31 (Gazing at each other's eyes)

290 2 0
                                    

“Manong! Bilisan niyo naman!”reklamo ni Claire habang sakay ng taxi. Actually, sa sobrang traffic ay malabong mabibilisan ng driver ang hinihiling niya.

“Aba hija! Hindi mo ba nakikitang sobrang traffic?”napapakamot sa ulong saad ng driver

Natahimik lang siya ngunit sa totoo lang ay inip na inip na siya. ‘Paano na lang kung hindi ako umabot sa airport?’Alam niyang wala na siyang magagawa sa pag-alis ni Ason.  Hindi niya lang kaya na hindi na niya ito makikita kahit na kailan. Kaya naman, kahit isang beses lang.‘Sana makita ko pa siya

Kahit sa isang saglit lang. Pasilip-silip siya sa window glass ng taxi na sinasakyan niya ngunit natigilan siya bigla nang mahagip ng paningin niya ang pamilyar na rebolto ng lalaking nakasakay sa likuran ng sinasakyan niyang taxi. Nakasilip din ito sa window glass kaya kitang-kita niya ang mukha nito. Hindi rin siya maaring magkamali. Si Ason iyon. Si Ason ‘yung nakasakay sa kabilang kotse.

“Manong! Medyo bagalan niyo naman ng kaunti!”reclaim niya upang maging katapat nila ang nasa likurang sasakyan. Napakamot sa ulo ang driver ng taxi.

“Aba hija! Niloloko mo ba ako? Kasasabi mo lang na bilisan ko tapos ngayon bagalan naman?”turan sa kanya ng driver.

“Pasensya na ho Manong! Pero, pwede ho bang bagalan niyo naman ng kaunti? Itapat po ninyo yung sasakyan niyo sa kulay red na kotse, sa may bandang likuran”pakiusap niya. Walang nagawa ang driver kundi sumunod sa gusto niya.

“Thankyou Manong! Nawa’y pagpalain ka ng Panginoon”matamis niyang tugon.

Agad-agad niyang tiningnan ang katapat na sasakyan.  Pakiramdam niya tumigil ang ikot ng oras nang biglang tumingin sa gawi nya ang kanina pa niya pinagmamasdan na imahe. Si Ason nga. Hindi siya nagkamali. Nagtama ang paningin nila na animo’y nag-uusap sa pamamagitan lang ng mga titig. Hindi ito kumukurap. Hindi rin siya kumukurap. Dahil baka guni-guni lang ang lahat. Isa. Dalawa. Tatlong minuto. Bago bigla na lang mayroong sumingit na truck sa pagitan ng kani-kanilang sasakyan.‘Badtrip!’

Mahal Kita Ason!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon