One Month Later..
We should learn to appreciate the beauty of compassion and kindness, the strength of humility and gentleness, and the wisdom of patience.
Ang sarap ng pakiramdam kapag wala kang inaalala. Walang iniisip. Walang anupaman. Nakatingala si Claire sa langit ng hapong iyon. Mag-isa habang nakahiga sa bermuda grass. Isang buwan. Isang buwan ang hiniling niya kay Ason na sana'y hayaan niya ang sariling makalaya sa lahat ng sakit habang hindi ito kapiling. Natatawa pa nga siya kung paano magmaktol na parang bata si Ason nang sabihin niya na magbabakasyon muna siya nang isang buwan. Sa isang tahimik at mapayapang lugar.
Yung lugar na mabubuhay ang tao sa simpleng paraan. At hindi iisipin ang tunay na nangyayari sa totoong mundong ating ginagalawan. Yung lugar na ma-aapreciate ang mga magagandang kapaligiran. Yung lugar na mayroong sariwang hangin.Yung lugar na hihilinging maging tunay na mundo pagdating ng araw.
"Miss.."
Natigilan siya pag-iisip nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Babangon na sana siya sa pagkakahiga ngunit nagulat na lang siya nang biglang pumatong sa unahan niya ang lalaking nagmamay-ari ng pamilyar na boses na iyon. Si Ason. This time, banayad na ang mga paraan nito. Kung noon ay may pagka-sadista ito. Ngayon ay maingat na ito.
"Didnt i tell you na, I'll be back in time?"kunwa'y galit na wika niya sa binata ngunit sa totoo lang ay miss na miss na niya ito.
"I would'nt hold my breath waiting swettie! I've been worrying all day that I might not see you again. Hay~ hindi ko talaga maintindihan kayong mga babae. I don't see why you have to go na hindi ako kasama! Talaga bang natitiis niyo kaming mga lalaki?"nagrereklamong turan ni Ason.
At ramdam niya ang inililikot ng mga mata nito nang tingnan siya nito.
"You'd better believe it Mr. Tigasin! Kayang-kaya namin tiisin ang nararamdaman naming emosyon kahit gaano pa ka-gwapo ang nasa harapan namin!"protesta niya dito. Nag-niningning ang mga matang ngumiti ito ng nakakaloko.
"Talaga?"pilyong saad nito bago inilapit ang mukha nito sa kanya."Even if I kiss you?"bulong pa nito sa punong-tainga niya bago nito nagawang halikan ang punong-tainga niya.
Hindi man niya aminin ngunit parang mababaliw siya sa sensasyong lumalaro sa kanyang pagkatao habang hinahalikan nito ang buo niyang mukha. Pakiramdam niya, halos lahat ng parte ng mukha niya ay basang-basa na sa halik nitong iyon.
"Speechless ka na? Be careful little mouth, what you say!"natatawang tugon ni Ason while pressing her back against his and capturing her lips hungrily.
"Paano ko pa magagawang tumanggi kung tinutukso mo na ako?"aniya sa pagitan ng halik na iyon.
Natigilan na lang siya nang tumigil ito sa ginagawa nito bago mabilis na umalis sa harapan niya at bahagyang umupo sa isang tabi. 'Hay~, lalaki talaga na'to! Binibitin na lang ako parati!'sa loob loob niya.
"Teka, bago ko makalimutan ang dangal ko. May regalo ako sayo, get up! Miss"maya-maya'y saad ni Ason bago inayos ang sarili nito. Nagtatakang napabangon siya sa pagkakahiga at napatingin sa binata.
"Anong regalo?"nagtatakang tanong nya. Napangiti ito sa kanya.
"Basta! May pupuntahan tayo"sagot nito. Naniningkit ang mga mata niya habang tinitingnan niya ito.
BINABASA MO ANG
Mahal Kita Ason!
Mystery / Thriller“I don’t meet you when you were still baby or during your acquiring knowledge but I know you. Those ill-mannered of yours tell you who you are, a lonely and rare man like you who kept hiding in a roughly behavior di ba?”she muttered, unavoidably and...