37 (Anxiety)

270 2 0
                                    

Gulong-gulo ang takbo ng isip ni Claire pag-uwi niya sa apartment niya. Nag-aalala siya sa magiging takbo ng buhay nila ng matanda.  Saan siya kukuha ng pera? Paano ang pinag-hirapan niya? At bakit kailangan pang gawin sa kanya iyon ng Tita Sophia niya?Mgatanong niya sa isipan. Gusto na niyang maglaho na parang bula. Bukod sa pagbabayad niya sa apartment buwan-buwan. Pagkain pa nila araw-araw. Pinautang siya ni Abby kanina ng three thousand ngunit sa tingin niya ay kulang na kulang. 

“Nandito na po ako!”aniya pagpasok na pagpasok niya sa gate.

Animo'y nawala lahat ng alalahanin niya sa buhay nang salubungin siya ng matamis na ngiti ng matanda. Mukhang masaya ito sa ginawa nitong pag-benta sa bahay nito at sa pagbigay ng sarili nitong pera sa isang charity program para sa mga batang hindi naka-pag-aral.

“Hija! Halika at kumain ka na!”saad ng matanda. Pinilit niyang ngumiti kahit nalulungkot siya.

“Kamusta ho kayo dito Lola? Sigurado akong inip na inip kayo dito. Wala ho kasi akong telebisyon kaya wala kayong mapaglilibangan dito”pahayag niya sa matanda. Maliit lang ang apartment niya. Kwarto at kusina. 'Yung ordinaryong mga apartment-type.

“Wag mo akong alalahanin dito dahil wala naman akong hilig sa T.V”nakangiting responde ng matanda. Pinaghain siya nito ng kanyang makakain“Damihan mo ng kain ha?”pa-alala pa nito. Magiliw niya itong nginitian.

“Bakit ho parang napakasaya niyo ngayon Lola?”tanong niya habang nagsisimulang kumain.

“Natutuwa kasi ako sa mga batang nakilala ko kanina sa kumbento. Sa kanila ko kasi naisipang ibigay ang pera ko. At natutuwa ako na mukhang napakalaking tulong niyon sa kanila. Baka nga kulang pa. Hay~ nakakatuwa talaga silang tingnan. At saka, napakasarap sa pakiramdam na natulungan ko sila kahit sa simpleng paraan lang. Nag-sisisi ako na dapat matagal ko nang naisipang ibigay sa mga nangangailangan ang mga bagay na meron ako noon!”pahayag ng matanda.

“Hay~ Lola!”naiiling niyang sambit.

'Kung alam niyo lang ho na, ako ang nahihirapan sa paghagilap ng pera'sa isipan niya.

Mahal Kita Ason!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon