ROMEO AND JULIET

1 0 0
                                    

Almost Romeo and Juliet Love Story

Panibagong araw, panibagong pagtingala nanaman. Ako si Tom at nandito nanaman ako nakatingala at pinagmamasdan ang kagandahan ni Lily. Matagal-tagal ko narin siyang binabantayan at sa kasamaang palad hanggang titig lang ako sa kanya.

Lagi lang akong nakatingala sa kan'ya, habang siya ay kumakain o masayang nakikihalubilo sa kan'yang mga kaibigan. Gustong-gusto ko na laging natatanaw ang mga ngiti sa kan'yang labi na malimit lang kung magpakita.

'Pag umaga malimit lang siya lumabas at sa mga oras na iyon ko isinasalit ang aking pagtulog para gwapings parin ako pag nakita niya ako sa gabi. Ayoko naman na matakot siya sa'kin.

"Hoy Tom Kamusta? Hindi ka pa ba nangangawit kakatingala diyan? Malapit na ngang lumuwa ang mga mata mo oh." Pabirong sambit ni Clyde.
Si Clyde ay kaibigan ko at katulad ko may binabantayan din siya, 'yun ay si zardy-kaibigan ni Lily.

"Clyde, 'pag gusto mo, hihinatayin mo." tugon ko sa kan'ya at binigyan siya ng makahulugang ngiti.

"Alam mo Pre, para kayong si Romeo at si Juliet" sabi ni Clyde.

"Paano naman kami naging ganon?" tanong ko.

"Ikaw si Romeo na nakatingala sa iniirog mong si Juliet, ang kaibahan nga lang kahit kailan hindi siya bababa at titingin pabalik sa'yo 'gaya ni Juliet kay Romeo." mahabang turan ni Clyde.

"Tsk. titignan din ako ni Lily." tugon ko sa kan'ya.

"Ang hina mo kasi Pre! 'Di mo 'ko tularan, nung nakaraan si Sara nakuha ko, ngayon si Zardy naman." mayabang na sambit ni Clyde.

Nakakainggit nga naman si Clyde pero nararamdaman ko na malapit narin tumingin si Lily sa akin gaya ng pagtingin ko sa kanya.

'Di nga nagtagal tila napapansin na ako ni Lily. may iilan-ilan na tingin na siyang ibinabato sa akin. Napapansin na niya siguro na gustong-gusto ko talaga siya at masugit akong naghihinatay sa kan'ya.

Kay Lily lang talaga ako nakatingin sa lahat ng oras, nagpapakita na tapat ako sa kan'ya.

Isang gabi habang naguusap sila ng kaniyang mga kaibigan ay napatingin siya sa akin, sa oras na iyon ay matagal na titig ang ipinukol niya sa akin. Nakipagtitigan ako sa kan'ya at nginitian siya ng buong puso.

Tumibok ng mabilis ang aking puso nang makita ko siyang nakatitig sa akin. Tila siya na ang bababa upang gawin ang kanilang tradisyon tuwing ika-anim ng gabi. Ito na ang pagkakataon ko na makalapit sa kan'ya. Matagal ko itong ipinagdasal at pinapangarap.

Habang bumababa siya ay titig na titig kami sa isa't-isa na tila may halong takot at sabik sa aming dalawa.

Nang malapit na siya ay dali-dali akong tumalon upang mahagkan ko na siya, tatakbo pa sana siya ngunit huli na ang lahat. Kagat-kagat ko na ang maliit niyang katawan.

Pinagsawaan at pinaglaruan ko si Lily at nung ako ay tapos na sa kan'ya ay pinagmasdan ko ang malamig niyang bangkay.

"Tila tayo nga si Romeo at Juliet. Lagi akong nakatitig sa iyo hinihintay ang pagtugon mo, ngunit kahit kailan hindi ako magiging si Romeo na sasagip sa'yo." malamig na turan ko sa bangkay niya.

"Tom! muning~muning~. Nasaan ka ba?'
''Naku! nakapatay ka nanaman pala ng butiki, magaling na pusa." masayang sambit ng aking amo habang hinihimas ang aking ulo.

𝘾𝙊𝙈𝙋𝙄𝙇𝘼𝙏𝙄𝙊𝙉 𝙊𝙁 𝙎𝙃𝙊𝙍𝙏 𝙎𝙏𝙊𝙍𝙄𝙀𝙎Where stories live. Discover now