"Ate Yuri? Why are you crying po?!" tanong ko sa ate ko.
"Wala lang 'to En, Okay lang si ate!" ngiting sabi niya, pero kitang kita ang mga luhang nagsisibagsakan sa kaniyang mga mata.
"Ate, dahil nanaman po ba ito kay Kuya Jax?" tanong ko rito.
Saglit siyang natigilan. Sinasabi ko na nga ba 'e. That asshole! He's always hurting ate Yuri! I hate him.
"Ate kalimutan mo na po siya, may mahal na siyang iba. Maraming lalaki 'jan na mas deserving sa pagmamahal mo." sabi ko ngunit natigilan ako sa sagot niya.
Ngumiti siya.
"En, bakit ko kakalimutan yung nag iisang tao na nagligtas sa akin? Bakit ko kakalimutan yung taong tumanggap sa akin?! Bakit ko kakalimutan yung nag iisang taong dahilan kung bakit pa ako nabubuhay ngayon? Oo may mahal na siyang iba, pero ayos lang iyon sa akin. Nangako ako sa itaas na siya na ang huli kong mamahalin. Masaya na siya ng wala ako. Nakikita ko na sobrang mahal siya nung bago niya. At least kapag nawala ako, hindi na siya mahihirapan pa kasi may mag aalaga na sa kaniya."
Tumulo ang mga nagbabadyang luha sa aking mga mata. Ang sakit tignan si ate Yuri na nagagawa pang ngumiti kahit sobrang nasasaktan at nahihirapan na.
Mahal na mahal ni ate si kuya Jax to the point na kahit iwan at saktan siya ng paulit ulit, si kuya Jax pa rin ang nakakapawi sa lahat ng ito. Si kuya Jax yung pahinga niya pero paano na siya magpapahinga kung iniwan na siya nito?
YOU ARE READING
𝘾𝙊𝙈𝙋𝙄𝙇𝘼𝙏𝙄𝙊𝙉 𝙊𝙁 𝙎𝙃𝙊𝙍𝙏 𝙎𝙏𝙊𝙍𝙄𝙀𝙎
Random𝘐𝘵'𝘴 𝘢 𝘤𝘰𝘮𝘱𝘪𝘭𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘰𝘧 𝘥𝘪𝘧𝘧𝘦𝘳𝘦𝘯𝘵 𝘨𝘦𝘯𝘳𝘦𝘴 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘺𝘰𝘶 𝘸𝘪𝘭𝘭 𝘴𝘶𝘳𝘦𝘭𝘺 𝘭𝘪𝘬𝘦.