Nakakapagod. Kasalukuyang nilalakad ni Claire ang kahabaan ng kalye ng subdibisyon. Pagod na pagod siya sa trabaho. Absent si Abby, ‘yung trabaho nito ay siya na ang gumawa. Nanlalabo na ang mga mata niya dahil sa pagod. Sigurado siyang marami na namang iuutos sa kanya si Madam Dina pagdating niya. Hindi naman kasi siya basta-basta na lang makaka-pagpahinga. Alam naman niyang kaunti lang ang mga ginagawa sa bahay nito dahil nandoon naman si Aling Lorna. Ngunit sa tingin niya ay maselan sa kaunting dumi si Madam Dina kaya malamang na uutusan siya nito. Natigilan siya sandali nang mapansin ang pamilyar na aura ng lalaki na papalakad pasalubong sa kanya. Napakunot-noo lang siya nang masilayan ang mukha nito mula sa malayo. Si Ason. Medyo madilim sa gawi nito. Ang umiilaw lang ay ang hawak-hawak nitong sigarilyo.
‘Sobrang tangkad naman nito.’sa isipan niya. Hindi niya alam kung anong pumasok sa isipan niya ngunit nawala ang pagod niya nang makita ito. Bagkus, naglulundag sa kaba ang dibdib niya. Hindi niya alam kung bakit. Kung sa takot o dahil sa kakaibang presensiya nito. Napalunok siya bigla nang tingnan siya nito bago tumaas lang dalawang kilay nito bilang pagbati. Medyo weird ngunit dire-diretso na ito sa paglalakad. Gusto niyang tanungin ngunit biglang umurong dila niya. Isa pa, nagkalampasan na sila. Alangan namang habulin pa niya ito. Basta, bahala na lang ito sa buhay nito. Wag dapat siyang makialam. Dire-diretso na ang lakad niya nang mapansin ang dalawang lalaking papalakad din pasalubong sa kanya.
“Humanda sakin ‘yung ungas na ‘yun. Papakulong ko siya!”narinig niyang sambit ng lalaki habang naglalakad. Hindi niya sinasadyang marinig ang sinabi nito dahil nagkataong nagkakasalubong sila. Kinabahan siyang bigla sa naiisip. Ngunit sana ay mali ang hinala niya.
“Tinawagan mo na sina Reynaldo? Sabihin mo, nag-iisa ngayon ang demonyong si Ason.”
Napapikit siya nang marinig ang pangalan ni Ason. Kinabahan lalo siya nang tingnan siya ng isang lalaki bago dire-diretsong lumakad. Hindi niya naiwasang lingunin ang mga ito. Ngunit sa tingin niya ay mayroong masamang balak ang mga ito kay Ason. Napapakamot siya sa ulo kung anong dapat niyang gawin.
Ano nga ba? Mayroon ba siyang maitutulong kung sakaliman na tulungan niya si Ason. Baka siya pa ang tulungan nito. Ngunit kawawa naman iyong tao. Mukhang susunggabin ng buong barangay. Kawawa naman si Ason kapag nagkataon. Hindi niya napigilang umatras ng lakad upang sundan kung saan papunta ang mga ito. Kung sakaliman na bugbugin nila si Ason. Siya ang tatawag ng pulis at ipapahuli ang mga lalaking mambubugbog dito. Ngunit paano kung si Ason ang makulong dahil ito ang pinaghahanap ng mga pulis?
Nagtataka siya sa sarili niya kung bakit nakasunod pa rin siya sa dalawang lalaki. Babalik na sana siya pabalik sa bahay ni Madam Dina nang biglang tumakbo ang dalawang lalaki. Kinabahan siya. Biglang sinugod ng mga ito si Ason. Napapalunok na diniretso niya parin ang lakad. Bakit ba bigla na lang naging ganito kagulo ang buhay niya simula nang tumira sa bahay ni Madam Dina. Coincedence lang ba? Sinadya?'Or should I say destiny?'
Natigilan siya nang hindi na makita ang dalawang lalaki na kanina lang ay sinusundan niya. Tumakbo na rin siya upang malaman kung ano talagang nangyari. Nabigla na lang siya nang sumalubong sa kanya ang dalawang lalaking nagsusuntukan. Si Ason at ang isa sa lalaking nasalubong niya na gigil na gigil kay Ason. Ang isang lalaking kasama nito ay halos hindi na makabangon dahil sa mga sugat nito sa katawan at bugbog nito. Nabugbog na ito ni Ason bago pa siya makarating. Sunod-sunod na lunok ang pinakawalan niya nang makita niya kung paano pinatumba ni Ason ang kaaway nito. Nagsisisi siya na sumunod pa siya. Bakit ba hindi niya naisip na kaya ni Ason ang sarili nito? Bakit ba bigla na lang siya nag-alala? Kinabahan siya nang mahagip siya ng tingin ni Ason. Animo’y isa siyang tuod na nakatingin lang dito. Napapakagat-labi na tumalikod siya at aakmang lalakad pabalik.
BINABASA MO ANG
Mahal Kita Ason!
Mystery / Thriller“I don’t meet you when you were still baby or during your acquiring knowledge but I know you. Those ill-mannered of yours tell you who you are, a lonely and rare man like you who kept hiding in a roughly behavior di ba?”she muttered, unavoidably and...