PASSWORD

4 0 0
                                    

PASSWORD

"Rhea may load ka?" Tanong ni Demi, bestfriend ko.

"Meron, bakit makikihotspot ka nanaman?" Pataray kong sagot dito.

"Oo HAHAH open mo na dali."

"Palitan ko muna password niya marami na rin kasing nakakaalam." Sabi ko rito.

Habang nagtatype ako ng bago kong password, yung laptop ko nasa armchair ko lang. Ginagamit ko kasi.

Nang matapos kong itype yung password ko na 'soontobemrs.baronzerif', kinuha ko naman yung phone ni Demi para itype yung bago kong password.

Nang naitype ko na yung password tawa ako ng tawa dahil sa password ko.

Nang mahulog yung laptop ko.

Anlakas ng impact.

Bumali-baliktad pa.

Napatingin yung mga kaklase kong nasa room sakin, pero di ko sila pinansin.

Kinabahan ako.

Kasi mapapagalitan ako nito.

May sentimental value pa naman toh.

Okay lang sana kung wala.

Kaya naman dali-dali kong pinulot ito tas inopen.

Ang tanging nagpakita lang ay yung logo ng laptop tapos nawala rin naman agad.

Ilang beses ko rin triny pero black talaga lahat.

Kinakabahan na talaga ako

Tapos napag-alaman ko na lang na, na lcd na pala ito.

Tinago-tago ko pa naman kila papa nang napakatagal.

Nagsinungaling pa ako na hiniram nila ito pero ang totoo pinaayos ko sa papa ng isa sa mga best friend ko.

Malalaman naman pala nila.

Bwiset na kaharutan yan.

Kung sana nakontrol ko yung kaharutan ko may ginagamit pakong laptop ngayon pero sad to say, ayaw na nilang ibigay sakin ito.

𝘾𝙊𝙈𝙋𝙄𝙇𝘼𝙏𝙄𝙊𝙉 𝙊𝙁 𝙎𝙃𝙊𝙍𝙏 𝙎𝙏𝙊𝙍𝙄𝙀𝙎Where stories live. Discover now