“Hi Claire!”nagulat siya sa salubong na iyon sa kanya ni Raffy habang nag-eencode siya.
“O, hi musta?”aniya na naiilang sa tingin nito.
Nakatingin siya sa monitor ng PC niya. Ngunit batid niyang nakatitig sa kanya si Raffy kaya nawalan siya ng gana sa ginagawa niya.
“Hindi ka ba mag-la-lunch?”maginoong tanong nito sa kanya. Napatingin siya bigla sa relo niya. Ngayon lang niya na-realize na tanghali na pala. Masyado niya yatang seneseryoso ang trabaho kaya kahit oras ng pagkain ay nakalimutan na niya. Hindi naman kasi siya nakakaramdam ng gutom.
“Busog ako!”tipid niyang sagot kay Raffy. Napakamot ito sa batok.
“Swear? O ayaw mo lang akong kasabay?”anito.
Napahinto na siya sa ginagawa bago sinilip ang ilang mga cubicle kung mayroon pang hindi nag-la-lunch. Doon niya lang napansin na absent si Abby. Pagpasok na pagpasok agad niya sa opisina ay trabaho ang tinuonan niya ng pansin kaya hindi niya napansin na absent ang kaibigan.
“Sige na ‘nga!”napilitan niyang sagot bago tumayo.
Napangiti naman si Raffy. Kinuha niya ang bag bago nakisabay kay Raffy.
“San mo gusto kumain?”tanong ni Raffy.
“Sa malapit lang, sa likod ng building!”responde niya habang papunta sa elevator.
“Bakit don?”takang tanong nito.
“Para makabalik agad tayo sa trabaho”simpleng sagot niya.
“Ayoko ‘dun, sa iba tayo.”anito
Napakunot-noo lang siya sa sinabi nito. Hindi niya ugaling magbigay ng malisya lalo na sa katrabaho niya. Kung magsalita kasi ito'y animo'y mayroon silang relasyon. Sabay lang naman sila mag-lalunch. Lunch lang naman, bakit kailangan pa sa ibang lugar?
BINABASA MO ANG
Mahal Kita Ason!
Mystery / Thriller“I don’t meet you when you were still baby or during your acquiring knowledge but I know you. Those ill-mannered of yours tell you who you are, a lonely and rare man like you who kept hiding in a roughly behavior di ba?”she muttered, unavoidably and...