38 (Raffy's last words)

268 3 0
                                    

“Pasensya ka na Raffy! Baka sa susunod pa na buwan ako magbabayad sayo para sa utang ng Tita Sophia ko! Pasensya na talaga”saad ni Claire kay Raffy nang minsang magkasalubong sila nito sa daan.

“Ayoko nga!”reklamo ni Raffy. Nagtatakang napatingin siya kay Raffy pero ngiti lang nito ang nakita niya.

“Raffy naman-----“

“Ayoko ng magbayad ka sa susunod na buwan dahil ako na ang bahala! Di ba sabi ko sayo na tutulungan kita? Magtulungan tayo!”saad ni Raffy. Napapalunok siya sa sinabi nito. Mukhang kinain niya ng lahat ang mga salitang binitawan niya kay Raffy.

“O? Wag mo na akong pagagalitan ha? Final na 'yung sinabi ko”tugon ni Raffy.

“Wag ka mag-alala! Sa susunod, magbabayad na talaga ako!”

Napatitig ito sa kanya bago hinawakan ang magkabila niyang balikat.

“Hindi mo ba talaga naiintindihan lahat, Claire? Ginagawa ko ‘to hindi para mag-pa-impress sayo o humingi ng espesyal na kapalit kundi dahil dito ako masaya. Ayokong makita kitang nahihirapan kaya kahit sa simpleng paraan lang na ganito. Hayaan mong tulungan kita!”saad ni Raffy.

“Ra-Raffy!”

Hindi niya ito magawang tingnan sa sinabi nito. Sa tingin niya’y parang wala na siyang ibang pagpipilian kundi sundin ang gusto nito.

“Kalimutan mo muna ang pride mo miss beautiful!”saad pa nito bago pinisil ang ilong niya at kinindatan siya.”Magtiwala ka sakin Ok?”

“Alam ko naman na hindi mo ako mahal! Hindi ako tanga para hindi maramdaman yun! Kaya kahit, we dont have a mutual feelings. Hayaan mong tulungan kita sa problema mo!”dagdag ni Raffy.

Napabuntong-hininga siya sa sinabi nito bago nag-aalinlangang sinalubong ang mga titig nito. 'Sana sa tao na lang na 'to ako nagka-gusto. Hindi sana ako nahihirapan.'sa isipan niya habang nakatingala dito.

Mahal Kita Ason!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon