“O ang aga mo naman!”puna ni Aling Lorna kay Claire nang makita siyang bihis na bihis at nagmamadaling umalis. Matapos ang nangyari kagabi ay hindi na niya hinayaan pang magising si Ason. Hindi niya pinag-sisihan ang gabing ibinigay niya ang lahat kay Ason. Ang pinag-aalala niya lang ay kung ano ang magiging epekto ng gabing iyon sa pakikitungo nito sa kanya ngayon? Sa ngayon ay hindi niya muna iisipin iyon. Ang mahalaga ay masaya siya.
“Pupunta po kasi ako sa dati ko pong apartment. Aling Lorna, baka makapasok din ako sa trabaho kapag inagahan ko kaya ho kailangan ko na pong umalis!”aniya. Sa totoo lang ay nagmamadali talaga siya dahil ayaw niyang
“Hija, sandali lang! Aba eh, Hindi ka ba mag-aagahan?”habol-tanong sa kanya ni Aling Lorna. Pilit nitong sinisilip ang mga mata niya.”At anong nangyari dyan sa mata mo at namamaga? Nakatulog ka ba kagabi?”dag-dag nito.
Natigilan siya sa sinabi nito.
“Ha? Wa-wala ito Aling Lorna. Hi-hindi na ako mag-aagahan. Nagmamadali kasi ako!”aniyang iniwasan ang tingin nito bago nagmamadaling kinuha sa lagayan ng mga sapatos ang kanyang susuoting doll shoes bago nagmamadaling umalis. Nagtatakang nakamasid lang sa kanya si Aling Lorna. Tila nawewerduhan ito sa inaasal niya.
Bahagya lang siyang natigilan sa paghakbang nang mapadaan siya sa labas nang gate. Hindi siya nakatiis na tumingala sa third floor ng malaking bahay ni Madam Dina. Halata namang gusto niyang silipin si Ason.
‘Yung nangyari sa kanila kagabi. Ano ibig sabihin ‘nun para kay Ason?’sa isipan niya habang nakatingin sa taas ng bahay kung saan madalas tumatambay si Ason. Hindi niya kayang harapin ang lalaking iyon kapag nag-kaharap sila. Hindi niya alam ang sasabihin kay Ason.“About…a while ago. I mean those words Claire! I Like you..i mean it, and its true!”
Those brief confession from Ason about his feeling is now ruin her mind. Almost echo, repeating in her mind and in her heart.
BINABASA MO ANG
Mahal Kita Ason!
Mystery / Thriller“I don’t meet you when you were still baby or during your acquiring knowledge but I know you. Those ill-mannered of yours tell you who you are, a lonely and rare man like you who kept hiding in a roughly behavior di ba?”she muttered, unavoidably and...