22 (Raffy)

293 3 1
                                    

Matamlay na umupo si Claire sa kanyang silya nang makarating na siya sa opisina. Gumising siya ng maaga upang makita lang sana ang Tita Sophia niya ngunit wala rin silbi ang ginawa niya.

“Anong nangyari diyan sa mata mo?”tanong ni Karen nang mapadaan ito sa table niya.

“Wa-wala!”tipid niyang sagot bago hindi ito pinansin. Napabuntong-hininga lang ito bago may binigay na mga papel sa kanya.

“Since, late ka ngayon. Paki-attach na lang ito. Kailangan na kasi ‘yan ni Mr. Mendoza. Paki-pirmahan mo na rin at ikaw na magbigay sa kanya”anito.

Si Mr. Mendoza na tinutukoy ni Karen ay ang accountant executive ng kompanyang pinagtatrabahuhan nila. Wala sa loob na kinuha na lang niya ang papel na binigay nito. Kahit trabaho iyon ni Karen ay hindi na lang siya kumibo dahil na-late naman siya ng pasok. Napalingon siya sa pintuan ng opisina nang mahagip ng paningin niya si Abby. Kakatapos lang ng lunch hour nito kaya galing sa labas. Napatingin din ito sa gawi niya ngunit hindi siya nito nagawang ngitian. Hindi niya ito masisi kung bakit nagtatampo sa kanya.

“Well, mukhang nawalan ka ata ng kaibigan!”nakakainsultong saad ni Karen bago umalis sa harapan niya. ‘Kahit kelan talaga may mga taong panira sa buhay!

Nababadtrip na ginawa na lang niya ang trabahong inutos nito bago nagmamadaling umalis upang pumunta sa ika-anim na palapag ng building na pinagtatrabahuhan niya. Sa ika-anim na palapag ang opisina ng mga executive ng kompanya nila. Nasa tapat na siya ng elevator nang makita si Raffy. Bahagya pa itong natigilan nang makita siya.

“O Claire, san ka?”tanong ni Raffy.

Itinaas niya ang hawak-hawak na papeles bago ito sumagot”Ibibigay ko ito kay Mr. Mendoza!”sagot niya. Natigilan siya nang pagmasdan siya nito.

“Anong nangyari diyan sa napakaganda mong mata? Umiyak ka ba kagabi?”

“Ha?”iniwas niya ang mukha dito upang hindi nito mapansin.

“Umiyak ka kagabi noh? Bakit? Ano problema?”tanong nito.

“Wala ka na dun! Tumabi ka na lang diyan dahil ibibigay ko pa itong hawak ko kay Mr. Mendoza”aniya. Napakibit-balikat lang ito sa sinabi niya.

“Ako na gagawa niyan. Isa pa, hindi mo naman talaga ‘to trabaho. Tsaka, nag-aalala ako na baka magka-interes pa sayo si Mr. Mendoza. Kilalang babaero pa naman ‘yun!”katwiran nito bago inagaw ang hawak-hawak niyang papel. Wala na siyang nagawa nang makuha nito ang hawak-hawak niya kaya pinaubaya na niya.

“Sige, ikaw ng bahala diyan!”aniya bago akmang tatalikod.

“Sandali lang naman”anito.

“Ano ba ‘yun?”

“Tungkol sa Tita mo. Hinahanap mo ba siya?”

“Bakit mo natanong? May koneksyon kami sa isa’t isa kaya bakit ko siya hahanapin?”pagsisinungaling niya.

“Kung ganun alam mo kung nasaan siya?”

“Oo!”pagsisinungaling niya. Natahimik lang ito

“Kaya kung sisingilin mo siya. Magbabayad ako sayo mamaya. Kapag nakuha ko na sweldo ko sa ATM! Ako ang magbabayad sayo”aniya dito bago ito iniwan.

Mahal Kita Ason!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon