulat na salubong sa kanya ni Aling Lorna. Kasalukuyan nitong mina-map ang sahig ng second floor ng bahay.

“Wala ‘ho! Nanghihinayang lang kasi ako dito sa pagkain. Hindi kasi tinanggap ni Ason.”katwiran niya dito. Napatingin ito sa dala-dala niya bago naiiling.

“Hayaan mo na! Basta wag mo na lang ilagay sa ref. Takpan mo na lang pagkatapos mong ilapag sa mesa. Sigurado akong gutom na ‘yun. Bababa ‘yun mamaya upang kumain!”mahabang sambit nito.

“Hindi raw siya nagugutom eh. Mukhang busog naman ho iyon sa iniinom nitong alak.”napapakamot sa ulong sagot niya. Inilapag niya sa tabihan ang hawak-hawak upang hindi siya mangalay sa pagbitbit.

“Ganun lang talaga ang batang iyon! Simula pagkabata kilalang kilala ko na ‘yun. Sasabihin non na hindi gutom pero kakain ‘yun kapag naisipang kumain.”anito.

“Bakit ho ganun siya? Parang nagrerebelde siya. Parang galit siya sa mundo!”wala sa loob na bigla niyang nasabi. Wala lang, kapansin pansin naman talaga si Ason. Hindi malaman kung bad boy na rakista na emo punk.

“Hindi ‘yun nagrerebelde, ganun lang talaga ang batang ‘yun. Sabagay, hindi mo pa naman siya ganoon kakilala kaya ma-mimis-interpret mo kung anong pagkatao meron siya. Nong highschool ‘yun ay bibihira kong makausap ‘yun dahil sa gitara nakatuon ang atensyon non. Ngayon medyo nagbago, nag-gigitara pa rin pero hindi na madalas. Mas naging mailap nga lang. Pero kahit ganun ‘yun. Marespeto siya sa tao. Alam mo bang nirerespeto ako ng batang ‘yun kaya natutuwa ako dun. Minsan nga, naiinis ako sa mga taong akala mo kung sino para husgahan ang ugali niya samantalang hindi naman gumagawa ng masama si Ason kung hindi rin siya ginagawan ng masama ng ibang tao. Kaya walang dahilan para tratuhin nila ng iba ang alaga ko.”

Nakikinig lang siya sa mahabang sinabi ni Aling Lorna tungkol kay Ason. Sa bawat salitang binibigkas nito. Napansin niya na may halong awa iyon. Bigla tuloy siya na-intriga sa pagkatao ni Ason. At base sa mga sinasabi ni Aling Lorna at sa paraan ng pagsasalita nito tungkol kay Ason parang may nahihimigan siyang mas nakakaawa pa sa salitang awa. Namalayan na lang niya ang sarili na inaantok sa mga kwento ni Aling Lorna tungol sa binata.

Mahal Kita Ason!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon