“O ano Lola? San ho ang ating tuloy?”nang-iinsulto niyang saad sa matanda habang sakay sila ng taxi. Dala-dala mga gamit nila. Ang masaklap pa neto'y nakasakay sila sa taxi. Kaya malamang, mas madali silang mauubusan ng pera sa ginagawa nila ng matandang kasama niya.
“Tahimik!”sita ng matanda.
‘Hay~ kung hindi ka lang matanda ay sinuway ko na mga utos mo!’paghihimutok niya sa sarili habang katabi ang matanda na animo’y natutuwa sa mga pangyayari sa buhay nito.
“Manong! Pakibaba na lang ho kami sa pasig palengke. Paki-ikot na lang sa unang street tapos ako na ang bahala pumara!”hindi nakatiis na turan niya sa driver nang taxi.
Ang lugar na tinutukoy niya ay ang dati niyang apartment ‘noong hindi pa siya nakatira sa bahay ni Madam Dina. Napakunot-noo sa kanya ang matanda.
“Hmmm? Lola? Wag na kayong magtatanong. Ako ng bahala. Duon ho tayo sa dati kong apartment. Kakausapin ko lang ang may-ari ng apartment para sa susi. Problema neto, male-late na naman ako sa trabaho ko! Hay~ palagi na naman akong late!”mahaba niyang pahayag na nakatingin sa malayo bago niya napansin na may dumaang eroplano mula sa langit. Ason. 'Kamusta ka naman ngayon sa bago mong mundo? Ingatan mo sarili mo ha? Iingatan ko din si Lola!'
BINABASA MO ANG
Mahal Kita Ason!
Mystery / Thriller“I don’t meet you when you were still baby or during your acquiring knowledge but I know you. Those ill-mannered of yours tell you who you are, a lonely and rare man like you who kept hiding in a roughly behavior di ba?”she muttered, unavoidably and...