27 (Sympathy for Madam Dina)

290 4 3
                                    

“Gising ka na pala! Tamang-tama, nagluto ako ng maraming putahe”salubong ni Madam Dina kay Claire nang makita siyang nakabihis. Sa boses pa lang ng matanda. Halatang pinipilit lang nitong maging masigla kahit sa kabila ng alalahanin nito sa buhay.

“Dadalaw ho ako kay A-Ason kaya maaga ho ako nagising!”aniya dito.

Nagtaka siya nang may ilapag Madam Dina sa mesa na isang basket na nakabalot ng silk na tela.

“Para yan kay Ason. Alam kong dadalawin mo siya ngayon kaya nagising ako ng maaga upang magluto para sa kanya. Kumain ka na din hija!”anang matanda.

Kumuha siya ng pinggan at kutsara para sa niluto nito.‘Napa-sobra naman ‘ata ng dami ‘to!’reklamo ng isip niya. Kahit wala siyang ganang kumain ay pinilit niyang kumain upang hindi magtampo sa kanya ang matanda.

“Sulitin na natin ang mga masasarap na pagkain ngayon. Dahil, hindi natin masasabi na habambuhay natin kakainin ang lahat ng ito!”makahulugang saad ng matanda.

“A-ano ho ibig niyong sabihin Lola?”

“Binabalak ko i-transfer sa pangalan ng mga apo ko at anak ko na babae ang lahat ng mga perang naipon ko sa bangko. At binabalak ko din na ibenta ang malaking bahay ko na ito hija upang ibigay sa charity.”hindi tumitinging saad sa kanya ni Madam Dina.

Gulat na gulat siya sa pahayag nito. Sa kabilang banda naman, kung paka-iisipin ng mabuti. Hangad lang ni Madam Dina makatulong sa mga taong nangangailangan. Walang masama sa plano nito. Ang tanong, ‘Makakaya ba ni Madam Dina na mamuhay ng naghihirap? Makakaya ko bang makitang naghihirap ang matanda?’. Napadami ang subo niya sa pagkaing nasa harapan niya dahil sa naisip na ‘yun.

“Ka-Kaya niyo po bang talikuran lahat ng mga kayamanan niyo. Handa ‘ho ba kayong patunayan lahat ng mga sinasabi niyo Lola?”wala sa loob na tanong niya dito. Napabuntong-hininga ito sa sinabi niya.

“Sa tingin mo ba hija! Mas kakayanin kong mabuhay sa karangyaan kung alam ko naman na ang lahat ng mga ito ay nanggaling sa isang pagkakamali at sa isang kasalanan? Sa tingin mo ba, patatawarin pa ako ng Panginoon kung hahayaan kong mabuhay sa ganitong paraan? Naging masama na ako sa kanila hija, ayoko naman na sa mata ng Diyos, maging masama din ako!”pahayag ng matanda. Umaliwalas ang mukha niya sa sinabi ng matanda bago dahan-dahang ngumiti.

“Lola naman, pinaiiyak mo naman ako eh!”aniya dito na pinipilit ngumiti.

“May umiiyak bang nakangiti?”biro pa nito.”O sya, kumain ka na diyan ng marami!”anitong napilitan ding kumain.

‘Sana naririnig ni Ason lahat ng mga ito. Sana nakikita ni Ason lahat. Sana hindi ka niya kamuhian Lola! Sana hindi’panalangin niya sa isipan habang kumakain.

Mahal Kita Ason!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon