49 (Farewell Madam Dina)

273 1 0
                                    

Nakamasid lang si Claire sa mga taong nagluluksa sa pagkamatay ni Madam Dina. Lahat ay kumpleto. Si Aling Lorna, Mang Tiban at ang nag-iisang anak ni Madam Dina na tunay na ina ni Ason. Maliban na lang sa naging asawa ni Madam Dina na si Mr. Thompson. Siguro’y kahit abala ang taong iyon sa trabaho. Naiisip rin nito ang naging asawa nito dati at si Madam Dina iyon. She stared fixely at a man beside her at particular instance. Si Ason.

Though its difficult for him to endure what is happening. Pinipilit nitong pigilin ang nararamdaman nitong emosyon. Ngayong araw na ito ang huling araw ni Madam Dina. Napakabilis ng mga pangyayari. She felt different heightened feeling, miscellaneously. Hindi niya kayang ipaliwanag.

Kung magagalit ba siya? Kung malulungkot ba siya? Kung masisiyahan ba siya? Kung iiyak ba siya? For her, the most important aspect of life is emotion. On how you prevent it, on how you release it without taking advantage of others. Anuman ang mangyari, sana ay mayroong mga tao na nakokontrol ang emosyon nila sa magiging kalalabasan ng ugali nila. If we feel anger, we might lash out at the person with whom we are angry. If we are sad, we might cry about the situation that is making us feel that way. Sana'y do not let our emotion's control our behavior! Natigilan si Claire nang maramdaman niya ang paghawak sa kanyang kamay ng lalaking katabi niya. Kasalukuyan silang lahat nakikinig ng pangaral ng pastor.

'You will weep and mourn while the world rejoices. You will grieve, but your grief will turn to joy'mga salitang tumatak sa kanyang isipan habang nakikinig sa sermon ng pastor. Napasulyap siya bigla nang tumingin sa gawi nila ni Ason ang nag-iisang anak ni Madam Dina. Hindi man ito magsalita. Alam niya na nagsisisi na ito dahil hindi nito nagawang patawarin ang ina nito bago man lang mawala ngunit nararamdaman niya sa mga mata nito na lubos itong nalulungkot at nanghihinayang sa mga pangyayari.

Nakakatawang isipin na kahit sa kaunting sandali. Hinayaan ng Diyos na makasama at makilala niya si Madam Dina. Kahit hindi sila mag-kamag-anak. Napakabuting tao nito. Kung nasan man ang espirito nito. Nararamdaman niyang napalaya na nito ang sarili nito sa lahat ng mga kasalanang naiwan nito sa mundo at napakalungkot na buhay.

“Ason!”maya-maya’y sambit niya sa tahimik na lalaking katabi niya.

“Hmm?”anito. Pinilit niyang ngumiti kahit labis itong nalulungkot.

“Lapitan mo totoong mommy mo at mga kapatid mo! Mas magiging masaya si Lola kapag nakita niyang magkasama kayong dalawa. Hayaan mo na ako dito. Hindi naman kita iiwan!”bulong niya dito.

Bahagya pa itong napatingin sa babaeng nasa unahan ng puntod ng matanda. May kasamang mga bata at ang bagong asawa nito. Napatingin muna sa kanya si Ason bago siya nginitian. Namalayan na lang niya na lumapit sa gawi ng mga ito si Ason. Nakita niya kung paano yakapin ito ng tunay nitong ina at ang bagong asawa ng ina nito at mga kapatid nito sa ina. Naging magulo man ang takbo ng kwento ng buhay nito. Alam niyang napakasaya parin ni Ason. Nalampasan nito ang mga sakit at pait ng mundong ginagalawan nito.

‘Lola! Kung nasan ka man, alam ko na mapapanatag ka na. Hindi mo man narinig sa mga bibig nila ang mga salitang sorry at thankyou. Alam ko na masaya ka parin. Kung makikita mo lang sana. Ang pinakamamahal mong anak na babae, kasama ang bagong asawa nito, kasama ang mga anak nila at kasama ang pinakamamahal mong apo na si Ason na itinurin mong tunay mong anak. Kasama na ako. Nandito kami lahat. Nandito lang! Nagpapaalam at nagpapasalamat sa napakagandang memories na iniwan mo dito sa mundo. Maligayang paglalakbay Lola! Mahal na mahal ka namin!'dasal niya sa isipan bago sabay-sabay silang nagpalipad ng kulay puting lobo mula sa kalangitan.

Mahal Kita Ason!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon