Naiinis si Claire habang nag-lalakad. Saan siya kukuha ng pera pambili ng pagkain? Bente pesos lang naman ang pera niya. Kung sana’y napupulot lang sa daan ang pera. Siguro’y wala ng po-problemahin ang lahat ng tao. Wala na rin magbubuwis ng buhay upang makakain lang. At wala na rin magtatrabaho at maging sunod-sunuran sa boss para lang kumita ng pera at ipan-tutostos sa kani-kanilang pamilya. Bakit nga kaya hindi naging ganoon kadali ang buhay ng tao?
“Ate ate. Pahingi naman po ng kunting pera, ipambibili ko lang po ng makakain naming magkakapatid”
Napasulyap si Claire sa musmos na batang nagmamakaawa sa kanya na hinahawak-hawakan ang kanyang palda. Napaka-dungis nito. Kung titingnan animo'y isang taon na hindi nakaligo. Puno ng grasa ang mukha. At napakapayat na bata.
'Kung naging mayaman lang ako bata. Ibibigay ko ang hinihingi mo o kahit magkano pa. Ano bang maibibigay ng gaya ko na bente pesos lang ang laman ng bulsa?'sa isipan niya habang nakatingin sa batang naka-bukas ang palad para sa perang ibibigay niya. Kailangan din naman niya ng makakain. Hindi lang ito ang nangangailangan ng pera. Napaka-pait ng buhay ng tao sa mundo. Siguro’y naisip na din ng musmos na batang nasa harapan nya ngayon kung may Diyos ba? Kagaya ng naiisip niya noong mga panahong bata pa siya at ka-edad nito. Hindi siya nag-atubili na kinuha mula sa bulsa ang pinaka-huling pera niya na ipa-pambili sana ng pagkain nilang mag-lola. Ang bente pesos.
Nakangiting binigay niya iyon sa batang nasa tabi. Bahagya siyang yumuko upang makita ito. Inaamin niyang mabaho ito ngunit hindi naman siya maarte pagdating sa mga ganoong bagay.
“O heto! ‘Yan ang kahuli-huling pera ko sa bulsa ko! Sana ay mabilhan mo ng tinapay ang mga kapatid mo”aniya bago ito hinipo sa buhok.
“Ma-marami pong salamat Ate. Ma-marami pong salamat!”anang bata bago masayang nagtatakbo at umalis sa harapan niya.
Napapangiti siya habang pinapanuod ang bata na pumunta sa di kalayuan ng bakery.
“Ang kuripot naman!”baritonong boses na narinig niya mula sa likuran niya.
Animo’y nag-wewelga ang mga dugo niya sa kalamnan at para bang gustong kumawala ng puso niya sa kaibuturan matapos marinig ang pamilyar na boses na iyon ng lalaki. Kilala niya kung kanino boses iyon. Si Ason. Mabilis na napalingon siya sa likuran niya upang alamin kung totoong si Ason nga ang nagsalita. Hindi siya nagkamali. Kaharap niya ngayon si Ason. 'Totoo ba 'to?'sa isipan niya.
Kung tingnan siya nito’y para bang iisipin niyang hindi nito nagawang saktan ang nararamdaman niya kani-kanina lang. Natigilan siya ng dahan-dahan siya nitong nginitian.
BINABASA MO ANG
Mahal Kita Ason!
Misterio / Suspenso“I don’t meet you when you were still baby or during your acquiring knowledge but I know you. Those ill-mannered of yours tell you who you are, a lonely and rare man like you who kept hiding in a roughly behavior di ba?”she muttered, unavoidably and...