15 (Claire's strange thought)

330 5 0
                                    

“Badtrip?puna ni Aling Lorna sa kanya nang pagbuksan siya ng pintuan ng gate. Nagtaka ito nang makita siyang nakasimangot. Madalas ay naka-ready na ang smile niya sa t’wing pagbubuksan siya nito. Kaya naman animo’y naninibago ito nang mapansin siya sa ganoong temperatura ng mukha.

“Hindi ‘ho, may iniisip lang”aniya dito tsaka napilitang ngumiti. Ngumiti ito bago kinandado ang pintuan ng gate.

“Hay~ naku hija. Wag mong masyadong dibdibin ang buhay, bata ka pa!”sabi na lang nito. Marahil kahit hindi niya aminin dito. Basa nito na mayroon siyang problema.”Kung may problema ka ‘man, wag mong sarilinin. Hangga’t may mga taong nagmamahal sayo. Mas madali mong mahaharap ang problema”ani Aling Lorna.

“Marami na ho akong naging problema Aling Lorna, bata pa lang ako, punong-puno na ako ng problema. Kung tutuusin, itong problema ko ngayon wala pa sa kalingkingan nang naging problema ko noon”aniya dito.

Napabuntong-hininga lang ito. Namalayan na lang niya ang kanyang sarili na ikini-kwento lahat ang mga pinagdaanan niya sa buhay. Simula ‘nong iniwan siya ng mga magulang niya na hindi niya alam kung anong dahilan. Hanggang sa alagaan siya ng Tita Sophia niya at hanggang problema pa kay Raffy. Napangiti pa ito nang matapos niyang ilahad lahat iyon dito.

“Kailangan mong makausap Tita Sophia mo, nagpapadala ka ba sa kanya ng pera?”tanong ni Aling Lorna.

“Nong nasa apartment pa po ako ay sa Tita ko binibigay lahat ng sinesweldo ko. Ngayong nandito na ako, hindi pa ako nakakabigay sa kanya ng pera. Isa pa po, hindi ko siya makontak. Off ang cp niya sa t’wing tatawagan ko. Tapos ‘nong makita ko siya noong isang araw ay nagtataka ako kung bakit iniiwasan niya ako!”aniya dito. Napakunot-noo ito sa sinabi niya bago natigilan sandali.

“Alam mo ba kung bakit nandito ka sa bahay ni Madam Dina?”tanong nito sa kanya.

“Oho, pansamantala lang daw ‘ho ako dito at tsaka malayong kamag-anak daw ni Tita Sophia si Madam Dina kaya ayos lang kahit medyo tumagal ako dito”nakangiti niyang sagot.

“Hindi ba sinabi nang Tita Sophia mo na malaki ang pagkakautang niya kay Madam Dina? Sa pagkakaalam ko ‘ata eh, ikaw ang pinambayad ng Tita mo sa utang niya kay Madam Dina. At hindi sila mag-kaano-ano hija!”pahayag ni Aling Lorna. Natigilan siya sa sinabi ni Aling Lorna.

“Naku, baka ho nagkakamali kayo diyan. Hindi naman po siguro”tanggi niya sa sinabi nito kahit napapa-isip siya.

“Hay~ talagang dapat mo nang kausapin Tita Sophia mo sa bagay na ‘yan! Kumain ka na ‘muna hija!”anito.

Napatango lang siya sa sinabi nito ngunit sa totoo lang ay nawalan siya bigla ng ganang kumain sa sinabi nito.

“Si Madam Dina po?”tanong na lang niya dito.

“Ssshhh, kung maaari hija, wag mo munang kausapin si Madam Dina. Malaki ang problema non ngayon. Nag-aaway kasi sila ng asawa nitong si Mr. Thompson dahil kay Ason. Pinapaluwas ng States ni Mr. Thompson si Ason, ayaw ni Madam Dina”tsismis sa kanya ni Aling Lorna. Natahimik na lang siya sa sinabi nito.

“Halika na sa loob at ipaghahain kita!”yaya nito sa kanya.

“Sige lang ‘ho susunod na lang ho aq!”aniya dito.

“O sige! Maghahain na ako ha? Sumunod ka sa loob!”anito.

“Oho!”

Nagpalakad-lakad siya sa pool bago umupo sandali sa may bermuda grass. Hindi niya alam kung anong uunahing isipin. Kung ang Tita Sophia niya ba, Madam Dina, si Raffy, si Abby at si--Ason? Kasama ba sa option niya si Ason? Bakit ganun? Sumisingit na lang madalas si Ason. Wala namang kinalaman problema niya sa taong iyon. Ano bang espesyal na ginawa sa kanya ni Ason? Wala naman. Napapakunot-noo lang siya dahil nakaramdam siya ng init. Para bang mayroong tumitingin sa kanya. Napalingon siya sa likuran niya kung may tao.

Sa tagiliran, sa unahan. Lahat ng parte ng bahay na iyon ay tiningnan na niya ngunit wala namang tao. Siya lang naman ang tao duon. Napatingala siya bigla sa taas ng bahay ni Madam Dina bago niya lang napansin duon si Ason na nakadungaw sa kanya. Sa taas ng terrace. May hawak-hawak na naman itong alak. Ngumiti pa ito nang mapansin niya. Halata naman na kanina pa siya tinitingnan nito. Kung naging mayabang lang siya ay iisipin niyang attracted din sa kanya si Ason. Bakit mayroong ‘din? Ayaw man niyang aminin sa sarili niya ngunit attracted siya kay Ason. Hindi niya alam kung bakit. Nakita kaya nito ang pag-iyak-iyak niya kay Aling Lorna habang nilalahad problema niya? Mabilis na lang siyang tumayo bago sinulyapan si Ason na nakatingin sa kanya. Kaya pala, biglang napasingit sa pinoproblema niya si Ason. Kibit-balikat na tinungo na lang niya ang daan papunta sa kusina upang kumain na.

Mahal Kita Ason!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon