•BINALEWALA•
Simula ng iwan ako ng ex ko palagi na kong nag-iinom, yun lang kasi yung paraan na alam kong makakalimot ako kahit papaano sa kanya pero palagi ding may babaeng pumipigil sakin.
"Paul tama na." inagaw nya sakin ang hawak-hawak kong bote ng alak.
I looked at her "Ano ba! Hayaan mo na ko." kukuhain ko sana uli sa kanya yun pero nilayo nya uli sakin.
"Lasing ka na."
"Hindi pa ko lashing!" bumagsak ang ulo ko sa table "Kaya k-ko pa."
"Hindi mo na kaya please Paul tama na. Iuuwi na kita sa inyo." inakbay nya ang braso ko sa kaniyang balikat at ramdam ko ang sobrang pag-aalala nya sakin the way na inaasikaso nya ko.
She's Jane, my bestfriend.
"Jane bakit mo ito ginagawa?" I asked dahil hindi naman nya tungkulin o responsibilidad ako.
Oo kaibigan ko sya pero sobra naman ata itong ginagawa nya para sakin. Sinusundo nya ako lagi kahit na alam nyang delikado para sa kanya ang palalabas ng gabi dahil babae sya. Paano kung magahasa sya?
Ilang minuto syang natahimik.
"Dahil mahal kita."
Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko pero dahil sa tindi na kalasingan ko ay nakatulog na ko.
_
"Goodmorning!"
"Jane?" gulat ko dahil napakaaga pa at hindi ko akalaing dadalaw sya sa bahay ng ganitong oras.
"Anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko.
Lumapit sya sakin at ngumiti ng malapad.
"Sinusundo ka." sabi nya.
"Huh?"
"May pupuntahan tayo."
"Saan?"
Ngumiti uli sya "Secret haha basta! malalaman mo din."
Kahit naguguluhan pa ko ay nag-ayos nalang din ako ng sarili.
[ Pastforward ]
Pagkababa ko ng sasakyan ay dali-dali nyang tinanggal ang mga piring sa mata ko.
Ano bang kalokohan ito?
"One. Two. Three. Charan!!!"
Bumungad sakin ang napakataas at napakagandang view ng Mayon.
Napangiti ako.
Grabe hindi ako makapaniwala!
Parang dati-rati lang nung mga bata pa ko pangarap kong makapunta dito sa Albay para makita ang bulkang ito pero hindi ko yun nagawa dahil naging abala ko sa lovelife pero ngayon? tinupad yun ng isang babae na nasa harap ko and that is my bestfriend, Jane.
Sa sobrang tuwa ko ay niyakap ko sya "Salamat ha. Ang saya ko promise."
Alam kong nagulat sya pero unti-unti'y yumakap din sya pabalik sakin. "Wala yun basta para sayo." ngumiti sya.
Humiwalay ako ng yakap. Nagtataka ako kung bakit nya ko dinala dito.
"Bakit mo ko dinala dito?"
Ngumiti uli sya. "Dahil gusto kong mag-enjoy ka. Tingnan mo" gamit ang mata tinuro nya sakin ang Mayon "Ang ganda diba?"
Napatingin din ako dun. "Oo, sobrang ganda nga." tas napatingin uli ako sa kanya at naalala ko yung sa bar. "Nga pala, nung isang gabi sa bar ahm..."
YOU ARE READING
𝘾𝙊𝙈𝙋𝙄𝙇𝘼𝙏𝙄𝙊𝙉 𝙊𝙁 𝙎𝙃𝙊𝙍𝙏 𝙎𝙏𝙊𝙍𝙄𝙀𝙎
Random𝘐𝘵'𝘴 𝘢 𝘤𝘰𝘮𝘱𝘪𝘭𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘰𝘧 𝘥𝘪𝘧𝘧𝘦𝘳𝘦𝘯𝘵 𝘨𝘦𝘯𝘳𝘦𝘴 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘺𝘰𝘶 𝘸𝘪𝘭𝘭 𝘴𝘶𝘳𝘦𝘭𝘺 𝘭𝘪𝘬𝘦.