Marupok
"Trein! Pahatid nga dun sa church oh!" Sigaw ko rito.
Para-paraan lang HAHAH.
Sungit kasi nito sakin kaya todo papansin ako dito.
"Eh kung isampal ko kaya sayo bills ko sa pagpapagas ha? Magpahatid ka sa papa mo!"
See? Ang sungit!
"Wala si papa, busy!"
Magkalapit lang naman bahay namin.
"Pwede ba Ava? Andami mong rason. Pwede namang yang tito o tita mo eh."
"Hmmp sungit!"
Sigaw ko dito at lumayas na sa harapan ng bahay nila.
Naglalakad ako papuntang church nang may tumigil na motor sa gilid ko.
"Hi Trein!" Bati ko rito ng mapansing siya ang nakamaneho dito.
"Yiee, alam ko namang di mo ko matitiis eh."
"Gusto ko lang na maliwanagan--"
"Oo na. Sinasagot na kita."
"Ang sabi ko, gusto ko lang na--"
"Oo na nga tayo na. HAHAHA"
"Pwede ba?! Patapusin mo naman ako!"
"Oh ano yun?" Matamlay kong sagot dito.
"Gusto ko lang malinawagan ka sa mga bagay-bagay. Hindi kita gusto. Wala rin akong balak na icrush back ka kaya tumigil ka na. Ang rupok mo grabe. Hindi na nga kita pinapansin, crush mo pa rin ako. Tigil na pagkakacrush sakin. Baba ka na rin, nasa church na tayo."
Aaminin kong nasaktan ako sa mga sinabi nito.
Pero strong ako eh.
"Sayo lang naman ako marupok eh. At kung akala mo titigil nako, hindi pa hanggang sa gustuhin mo ko pabalik."
Bumaba nako sa motor nito.
Pero bago pako lumayo nagflying kiss muna ako dito na pinag-ikotan niya lang ng mata.
HAHA.
YOU ARE READING
𝘾𝙊𝙈𝙋𝙄𝙇𝘼𝙏𝙄𝙊𝙉 𝙊𝙁 𝙎𝙃𝙊𝙍𝙏 𝙎𝙏𝙊𝙍𝙄𝙀𝙎
Random𝘐𝘵'𝘴 𝘢 𝘤𝘰𝘮𝘱𝘪𝘭𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘰𝘧 𝘥𝘪𝘧𝘧𝘦𝘳𝘦𝘯𝘵 𝘨𝘦𝘯𝘳𝘦𝘴 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘺𝘰𝘶 𝘸𝘪𝘭𝘭 𝘴𝘶𝘳𝘦𝘭𝘺 𝘭𝘪𝘬𝘦.