13 (Claire's annoyance)

368 5 4
                                    

“Hoy! May goodnews ako sayo!”bwelta ni Abby sa kanya nang makita siyang nakatulala lang sa monitor ng Computer niya.

“Goodnews sayo o sa akin?”aniyang halatang walang ganang makinig sa tsismis nito. Mabilis itong napa-iling.

“No! Goodnews para sayo. Kahapon kasi kinausap ako ni Raffy. Sinabi ko kay Raffy na pamangkin ka ni Tita Sophia. Sobrang kulit kaya sinabi ko na. Nabigla pa nga siya pero kinausap din niya ako na since Tita mo si Tita Sophia ay baka hindi na niya sisingilin sa utang si Tita Sophia mo o di ba? Napakabait talaga ni Raffy no? Siya ‘daw gagawa ng paraan para hindi na magbayad sa utang si Tita Sophia mo!”mahabang pahayag nito.

Napakunot-noo siya sa sinabi nito. Obviously, hindi niya nagustuhan ang binalita nitong goodnews. Uminit ang ulo niya sa sinabi nito. Kung hindi lang niya ito kaibigan ay baka kanina pa niya ito nasabunutan sa kadaldalan nito.

“Uy, bakit wala kang imik diyan?”kulit pa ni Abby. Hindi niya pinansin ang sinabi nito sa halip ay bigla siyang tumayo.

“San si Raffy?”seryosong-tanong niya dito. Nagtatakang napatingala ito sa kanya.

“Hindi daw siya papasok, maghahanap raw siya ng part-time job para makatulong sayo”sagot nito sa tanong niya.

Nainis siya sa kaibigan niya. Bobo ba ito? Hindi ba nito naisip na binigyan niya ng napakalaking responsibilidad si Raffy sa ginawa nito. Anong gagawin nito? Habambuhay na magtatrabaho at ito na ang mismong magbabayad sa utang ng Tita niya sa kompanya nila which is napakalaking halaga? Dalawang milyon at kalahati. Hindi ganoon kadaling kitain ang pera sa panahon ngayon. Ano bang naisip ni Abby at nasabi niya iyon kay Raffy? Samantalang wala siyang balak na sabihin kay Raffy na Tita niya si Sophia dahil may balak din siyang bayaran ang pagkakautang nito sa kompanya nila.

“San ba si Raffy?”naiinis na tanong niya sa kaibigan. Napalakas ang boses niya kaya ang ilang mga empleyado sa opisina ay napatingin din sa gawi nila. Nagulat si Abby sa naging reaksyon niya.

“Ba-bakit ba parang nagagalit ka? May nasabi ba akong masama?”ani Abby na napatayo na rin sa naging reaksyon niya. Nasapo niya sariling noo sa inis.

“Sinong hindi magagalit Abby? Ano ang naisipan mo at sinabi mo iyon kay Raffy? Hindi mo ba naisip na bibigyan mo ng problema si Raffy? Bakit mo ba kasi sinabi iyon? Hindi biro ang pagkakautang ng Tita ko sa kompanya na ito Abby, hindi dalawang piso kundi dalawang milyon. Kahit ilang taon ang itagal ko dito ay hindi ko agad iyon mababayaran tapos sinabi mo pa kay Raffy. Ano sa tingin mo gagawin ng tao na ‘yun? Hindi niya kamag-anak Tita ko pero siya ang gagawa ng paraan para mabayaran ang utang ng Tita ko? Isipin mo ‘nga Abby, at anong ihaharap ko kay Raffy? Anong sasabihin ko kay Raffy? Thankyou? Yun lang?” naiinis niyang pahayag dito.

Napayuko ito sa sinabi niya. Hindi naman niya sinasadya na mainis siya ng ganoon. Namomroblema na siya sa tinitirhan niya ay dumagdag pa si Raffy. Paano niya pipigilan si Raffy na tulungan siya sa pagbabayad ng utang ng Tita Sophia niya?

“Akala ko pa naman ay magugustuhan mo ang ibabalita ko sayo. Nag-ooffer lang naman ng tulong si Raffy”katwiran ni Abby. May katwiran nga ito ngunit paano naman ang pride niya? Kamag-anak niya Tita niya ngunit ibang tao ang tutulong sa sariling problema ng Tita niya? Ano ang magiging kapalit ng pagtulong ni Raffy sa Tita niya kung sakaliman?

Sabay silang napalingon ni Abby sa gawi ng pintuan nang makita kung sino ang pumasok ng opisina. Si Raffy. Napakunot-noo ito nang makita siya. Marahil ay nagtataka kung bakit nakatayo lang sila at wala sa sariling mga pwesto. Kahit ang ibang mga empleyado ay natahimik din nang makita si Raffy.

“O? Anong prolema dito?”nagtatakang tanong pa ni Raffy nasa gawi niya nakatingin. Napakibit-balikat lang siya sa tanong nito.

“Ayan! Mag-usap na lang kayo ni Raffy Ms. De los Santos.”suhestiyon ni Karen bago tinungo ang sarili nitong cubicle. Lumapit sa gawi nila si Raffy.

“Ano problema?”usisa sa kanya ni Raffy sa mahinahong boses. Parang wala talagang alam kung makapag-salita. Si Abby ang agad na tumalikod sa gawi nila bago mabilis na nawala sa harapan nila. Pinagpatuloy naman ng ibang empleyado ang mga ginagawa nila na parang walang nangyari.

“Pwede ba kitang kausapin sa labas?”sa wakas ay nasabi niya kay Raffy.

“Sure, san mo ba gusto tayo mag-usap?”nakangiting balik-tanong nito.

“Kahit saan, basta sundan mo na lang ako!”naiiritang sabi niya dito.

Pumanhik siya palabas ng opisina bago mag-isang tinungo ang elevator ng building. Nagkataon naman na sila lang dalawa ang nakasakay sa elevator.

“Mukhang mainit na naman ulo mo!”puna sa kanya ni Raffy. Tiningnan niya ito ng nakakainis na tingin.

“May nagawa na naman ba akong mali?”tanong pa nito. Napabuntong-hininga siya sa tanong nito.

“Mamaya mo na lang ako kausapin sa labas, okay?”aniya dito. Napangiti pa ito sa sinabi niya. Akala siguro nito ay nagloloko lang siya. 

Mahal Kita Ason!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon