30 (Aalis na si ASON?)

284 2 0
                                    

Natigilan sa paglalakad si Claire nang mahagip ng kanyang paningin ang dalawang naka-unipormadong lalaki na kakalabas lang sa malaking bahay ni Madam Dina. Nakasakay na ang mga ito sa sasakyan nang makalapit siya sa malaking bahay ni Madam kaya nawalan na siya ng pagkakataong tanungin ang mga lalaking nakita.

Ngunit hindi parin niya maiwasang kabahan at isipin na baka masasamang tao ‘yung dalawang lalaking lumabas ng bahay ni Madam Dina kaya nagmamadali siyang naglakad patungo sa loob ng bahay. Ngunit sa tingin niya, parang normal naman ang lahat nang pumasok sya sa loob ng bahay. Nakita niya si Madam Dina na nagluluto ng makakain nila.

“O? Nandito ka na pala”bati sa kanya ng matanda nang makita siya.

“Sino ho yung mga lalaking nanggaling dito ngayon-ngayon lang?”tanong agad niya habang hinuhubad ang ginamit niyang sapatos. Natigilan muna sandali ang matanda bago siya sinagot.

“Mga tauhan ‘yun ng dati kong asawa. Ki-kinuha nila ang mga naiwang gamit ni Ason dahil--”

“Dahil ano po?”nagtatakang tanong niya agad.

“I-isasama na niya si Ason at mamaya na ang---alis nila”pahayag ng matanda. Animo'y tinusok siya ng karayom ng sampung beses sa sinabi ng matanda.

“Pe-pero kanina lang, nakakulong pa si Ason ah!”nanghihina niyang saad.

“Kanina lang din nakalaya si Ason”anito”Mahal na mahal ni Mr. Thompson si Ason, hindi nito matitiis na tumagal ng dalawang gabi sa kulungan ang apo kong yun!”turan ng matanda.

“Kayo? Pano ho kayo? Papayag ho ba kayo na basta basta na lang talikuran ni Ason? Higit kanino paman ay alam kong kayo ang nasasaktan sa lahat ng ito pero bakit parang ok lang sa inyo? Bakit kailangan niyong magpakasama sa paninigin ni Ason kung pwede namang hindi?”hindi niya napigilang sabihin.

Wala siyang narinig dito kundi katahimikan. Hindi nito pinansin ang sinabi niya dahil tuloy-tuloy parin ito sa pagluluto. Napabuntong-hininga siya.‘Hindi ko na talaga ‘to kaya Lola!’sa isipan niya habang pinanunuod ito na para bang walang narinig.

“Kung ganun. Maari ko ho bang malaman kung saang airport sila sasakay?”tanong niya.

Nagtatakang  tiningnan muna siya nito bago nag-aalinlangan kung sasagutin ang tanong niya o hindi.

Mahal Kita Ason!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon