12 (Ason's indecent manner)

371 7 0
                                    

Hating-gabi na ngunit hindi pa rin dinadalaw ng antok si Claire. Samantalang kanina naman ay pagod na pagod siya kaya gustong-gusto na niyang magpahinga agad. Ngayong nakahiga na siya’t lahat hindi parin siya dalawin ng antok. Ewan ba niya, may gumugulo sa isipan niya. O guni-guni lang niya lahat iyon? Naiinis siya sa sarili niya. Ayaw man niyang aminin ngunit alam niya sa sarili kung bakit hindi siya dalawin ng antok. Dahil iyon kay Ason.

Hay~ ano bang nakita ko sa lalaking ‘yun at hindi siya mawala sa isip ko?’usisa niya sa sarili habang nakatingin sa kisame. Gusto niyang matulog ngunit hindi naman sya makatulog. Maya-maya’y natigilan siya nang may marinig na ingay mula sa labas. Sisilip pa lang sana siya sa bintana nang may mapansing maliit na bato na nakapasok sa bintana ng kwarto niya.

Sino naman sira-ulong tao ang bumabato sa bintana ko ng dis-oras ng gabi?’sa isip-isip niya bago dahan-dahang binuksan ang bintana niya. At sinilip kung sino gumawa niyon. Sisilip pa lang sana siya nang bigla siyang tamaan ng maliit na bato sa kanyang ulo.

“Aray!”reak niya bago biglang sinapo ang ulong tinamaan ng maliit na bato. Eksaktong pagtingin niya sa ibaba. Nahagip ng tingin niya si Ason na nakatingala sa kanya.

Natigilan siya habang nakatingin ito sa kanya. Sinenyasan siya nitong bumaba siya at pagbuksan ng pinto. Para naman siyang isang robot na bigla-bigla na lang kumilos ng mabilis upang pagbuksan si Ason. Nawala na ng tuluyan ang antok niya. Sunod-sunod ang kabog ng dibdib niya habang dahan-dahang bumababa sa hagdan. Hindi dahil sa baka magising si Madam Dina kundi dahil makikita na naman niya si Ason? Tama nga ba? Mabilis naman siyang nakarating sa gate bago dahan-dahang binuksan ang gate ng bahay. Mabilis siyang huminga ng malalim nang masalubong ang tingin ni Ason. Namumula mga mata nito. Lasing ba ito?

“Bakit di ka pa natutulog?”salubong agad ni Ason sa kanya. Hindi pa ito nakakapasok sa loob ng bahay. Nakasandal ang isang kamay nito sa may pader. Na kung titingnan sila sa labas ng gate ay iisipin na parang hinahalikan siya ni Ason. Hindi siya kumportable sa ayos nila dahil halos isang dipa na lang ang layo nila sa isa’t-isa.

“Kung matutulog ako, sa tingin mo ba may bubukas ng gate para sayo?”aniyang nilalabanan ang mga mata nitong umaapoy na sa pula. Abnormal ang mata nito na hindi niya mawari kung saan gawa.

“Kanina pa ako dito Miss Taray, kanina pa rin bukas ang ilaw ng kwarto mo kaya nga binato ko na bintana mo para hindi na ako umakyat pa sa puno para lang makapasok sa loob ng bahay!”mahabang katwiran nito na iniba na ang tingin. Mula sa mata niya ay napatingin ito bigla sa labi niya. Bago nakakalokong sumulyap muli sa kanya.

“O? Ehh bakit hindi ka pa pumapasok?”aniyang umatras bigla. Baka mayroong gawing hindi maganda sa kanya ang taong kaharap niya lalo na’t magkalapit lang sila. Ngunit wala naman siyang napansing amoy alak dito habang nagsasalita. Hindi ito lasing, o talagang mapupula lang talaga mga mata nito. Malamang ay nag-da-drugs ito kaya mukhang adik ang mata.

“Talaga? Sure ka ba? Papapasukin mo ako dyan sa-------?”anitong nakakaloko. Sinipa niya bigla ito sa paanan nito.

“Bastos!”aniya. Napahalakhak ito bigla sa sinabi niya.

“Hey! I didn’t say anything. Kung meron man bastos sa atin, ikaw ‘yun. You’re making those words green!”anitong nang-uuyam.

Hindi niya pinansin ang sinabi nito sa halip ay tinalikuran na niya ito. Nagulat siya nang bigla siya nitong hapitin sa baiwang.

“Ano ba?”asik niya habang pilit na inaalis ang kamay nito sa baiwang niya. Nagsisisi tuloy siya nang pagbuksan niya ito.

“Why? First time mo bang mahawakan sa waist?”tanong nito. Sukat sa sinabi nito ay hindi na siya nakatiis na pagbuhatan ito ng kamay.

“Napakabastos mo! Kung gusto mong respetuhin pa kita, marunong ka rin sanang rumespeto sa kapwa mo! Bwisit!”litanya niya bago nagmamadaling iniwan ito.‘Bwisit na lalaking ‘yun!’

Nagmamadaling inakyat niya ang hagdan pabalik sa kwarto niya bago biglang ni-lock ang pintuan niya. Bago biglang inilundag ang sariling katawan sa malambot na kama. Mas lalo siyang hindi dalawin ng antok sa nangyari kanina. Bakit kaya ganun ganun na lang kung bastusin siya ni Ason? Ganun ba talaga ugali non? Pano pala kung sumama siya kanina dito nang yayain siya nitong sumama? Mas malala pa nangyari sa kanya, o mas malala pa ginawa nito sa kanya. Bakit ba nag-fefeeling siya na mabait din si Ason? ‘Hay~ ayoko ng tumira dito! Bakit ba ako napunta sa lugar na ito?’sigaw ng isip niya.

Natigilan siya bigla nang may marinig na mahihinang katok mula sa pinto niya. Alam niyang si Ason adik iyong kumakatok. Bigla niyang pinatay ang ilaw ng kwarto niya. Hudyat na matutulog na siya. Hinding-hindi niya bubuksan ang pintuan dahil baka pasukin pa siya ng demonyong bwisit na si Ason.

Mahal Kita Ason!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon