MY VAMPIRE STALKER
"Hindi kaba talaga sasama?" malungkot ng tanong ni Fiona. Agad akong umiling at tumayo na sa upuan ko.
"Pasensya na, inutusan pa kasi ako ni Mommy na mag-grocery eh." saad ko at sinukbit na ang bag ko.
"Sige, next time sama ka ha?" anito. Lumabas na si Fiona sa room. Dali-dali akong lumabas ng room ng mapagtanto kong ako nalang mag-isa sa loob. Ang teacher namin yung nagla-lock ng classroom namin.
I sighed, nang makalabas na ako sa school ay agad akong pumara ng taxi. Wala kasi yung driver namin, nasira daw yung kotse kaya magco-commute nalang muna ako. At bibili pa ako ng groceries for 1 month stocks namin.
Habang bumibili ay nakayuko ako dahil tinitignan ko ang listahan na binigay sakin ni Mommy. Habang nakayuko ay bigla akong may naka-bunggoan.
"I'm sorry," hingging paumanhin ko kaagad. Itinaas ko ang tingin ko para sana ay tignan kung sino yung nabunggo ko pero agad itong tumalikod.
"Sh*t, not now baby." mahinang bulong nito na hindi ko na marinig.
I shook my head, ang weird naman ng lalaking yun. Agad na akong bumili ulit at kinalimutan na ang nangyare.
NANG MATAPOS ako sa pamimili ay agad akong umuwi sa bahay. Ako lang mag-isa dahil palaging wala si Mommy at Daddy dahil sa kanilang business trips. Only child lang ako, ayaw rin naman maghire nila Mommy at daddy ng mga maids dahil gusto nilang maging independent ako.
Hindi na lamang ako kumain dahil busog narin naman ako kanina. Kumain na kasi ako ng hotdog kanina sa Super Market.
Agad akong nahiga sa kama ko, wala naman kaming assignment or projects kaya maaga akong matutulog ngayon. Agad akong napatingin sa bintana, it's closed.
"Makatulog na nga." bulong ko sa sarili ko at pumikit. Ilang minuto lang ay nakakaramdam na ako ng antok.
HABANG NATUTULOG ay bigla na lamang akong naalimpungutan ng makaramdam ako ng ginaw. Minulat ko ang mga mata ko at mapagtanto kong nahulog pala sa ibaba ang kumot ko. Dali dali kong kinuha ang aking kumot at akmang matutulog na ulit ng makita kong nakabukas ang bintana.
Naalala ko, sinara ko ito kagabi ah? Oh baka nakalimutan ko lang? Bahala na nga. Agad akong tumayo at lumapit sa bintana, isinara ko ito ulit saka ako bumalik sa pagkakahiga sa kama ko.
Akmang matutulog na ulit ako ng bigla nalang akong may naramdamang hininga sa leeg ko.
Agad kong iminulat ang mga mata ko sa gulat. "Wtf?! S-sino ka?!" natatakot kong sigaw. Isang pigura ng lalaki, hindi ko makita ng maayos ang mukha dahil madilim sa loob ng kwarto ko.
"Ssshh.. Don't shout baby." mahinang saad nito. Inilandas niya ang daliri niya sa labi ko patungo sa leeg ko. I shivered at his actions.
"Let me go!! Isusumbong kita sa p-pulis!!" sigaw ko. Kahit natatakot ay pinili kong magmukhang matapang. "Rapist!!! Rap---!! Hmmmpp!!" magsisisigaw na sana ako pero agad niyang tinakpan ang bibig ko.
"Baby, don't shout. I will not hurt you." saad niya at dinilaan ang leeg ko. Wala akong nagawa kundi ang hindi kumilos. Kahit ano namang pagpupumiglas ko ay wala akong laban. He's strong, I'm weak.
"W-what do you need? M-money? I'll give you money." mahinang pakiusap ko. Nagsimula naring tumulo ang mga luha ko. Pero hindi siya sumagot at pinatakan ng mumunting halik ang labi ko.
"Your lips taste so sweet baby," mahinang bulong nito. Tumigil siya sa pag halik at binaba ang labi niya sa leeg ko. Ilang minuto pa ay may naramdaman akong matalim na bagay na nakatutok sa leeg ko.
"W-what's that?! Ouch!" sigaw ko ng bigla niya itong binaon sa leeg ko. I fainted when I figured out that he's biting my neck.
KINABUKASAN, I woke up early. Ang strange ng panaginip ko kagabi. I shrugged, agad akong pumasok sa bathroom at akmang maliligo na ng may makita akong kung ano sa leeg ko.
"What's this?" kausap ko sa sarili ko. Dalawang maliliit na butas, agad kong binasa ng tubig ang kamay ko at ni-rub doon. Pag tingin ko ulit sa salamin ay nawala bigla. Baka namamalikmata lang siguro ako. I sighed and continued my morning routine.
THIRD PERSON'S POV
I look at her. She fainted after I bit her.
My baby, my baby is peacefully sleeping. And I promise to protect my baby at all cost. I marked her already, I owner her. She's mine.
"Good night Mi Baby." I silently said and kissed her forehead.
YOU ARE READING
𝘾𝙊𝙈𝙋𝙄𝙇𝘼𝙏𝙄𝙊𝙉 𝙊𝙁 𝙎𝙃𝙊𝙍𝙏 𝙎𝙏𝙊𝙍𝙄𝙀𝙎
De Todo𝘐𝘵'𝘴 𝘢 𝘤𝘰𝘮𝘱𝘪𝘭𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘰𝘧 𝘥𝘪𝘧𝘧𝘦𝘳𝘦𝘯𝘵 𝘨𝘦𝘯𝘳𝘦𝘴 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘺𝘰𝘶 𝘸𝘪𝘭𝘭 𝘴𝘶𝘳𝘦𝘭𝘺 𝘭𝘪𝘬𝘦.