16 (Awkward)

326 5 1
                                    

Gabing-gabi na ngunit gising na gising parin siya. Wala siyang tigil ng kaka-text at kaka-try ng tawag sa Tita niya. Bukas, pupunta siya sa apartment niya. Aabsent siya sa trabaho. Mag-babaka-sakali siya na makausap at makita ang Tita niya. Marami itong dapat na sagutin sa mga tanong niya. Sa totoo lang,  kung sakali man na totoo ang sinabi sa kanya ni Aling Lorna ay habambuhay na niyang pagsisilbihan si Madam Dina dahil sa utang ng Tita Sophia niya sa kanya. Hindi niya alam kung anong unang salita ang bibitawan niya kapag nakaharap na niya Tita niya. Kung sakaliman, malaki parin ang utang na loob niya sa Tita niya. Wala siyang karapatang magalit dito kahit siya pa ang magbayad ng mga inutang nito. Napakalaki ng utang ng Tita niya. Bukod sa utang nito sa kompanya nila ay may utang pa ito kay Madam Dina.

Ayaw niyang maniwalang pinambayad siya sa utang nito kaya nandito siya ngayon sa bahay ni Madam Dina. Hindi ‘yun magagawa ng Tita niya. Naniniwala siyang mahal siya nito at hindi nito magagawa sa kanya ang bagay na ‘yun. Kailangan niyang makausap ang Tita niya sa bagay na ‘yun.

Gulong-gulo ang isip niya kaya tumayo na lang siya at lumabas ng kanyang kwarto. Hindi siya makatulog sa tuwing maraming iniisip. Gusto niyang ma-hanginan ang isip niya at ang utak niya. Hindi naman pwedeng lumabas siya dahil baka makita siya ni Madam Dina. Napaupo na lang siya sa labas ng pintuan ng kanyang kwarto at malayo ang tingin. Hindi niya alam kung saan tumatakbo ang isip niya ngunit sa tingin niya ay nakakatulong sa kanya ang ginawa niyang paglabas ng kwarto.

Sa hindi niya malamang dahilan ay bigla na lang pumatak mga luha niya mula sa kanyang mga mata. Nalulungkot siya sa sarili niya. Paano kung totoo ang ipinihayag ni Aling Lorna? Hindi naman magbibitiw ng salita na ikakasakit ng damdamin niya si Aling Lorna. Paano kung totoo? Ano bang unang iisipin niya? Na wala man lang siyang halaga sa Tita niya dahil ginawa lang siyang pambayad sa utang?

Kinabahan siya saglit nang may marinig na yabag na hakbang papalapit sa gawi niya. Hindi na niya nagawa pang bumalik agad sa kwarto. Natigilan na lang siya nang makita niya si Ason na nakatingin sa gawi niya. Sabay pa silang napatingin sa isa’t-isa.

“What are you doin here?”takang-tanong ni Ason.

Bigla niyang pinunasan ang luhang pumatak sa mga mata niya kanina bago tumayo. At inayos ang sarili.

“Wa-wala. Na-nagpapahangin lang ako!”aniyang hindi magawang tumingin dito.

‘Bakit sa ‘twing magkakaharap sila ng lalaking ito. Nasa awkward moment siya? Hay~’sa isip isip niya.

                                                                                       

Napangiti lang si Ason sa sinabi niya. ‘Yun lang ang nagawa niyang tingnan. Ang ngiti nito.

“Walang hanging pumapasok dito. Ba’t di ka umakyat sa taas?”anito.

Napapakunot-noo lang siya bago pilit na ngumiti.

“Ahh, no thanks! Maiistorbo ka lang”sabi niya na halatang naiilang sa mabait na gesture nito. Hindi siya sanay na mahinahon ito.

Napakibit-balikat lang ito.

“Kay, i gotta go!”sambit nito.

“Si-sige!”nakayukong saad niya. Hindi naman sa nahihiya siya dito. Parang nararamdaman niya na ang pangit-pangit niya ngayon dahil sa kakaisip ng mga problema niya.

'Tama ba? Na-co-concious ba ako sa sarili kong itsura para lang sa lalaking to? Hay~ Claire naman!'sa isipan niya.

Napatingala lang siya nang tingin dahil napansin niyang hindi pa rin umaalis si Ason. Nakatayo parin ito sa tapat niya.

“Ba-Bakit?”hindi napigilang itanong dito.

Tiningnan muna siya nito ng diretso bago inabot sa kanya ang hawak hawak nitong bote ng alak.

“I think you need this!”anito na ang tinutukoy ay beer na binibigay sa kanya. Napapalunok na tinanggap niya ito na napipilitang ngumiti.

Mahal Kita Ason!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon