THE EMOTIONLESS WOMAN

3 0 0
                                    

That Emotionless Woman

Emotions. Emotions are things that people feel. It could be happiness, anger, sadness etc. People have different emotions from day to day. Lahat may emosyon...Lahat...Ma­­­­­­­­liban sa akin.

I am Ignacia "Cia" Ortega. Twenty years old. Also known as "That Emotionless Woman". Yes. You've read that right. Di tulad nang ibang tao wala akong nararamdaman ni katiting na saya, lungkot, sakit, takot, galit at kung ano ano pa. Di lang to basta basta tulad ng tinatawag nilang taong cold hearted dahil this is a medical condition. Sakit ko to magmula pa nang ipinanganak ako hanggang sa pagtanda ko.

"Cia, anak. Ready ka na ba? Malelate kana sa school." sambit ng boses ni Mama na nagmumula sa kusina.

"Opo." maiksi kong tugon. Agad naman akong bumaba sa hagdan at biglang sumalubong sa akin ang mukha ni Mama na nagluluto sa kusina.

"Alis na po ako Ma." pagpaalam ko sa kanya na naging sanhi nang pagkunot nang mga noo niya.

"Anak, dapat kumain ka muna para may lakas ka sa pag-aaral mo." nag-aalalang sambit ni Mama.

"Hindi niyo naman po ako kailangang alalahanin Ma. Alam niyo naman pong di ako mabilis magutom." sambit ko na ikinatawa ni Mama. Habang ako, nakapoker face lang sa harap niya.

"O sya sige. Mag-iingat ka dyan sa daan. Madami nang sasamang loob ngayon." wika ni Mama. Tumango nalang ako at agad na naglakad palabas nang pinto. Malapit lang ang bahay namin sa eskwelahang pinapasukan ko kaya di na ako sumasakay nang pedicab o taxi. Naglalakad lang ako papunta at pauwi. Maya-maya pa ay nakarating na ako sa school gate at agad na pumasok. Dumiretso nalang ako sa silid aralan ko.

"Hoy Ezmeralda! Ikaw yong kumuha nang ballpen ko no?" malakas na sigaw nang kaklase kong si Venice.

"Kung makapagbintang ka kala mo naman kung sinong hindi nangongolekta nang ballpen nang mga kaklase natin." pagtataray ni Ezmeralda. Patuloy lang silang nagbabangayan hanggang sa mapansin nila na ang presenya ko.

"O, andito ka na pala Cia." wika ni Venice.

"Yan. Isusumbong kita kay Cia." wika naman ni Ezmeralda.

"Ikaw yung nagbibintang eh!" sambit naman ni Venice.

"Totoo naman diba?" dagdag pa ni Ezmeralda. Ang ingay ingay na nilang dalawa.

"Tama na yan. Wag na kayong mag-away." sambit ko. Natahimik naman sila.

"Yes maam." sabay nilang sabi at agad na tumawa. Maya-maya pa ay dumating na si professor.

"Okay class. Let's start our new lesson." pasimpleng sambit ni Sir. Naging maayos naman ang takbo nang klase namin hanggang sa umabot sa kalagitnaan nang pagdidiscuss ni Sir.

"Goodmorning Sir, sorry I am late." wika nang isang lalake. Hinihingal sya at mukhang galing lang sa kakatakbo nang ilang kilometro.

"It is fine Mr. Ravena. So class. Mr. Wade Ravena is a new student here in our school be nice to him." sambit ni Sir sabay ngiti.

"You may take you seat now Mr. Ravena." dagdag niya. Tumango naman ang nasabing si Wade at agad na naglakad nang diretso palayo kay Sir at dumiretso sa likuran. Maya-maya ay napahinto ito sa harap ko sa di malamang dahilan.

"May nakaupo ba dito Ms.?" wika niya sabay turo sa upuang nasa tabi ko lang. Tinignan ko na naman ang pagmumukha niya. Daladala niya pa ang ngiti sa mga labi niya.

"Wala." sagot ko. Lalo pa itong napangiti at agad na umupo sa tabi ko.

"Sya nga pala. Narinig mo na kanina diba? Ako pala si Wade Ravena. And you are?" tanong niya sabay abot nang kamay. Tinitigan ko pa nang ilang segundo ang kamay niya bago binaling uli ang atensyon sa discussion.

𝘾𝙊𝙈𝙋𝙄𝙇𝘼𝙏𝙄𝙊𝙉 𝙊𝙁 𝙎𝙃𝙊𝙍𝙏 𝙎𝙏𝙊𝙍𝙄𝙀𝙎Where stories live. Discover now