“Late ka na naman”salubong ni Raffy kay Claire nang makita siya nito. Natigilan ito nang mapansin siyang tahimik lang na umupo sa kanyang table.
“May problema ba? Claire. Mukhang masama ang timpla mo ah. Sabagay, madalas ka namang ganyan”parinig pa ni Raffy bago siya pinagmamasdan.
Sa totoo lang, wala talaga siyang balak pumasok. Sa sobrang bilis ng pangyayari. Parang gusto na niyang masiraan. Bumalik sa isipan niya ang ipinahayag ni Ason ng dalawin niya ito sa kulungan.
‘Mas masakit pa yan sa nararamdaman ko ngayon ‘nong piliin mong sumunod sa utos ng matanda na ipakulong ako. Iniisip ko pa lang na nagustuhan kita, masakit na eh, isipin pa kayang kriminal na pala tingin mo sakin. Nakita mo na bang pumatay ako ng tao? Nambubogbog lang ako pero hindi ako pumapatay ng tao Claire! Tangina!’sinabi iyon ni Ason sa kanya ngunit tumatak sa kautakan niya.
“Eehhheeemmm”malakas na tikhim ni Raffy nang mapansin siyang nakatulala lang sa monitor ng PC niya.“Malayo ang~~~tingin”kanta pa nito. Natauhan siya bigla na napatingin sa gawi ni Raffy.
“Bakit?”nagtatakang-tanong niya.
“Sabi ko kung may problema ka?”ulit pa ni Raffy.
“Wa-wala!”
“Talaga?”
Nabigla siya nang hawakan nito kamay niya. At pinakita sa kanya ang namumula niyang braso.
“Sigurado kang wala? Anong nangyari sa braso mo? Mukhang inipit ng dalawang hollow blocks sa ‘pula ah!”pansin ni Raffy. Agad agad niyang binawi ang kamay niya dito.
“Pwede ba Raffy! Pwede ba, kahit ngayon lang. Tigilan mo muna ako? Pakiusap naman!”saad niya bago tumayo at tinungo ang table ni Abby.
Kahit kailan ay hindi siya natutuwa kay Raffy. Wala ito sa tamang timing. Kung kailan badtrip ang tao ay tsaka mangungulit.
“O? Ba’t nandito ka? Kamusta naman ang gawain mo dun? Gusto mong mapagalitan ni Karen?”nagulat na saad sa kanya ni Abby nang bigla siyang sumulpot sa table nito na isang cubicle lang ang pagitan.
“Bahala na siya sa buhay niya kung isusumbong niya ako kay Sir! Basta, dito lang muna ako!”sagot niya.
“Mukhang ang laki-laki ng dinadala mo ah. Namamaga na naman ang mga mata mo friendship! Naku, ang beauty, ingatan!”anito habang nag-eencode sa PC nito. Napangiti siya dito.
“Na-mimiss ko na Tita Sophia ko!”anunsyo na lang niya.
“Yun lang ba talaga? Alam mo friend, sa tagal na nating naging mag-friendship. Sa tingin mo, madadaya mo ako ng mga salita mong ‘yan? If I know, nagsimula ka ng maging ganyan simula nang lumipat ka ng bahay don sa sinasabi mong mga wierdo ang mga nakatira? Tama ba? Kaya nahawa ka na, maski ikaw ay naging wierdo na rin!”litanya nito. Napasimangot siya.
“Abby naman”reklamo niya.
“O? Walang mali sa sinabi ko, friend. Yun lang naman ang napansin ko! At kaya mo nasabi na na-mimiss mo Tita Sophia mo kasi siya ang dahilan kung bakit ka nandon? Nakatira kasama ang mga strangers and at the same time ay weird people”anito.
Basang-basa talaga ni Abby ang tinatakbo ng isip niya. Hindi siya makapaniwala na may naging kaibigan siya na tulad ni Abby na amoy na amoy ang nangyayari sa buhay niya kahit wala pa siyang sinasabing anupaman. Natigilan lang siya nang mapansin niyang umaliwalas ang mukha ng kaibigan. Nagtaka siya kung bakit kaya napalingon siya sa kanyang likuran niya. Kaya naman pala. Si Raffy lang pala.
“Hi honey my love so sweet!”palatak agad ni Abby nang makita si Raffy.”Anong masamang hangin ang nagdala sayo dito, sweetheart? Ha?”
Bahagya pa siyang sinulyapan ni Raffy bago ngumiti kay Abby.
“Wala. Meron kasing isang tao diyan na nang-iiwan lang basta basta ng bisita”pahayag ni Raffy na halata naman niyang pinariringgan siya.
Napakunot-noo si Abby bago siya sinulyapan.
“Hhmmm. So, hindi pala talaga ako ang pakay mo? Kundi itong friendship ko?”kunwa’y reklamo ni Abby. Sumimangot pa ito sa kanya. Hindi na niya napigilan tumayo.
“Hay~ sige..Mag-away kayo diyan! Layas na ako!”aniya bago tumayo.
“Na naman!”reklamo ni Raffy.
BINABASA MO ANG
Mahal Kita Ason!
Mystery / Thriller“I don’t meet you when you were still baby or during your acquiring knowledge but I know you. Those ill-mannered of yours tell you who you are, a lonely and rare man like you who kept hiding in a roughly behavior di ba?”she muttered, unavoidably and...