“Uy, bakit wala ka kahapon ha? Hinahanap ka ng Raffy ko! Nagseselos tuloy ako!”salubong kay Claire ni Abby sa opisina pagpasok na pagpasok niya. Pinayagan siya ng matanda na pumasok sa trabaho. Marahil, naaawa din ito sa kalagayan niya. Kahapon ay hindi siya pinayagan ng matanda na pumasok sa trabaho kaya nagpapasalamat siya na nagbago ang isipan nito kinabukasan.
“Maraming nangyari eh!”matipid niyang sagot bago tinungo ang table niya. “Saan na si Raffy mo?”tanong niya kay Abby nang makaupo na siya sa table.
As usuall, dahil kalahati at isang araw siyang absent nakatambak na naman ang mga bagong profile na i-encode niya at ipa-fa-file.
“Naku, busy ‘yun ngayon. Kahapon pumasok pero ngayon may aasikasuhin ‘daw siya. Meron na naman kasi tayong kliyente na hindi na naman nagbabayad ng utang kahit dinadaan na sa dahas.”balita agad ni Abby.
Napakibit-balikat lang siya sa sinabi nito. Marami silang ganoong kliyente. Mahirap singilin.
“Kamusta ka naman sa tinitirhan mo? Sabi mo weird ang mga nakatira ‘doon? Pano mo nasabi?” tanong sa kanya ni Abby.
Nagdadalawang-isip siyang magkwento dito ngunit hindi na rin niya napigilang magkwento. Hindi niya ibig na isinosolo lang lahat. Ngunit may limitasyon parin ang paraan ng paglahad niya ng kwento. Hindi masyadong detalyado. Hindi niya nabanggit ang kagaspangan ng ugali ng lalaking anak ni Madam Dina.
“O? Baka naman masaya na ‘yung matanda kasi may kasama na siya sa bahay niya!”ani Abby.
“Hindi natin masabi!”tipid niyang sagot habang sinisimulan ang trabaho.
“Kamusta na Tita Sophia mo?”maya-maya’y usisa nito. Natigilan siya sa tanong nito at sa profile na nakita niya sa kanyang harapan.
“Hoy Claire! Tinatanong kita!”ginulat pa siya ni Abby dahil wala siyang kibo na nakatingin sa nakatambad na papel sa harapan niya. Napatingin din ito sa profile na hawak hawak niya tsaka pinaglipat-lipat ang tingin sa kanya at sa profile.
“Si Tita Sophia mo yan di ba? Umutang siya dito?”kinuha nito sa kanya ang papel bago binasa.”Nang five hundred thousand?”
Tumingin lang siya dito. Inagaw niya ang profile ng Tita Sophia niya dito.
“Alam mo ba tungkol dyan Claire?”tanong sa kanya ni Abby.
Napailing lang siya. Sa totoo lang ay nagulat siya at naguguluhan sa nangyayari. Bakit naman mangungutang ng ganoong kalaking halaga ang Tita niya? At nagkataon pa nasa kompanya pa nila? Sinulyapan niya kung kailan ito nag-utang.
Date: November 18, 2012
'Kahapon lang?'
“Wow! Mukhang may pinapatayong business ang Tita mo ah! What do you think?”positive na tugon ni Abby. Napailing siya sa sinabi nito.
“Sa tingin ko may mali!”kontra niya dito.
Nagkataon na absent siya kahapon kung hindi baka magtagpo silang dalawang mag-tita. Simula nang maka-graduate siya, nagsimula na siyang maghanap ng trabaho at natanggap naman siya sa kompanyang ito. Hindi niya nababanggit sa Tita niya kung ano o saang kompanya siya nag-tatrabaho. Wala na rin itong pakialaman sa kanya simula nang maka-graduate siya. Humihingi ito sa kanya ng two-thousand sa tuwing magsesweldo siya noon. Minsan nga ay dinodoblehan niya ng pagbibigay dito kaya nagtataka siya ngayon kung bakit pa nito nagawang mangutang ng ganoong kalaking pera. Anong balak nito sa kalahating milyon? Lalo siyang kinakabahan ngayon dahil pagkatapos nitong ipalipat siya ng matitirhan ay hindi na nito nagawang itext pa siya. Malamang ay mayroong mali. O napapraning lang siya?
“Ano bang mali ang iniisip mo Claire? Ikaw naman, sari-sari ka naman kung mag-isip! Siguro naman sa mabuting paraan gagamitin ng Tita mo ‘yung pera na inutang niya no!”tugon ni Abby na ngingiti-ngiti pa. Wala itong alam sa nangyayari kaya tumahimik na lang siya.
Kahit tuloy-tuloy ang trabaho niya ay malalim pa rin ang nilalakbay ng kanyang kaisipan. Kahit dumaan na ang lunch ay hindi pa rin mawala sa isip niya ang Tita Sophia niya. Nag-aalala siya dahil hindi pa ito nagpaparamdam at hindi pa rin nagtetext.
BINABASA MO ANG
Mahal Kita Ason!
Mystery / Thriller“I don’t meet you when you were still baby or during your acquiring knowledge but I know you. Those ill-mannered of yours tell you who you are, a lonely and rare man like you who kept hiding in a roughly behavior di ba?”she muttered, unavoidably and...